Ilang araw nang hindi pinapansin ni Tiffa si Archer, kahit kasama niya ito sa bahay ay parang invisible lang ito sa paningin niya at hindi nagugustuhan ni Archer ang pagbabalewala sa kaniyang iyon ni Tiffa. "Alam mo, Tol, ang kulang sa inyo ni Miss Sungit ay communication. Bakit hindi kasi kayo mag-usap ng maayos?" sabi ni Binggo habang nilalantakan ang kanilang pulutan. Magkasama sa isang sikat na bar ang magkaibigang Archer at Binggo. Nasa isang sulok lang sila nakapuwesto at nag iinuman. Hindi naman kasi sila yung tipo ng mga lalaki na nagpupunta ng bar para makahanap ng fling, pag-inom lang talaga ang pakay nila roon kaya lumalayo sila sa karamihan. Gusto kasi ni Archer nang may makakausap at kay Binggo lang siya puwedeng magkuwento ng tungkol sa personal na buhay niya. Sa tagal na

