Kabanata 43 PABALIK na sa loob ng rest house si Veronica nang mapansin niya kung gaano ka saya ang hinayupak na si Steffan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya kung gaano ka maskulado ang lalaki. Bukod roon ay bakat na bakat pa ang harapan nito habang naliligo. Sobrang ganda ng tubig dagat. Kumikislap ito dahil sa sinag ng araw. “Ang yummy ni Sir hindi po ba?” biglang lumapit sa kanya ang kasambahay. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring tiningnan ang mga halaman. “Pagpasensyahan niyo na po si Sir Steffan, Ma’am. Mabait po iyan iwan ko ba kung bakit ganoon nalang ang trato niya saiyo kanina. Pero mabait naman po siya.” “Hindi niyo na po kailangang ipagtanggol ang hinayupak na iyon. Hindi pa rin maaalis ang galit ko sa kanya.” “Ang alam ko lang po Ma’am a

