Alas siyete nang gabi ang sinabi ng ama ni Archer na oras ng pagkikita nila ng isinet-up nitong date para sa kaniya. Kahit walang gana ay napilitan siya na pumunta sa isang fine dining restaurant kung saan ang itinakdang lugar na pagkikitaan nila ng hindi niya kilalang babae. Wala siyang ideya kung sino ito, ni walang nabanggit sa kaniya ang ama na pangalan ng babae. Ten minutes before seven ay naroon na siya. May naka-reserve nang table para sa kanila. Alam niya na ang assistant ng kaniyang ama ang nag-ayos ng lahat para sa date na ito. Isang malaking kuwarto sa restaurant iyon kung saan ay may isang lamesa sa may pinakagitnang bahagi na may puting-puti na sapin. Sa ibabaw nito at may fresh red and white roses na nakalagay sa pulang vase. Napansin niya na dalawa lang ang upuan sa lamesa

