“Ano ba yang pinagsasabi mo?” Pinanlakihan ko siya ng mata. “I should've secure your safety kaya babalik ako sa unit niyo kahit ipagtabuyan mo ako.” “Napakarami nang body guards doon. Hindi mo na kailangang-” “Is this about last night?”putol niya sa lintanya ko. Natahimik ako dahil doon. Hindi ko na rin alam ang sasabihin. At ayoko rin na pag-usapan pa ang tungkol diyan. Naalala ko lang na hinayaan ko siya kagabi. Na bumigay ako at nagpaubaya sa mga... oh gosh! Naalala ko na naman. “Ang laki laki nitong unit mo bakit kailangan mo pang-” “Yeah, malaki ang unit ko. Is it better for the both of you to move here instead?” Namilog ang mata ko. Agad ko siyang tinalikuran. Kasi pakiramdam ko parang mas lumalala yata ang topic na ito habang tumatagal ang usapan. Mabilis akong bumalik sa

