Buhat-buhat ko si Tinay. Tulog na ito kanina pa. Matutulog na rin dapat ako kung di lang iyon sinabi ni Harry. Tutulong kunyari sa akin tapos biglang sasabihing gusto niyang maging anak ang anak ko? Wala siyang pinagkaiba kina Obrey kung ganoon. Pagbukas ng elevator sa lobby ay agad akong lumabas. Buhat-buhat ko pa rin ang anak ko. Kaya ko pang magbayad ng matutulugan ngayong gabi. Kasya pa naman yata ang pera ko para doon. Bahala na. “Lurena!” Mas binilisan ko ang mga hakbang ko nang marinig ang boses ni Harry. Ang bilis naman ng mokong na 'to. Naabutan niya agad kami sa lobby? “Lurena, wait. Please!” Muntik ko nang buksan ang glassdoor ng building nang may matanaw ako sa unahan. Namilog ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba sa magarang kotse. Mabilis akong tumakb

