Nagkaroon ng thanks giving party ang Valencia Corporation, matapos nilang malagpasan nang tatlong beses higit ang maximum sales nila. Hindi nila akalain na magagawa nila iyon sa loob lamang ng apat na buwan. Bukod kasi sa pagsu-supply ng kanilang mga produkto sa buong bansa ay umabot na rin ang kanilang produkto sa maraming parte ng asia. Si Tiffa ang higit na pinakamasaya sa lahat, nagkaroon na rin ng magandang bunga ang mga paghihirap niya. Ang munting salo-salo ay naganap lang din sa function hall ng kanilang kompanya, kung saan maraming pagkain at iba't-ibang klaseng inumin, kasama na ang mga inuming nakalalasing. May sayawan at kantahan. Naganap ang party alas sais nang gabi matapos ang kanilang office hours. Naroon si Archer at Binggo na nakikisaya rin sa party. "Tol, tingnan mo y

