Nagsinungaling ako kay Tinay na may kaibigan akong ime-meet sa loob ng restaurant. Katabi no'n ang coffee shop ni Harry. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa kabila pa kami mag-usap gayong pwede naman yata doon na lang sa mismong coffee shop. Mas tahimik, mas relaxing, pero dito talaga sa restaurant sa kabila niya gustong magtungo ako. Natanaw ko sa sulok si Harry. Distansya siya mula sa glasswall ng restaurant tepong hindi makita mula sa labas. Sinulyapan ko ang kotse na kinalululan ni Tinay. Nasa loob niyon ang iniwan ni Hades na mga tauhan para sa amin ng anak ko. Isa pa iyon. Hindi ko rin gets kung bakit kailangan ng body guard. Nakakapanibago talaga. “Hi,”aniya sabay pasimpleng tinaas ang kamay para makita ko kung nasaan siya. Kanina ko pa siya nakita. Kahit di ko siya hanapin

