“Tinay!” Sigaw ko dahil di pa ako tapos sa pagligo at puno pa ng sabon ang buhok ko nang kalampangin ni Tinay ang pintuan ng banyo ko para tumae. Kairita! Nagpapadyak akong kinatok ang pinto ng banyo. “May CR ang kwarto mo. Ba't di ka doon?” “Huwag kang magulo, Ma. Nagko-concentrate ako. Di makalabas ang tae ko,”balik sigaw niya mula sa loob. Nakakuyom ang kamao ko na naghintay na lang sa kaniya sa labas. Balik sa 'mama' ang tawag niya sa akin. Siya mismo ang nagdesisyon na tawagin ulit akong Mama. Nakaka-miss din pala ang ganito kaysa sa parati kaming nagkukunwari. “Success!” Bulalas niya pagkalabas niya ng banyo ko. Mabilis ko siyang hinawi para ako naman ang gumamit ng banyo ko. Papasok na ang sabon sa mata ko tapos ang tagal tagal niya pa sa loob. Sakto namang nalanghap ko ang amo

