Maaga pa lang ay nasa opisina na si Tiffa. Isinuot niya ang isa sa mga damit na binili sa kaniya ni Archer. Isang simpleng sleeveless white dress iyon na lagpas tuhod ang haba na pinatungan niya ng blazer na old rose ang kulay. Binagayan na rin niya ito ng mga accessories para magmukhang elegante ang dating. Sa kabuuan ay napakagandang tingnan sa kaniya ng damit. Lahat ng mga empleyadong nakakasalubong niya ay binabati siya at pinupuri, hindi maiwasan ng iba na habulin pa siya ng tingin. Habang naglalakad siya sa pasilyo ay natigilan siya ng may makitang lalaki na hindi pamilyar ang mukha. Nakangiti ito at patungo sa direksiyon niya. "Ms. Valencia!" sabi nito at humahangos na lumapit sa kaniya. Ang ganda ng pagkakangiti nito kaya naman napamaang si Tiffa. "Yes?" sabi niya na tila ba nag

