Nakasalampak sa sahig at nakasandal ako sa pinto habang iniisip ang mga problema ko kanina. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko na iyon. Nakakapagod din pala isipin ang problema. Tumingala ako sa wall clock. Tatlong oras na pala akong nakatulog. Kailangan ko nang pilitin na kumain ang anak ko. Hindi ko man siya mapipilit na sumama sa akin sa ibang bansa ngayon. Baka sa susunod na araw ay maintindihan niya na at makakaalis na kami dito sa Pinas ng matiwasay. Lumabas ako at nagtungo agad sa silid niya. Sinubukan kong pihitin ang door knob niya at natuwa ako nang malaman na bukas na iyon. Nakangiti na pumasok ako at inaasahan kong nandoon lang si Tinay. Pero wala siya doon. “T-Tinay?” Kabado na hinalughog ko ang buong silid niya. Binuksan ko ang CR at umikot ako sa silid na parang nab

