Linggo ngayon. Ngayon lang humaba ang tulog ni Tinay. Nakapag-ready na ang mga katulong sa baba. Tumulong na rin ako sa paghahanda sa hapag. Maagang umalis si Hades. Kaninang mga bandang alas 3 daw umalis. Hindi ko na kinatok ang silid na kinaroroonan ni Tinay. Binuksan ko iyon at nagulat nang malaman na wala na siya doon. Agad akong umalis doon at hinanap siya sa buong bahay. Matagal-tagal pa bago ko siya natagpuan. At hindi ko aakalaing sa silid ni Hades ko siya mahahanap. Naabutan ko siyang hawak ang isa sa picture na nasa side table ng kama ni Hades. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. At nalaman kong ang tinitingnan niyang picture ay ang nag-iisang picture ni Hades. Naka-bussiness suit at seryoso ang mukha. “Tinay...” Nabitiwan niya ang picture na hawak dahil sa gulat. Bumagsak iyo

