"Miss, nasa labas po si Sir Archer, papasukin ko po ba?" alanganing tanong ni Mildred kay Tiffa. Hindi na siya pumasok sa loob ng opisina, isinilip lamang niya ang ulo sa nakaawang na pinto. Binilinan kasi ni Tiffa ang kaniyang sekretarya na ipaalam muna sa kaniya ang mga bisitang gusto siyang makausap bago papasukin sa opisina niya para makapagdesisyon pa siya kung dapat nga ba niya itong harapin o hindi. Nagkaroon na siya ng trauma sa ginawa ni Vhia kaya nagiging maingat na siya sa pagtanggap ng mga bisita. Nagdalawang isip pa siya kung haharapin ba niya o hindi si Archer. Hindi pa rin nawawala ang inis niya sa lalaking iyon. Kaya lang sa huli ay mas pinili na lamang niyang papasukin dahil baka importante ang pakay nito at tungkol sa trabaho. "Okay, let him in," aniya. Tumango naman

