Kumalabog ang pinto sa isang tulak ko lang. Tumambad sa aking mata ang hubad na si Harry. Mukhang magbibihis pa ng dress shirt. Halatang may pupuntahan. Kung ibang babae iyon baka naglaway na pero hindi kasi siya si Hades-ay este wala kasi akong pakialam kung gaano siya ka-hot. “Uuwi ka ng Pinas?”bungad ko sa kaniya. With matching panlalaki ng mga mata. Namewang siya. “Yes, so?” “Pwede bang-” “No!” “Bakit?” Umatungal ako. Last year naman ay pinayagan niya ako. Pumayag pa siyang umakto kaming parehong lalaki para lang mabisita namin ang Papa ko. “Baka nakakalimutan mong tinitigan lang ako ng kapatid mo ay hinabol na ako ng itak ng Papa mo.” Ngayo'y bakas na ang takot sa mata niya. Naalala ko pa nga. Sinabi rin Papa na 'Panagutan ni Harry ang kapatid ko at huwag na raw magkunwari at

