Baby pa si Tinay noong magpunta si Tiyang sa Nieves para dalawin kami. Sinadya niya iyon para di kami matunton ng mga naghahanap sa amin. Ngayong malaki na ang anak ko at pitong taong gulang na ay medyo namangha si Tiyang nang makita na ganito na kalaki ang anak ko. “Sinabi ni Harry na nagkita na kayo at ikinuwento niya lahat sa akin ang mga nangyari after noong pagkikita niyo. Sabi ko nga na kabaliwan ang ginawa niyang pagpapakasal sa'yo, akala ko katulad ng kay Hades ang gagawin niya. Kalaunan naintindihan ko kung bakit niya ginawa iyon. At nalaman kong pati si Harry wala na rin,”ani Tiyang. Sinulyapan ko ang tahimik na si Tinay na kumakain sa gilid. Hinihinaan lang namin ang boses dahil baka marinig ni Tinay. Alam ko ang feeling ng masaktan tuwing naalala mo ang importanteng tao para

