Kabanata 44 PAGDATING sa isla ay may maraming taong sumalubong sa kanila. Kitang-kita ni Veronica ang masasayang mukha ng mga ito. Maging si Steffan ay ganoon din. Nakita na niya ang ganoong kasaya sa mukha ng lalaki noong nasa bahay ampunan sila. Ang buong akala niya ay mga bata sa ampunan lang ang pinupuntahan ni Steffan. And here comes an island. Sobrang nakakabilib. Tila nagbago ang kanyang masamang iniisip sa lalaki. How could a woman like her na kayang pag-isipan ng masama ang lalaking may malaking pagmamahal sa mga tao? "Alam mo, noon pa ay malapitin na talaga sa mga tao iyang si Sir. Naikuwento sa akin ng Mama niya noong nasa Masbate ito. Naku, may tinulungan itong batang babae. Tapos hindi raw umalis si Sir hangga't hindi ito okay." "Talaga po? Ano raw nangyari sa batang b

