Kabanata 30 SOBRANG sarap na sarap si Veronica sa pagkain. Sobrang tagal niyang nawala sa probinsiya kaya ganoon nalang ang pagkagana niya sa pagkain. Kahit nga ang kanyang nga kasamahan ay ganoon din. Sarap na sarap ang mga ito. "Huwag kayong mailang, ha. Kumain lang kayo ng kumain," maasikasong wika ng tiyuhin ni Veronica. "Tito, kumain na rin po kayo, sumalo kayo sa amin," aniya rito. Marami kasi itong hinanda at sigurado siyang hindi iyon mauubos. "Para sainyo 'yan," ngumiti lang ito. Kung hahambingin ni Veronica kung sino ang may pinakamagandang ngiti sa magkakapatid na Montecilio ay ang kanyang Tito Andrew iyon. Nakuha niya ito sa abuelo. Habang ang Daddy naman niyang si Elthon ay mas gwapo ito kapag seryoso. At ang kanyang Tito Alvin naman, gwapo din ito kapag seryoso. Mga gwap

