"Tinay..."marahan kong hinila ang anak ko. "P-Pwede ba na hindi sa harap ng bata?" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kita ko pa rin ang pagkatulala ni Hades. Tila hindi pa siya agad nakahuma matapos ng ginawa ng anak ko sa kaniya. Pinahid ni Harry ang dugo sa gilid ng labi niya. Bakas parin kalituhan sa mga mata niya. Siguro wala pa siyang ideya kung bakit iyon ginawa ni Hades sa kaniya. Nagkatinginan kami ni Harry na tila nagkaintindihan lamang kami gamit lang ang mga tingin. Umiling ako saka niya lang tila nag-gets ang sitwasyon namin. Hindi umalis si Hades sa sofa matapos ko silang mapaghiwalay. Napapangiwi pa si Harry habang nilalapatan ng ice bag ang pasa sa gilid ng labi. Nasa silid niya siya ngayon. Dinalhan ko si Harry ng first aid kit. Balak ko sanang gamutin ang pasa niy

