Ala una na ng madaling araw ng makauwi si Archer sa kaniyang condo matapos na ihatid si Vhia. Dumiretso agad siya sa kaniyang silid para magpahinga, kaya lang ay may bigla siyang naalala. Lumabas siya ng paatras sa pinto at nilingon ang kabilang silid na inuokopa ni Tiffa. Gusto sana niyang alamin kung tulog na ito kaya lang ay nagla-lock naman ito ng silid kaya nagkibit balikat na lamang siya at dumiretso na lang sa kusina para kumuha ng maiinom. Napansin niyang walang lutong pagkain. Malinis ang kalan at walang laman sa ibabaw, ang rice cooker ay malinis na malinis din. Nangunot ang noo niya, mukhang hindi nagluto ng hapunan si Tiffa. Sa isip niya ay paano pala kung umuwi siya ng maaga eh 'di wala naman pala siyang kakainin para sa hapunan. Nakaramdam siya ng inis, mukhang umiral na nam

