Iniinis ba ako ng isang 'to? Kasi effective ang pang-iinis niya. Alam niyang may asawa na ako. Akala ko ba kapag kasal na kami ni Harry ay magiging peaceful na ang buhay ko? Pinsan niya iyon, pero heto at dinukot niya ang asawa ng pinsan niya. Nababaliw na talaga siya! “Huwag mo kong idamay sa mga kabaliwan mo. Ibalik mo ito sa daungan ngayon na!” Tinaasan ko na siya ng boses. Wala akong pakialam kung anong klase siyang tao. Pero imbes na magalit sa naging asta ko ay nakita ko ang amusement sa mga mata niya. Tila tuwang tuwa siyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko. “No,”simple niyang sambit at tumangga ng wine. Itinuko niya ang kamay sa mini counter at pinagmasdan ako. “Ano-” “Ayaw mo bang kunin sa akin ang 30 million mo? Ayos ka na doon sa nakuha mo sa bangko ko? Pwede ko 'yong dagda

