Chapter Seventy Nine•

1550 Words

"Tiffa, wait!" Nabigla si Tiffa nang hatakin siya palayo ni Liby. Nasa mall sila ngayon para mag-shopping at papunta sana sila sa isang boutique nang mamahaling brand ng mga damit. Pinigilan siya ni Liby na pumasok sa loob ng shop na iyon. "Bakit?" takang tanong niya, nilingon niya ito, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. "Di ba si Archer 'yon?" Ibinaling niya ang tingin sa inginuso ni Liby. Sa loob ng shop iyon na pupuntahan sana nila. Nasa labas sila at dahil salamin ang mga ding-ding ng boutique ay nakikita ang mga tao mula sa loob buhat sa labas. Madali naman niyang nahanap si Archer mula sa mga taong naroroon sa loob, dahil nga sa matangkad ito at naiiba ang itsura nito sa karamihan. "Sino 'yung magandang babaeng kasama niya, girlfriend ba niya 'yon?" tanong nito. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD