Wala na ba talagang ibang lugar para sa'min ng anak ko? Kahit saan na lang nandoon ang gulo? Lumayo na nga ako para umiwas. Ba't parang sinusundan pa rin kami? Nakabusangot kong binalingan si Harry. Nasa sala sila kasama niya si Tinay na naglalaro no'ng lato-lato na binili nila kanina. Ayoko pa rin na sumama sa kaniya. Hindi niya ako agad-agad mapapayag diyan sa desisyon niyang 'yan. Pinsan niya si Hades. Malay ko bang pinapasakay niya lang ako sa mga kwento niya para sumama kami sa kota nila. Blood is thicker than water pa rin. Magtatago na lang kami dito sa Nieves. Hindi naman siguro hahalughugin ni Hades ang buong Nieves para hanapin kami. Tsaka, imposible rin iyon. Wala nang pakialam sa amin ang lalaking 'yon. Nagpakasal na nga, e. Napabuntong hininga ako. Ba't parang nalulungkot

