Kabanata 38

1749 Words

Bumuntong hininga ako bago itinulak ang pinto ng office ng mayor. Imbes na ang mayor ang abutan ko doon ay si Dinovan ang napagbuksan ko. Iyong Mama niya sana ang pupuntahan ko doon dahil tiyak na alam niyon kung saan ko matatagpuan si Hades. Alam ko namang naka-duty parati ang mama niya dito. Pero tama na rin na si Dino ang nandito at mukhang mas kumportable akong kausapin siya kaysa sa mama niya. "Napadaan ka, Rena." Ngumiti si Dino at nilapitan kaagad ako. "Ba't nandito ka?" "Binisita ko lang si Mama. Pero nagmamadali siyang umalis kanina. May kailangan ka sa kaniya?" Alanganin akong ngumiti. "Itatanong ko sana kung nasaan si Hades. May gusto lang akong pag-usapan." "Pauwi na rin ako nasa mansion siya ni Lolo." Naalala kong sa mayor din tumuloy si Harry noong nagpunta siya dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD