"Nakita mo ba ang short ko-" Natigilan si Papa nang lampasan ko siya ng hindi nagsasalita. Ayoko na muna siyang kausapin dahil baka pag kinumpronta ko siya ay maiyak lang ako sa inis. Sino ba ang hindi maiinis? Alam kong tutol ang ina ni Mama sa pagpili ni Mama kay Papa. Dahil mahirap lang si Papa at matapobre si Lola. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi namin namana ang ugaling iyon ng matandang iyon. Ala kong npilitan si Mama na iwan si Papa para sumama sa ibang lalaki. Ginigipit na kami ni Lola noon pa man. Nagkataon na failure ang palayan namin at naubos na ang pera namin dahil pinampuhunan namin iyon lahat sa palayan. Inasahan amin na may maaani kami pagkatapos niyon. Pero minalas kami noong mga panahong iyon at nagkataon na nagkasakit ang kapatid ko. Walang-wala kami noong mga p

