"What is wrong with you, baby? Hindi ka naman ganito noon ah?" Inakbayan ako ni Ygen habang naglalakad kami papasok sa room ko. Araw ngayon ng final exam bago ang sembreak, pero para siyang nag-iinterrogate.
Humarap ako sa kanya at humalukipkip. "May gagawin ako," pananaray ko.
Tinawanan niya ako. "Don't fool me. Ipapaalam kita kina Tito. Ako mag-uuwi sayo. Hinahanap ka na nina Aegy at Aemy. 'Di ka na nagpapakita." Napailing siya, para bang nauubusan na ng pasensya sa kakatakas ko.
"Exam week namin, hello?" depensa ko.
"Aemy's birthday is on Saturday," dagdag pa niya, tone pa-expectant.
Wala akong kawala. Napa-buntong-hininga ako at pumayag na. Guess I couldn't dodge them on Saturday, how can I flirt with Hercules on weekends?
Kahit alam kong sasakit ang ulo ko kapag nagpuyat, nagpuyat pa rin ako kagabi, kaya ngayong kalahating araw pa lang ng exam, kumikirot na ang sentido ko.
Alas-onse na nang mapagpasyahan kong pumunta ng library. Umupo ako sa isa sa mga cubicle sa dulo... yung tipong walang makakakita sa gagawin ko. Nasa likod ko bintana, kaya kita ko kung may dadaan. Kinuha ko ang phone at nag-video call kay kanya.
Pero in-ignore niya ang tawag. Napanganga ako. Tumawag ulit ako... ganun ulit. Seen? Wala. Ring? Wala. Pati ghosting may schedule?
To Herecleo Lesner:
Where r u?
To Herecleo Lesner:
Done w/ my exam, am n d' library rn.
Ilang minuto ang lumipas. Walang reply. Napairap na lang ako.
Was he on his pa-hard-to-get mode again?
Clingy na kung clingy, pero pag masakit ang ulo ko, gusto ko talaga ng kayakap. Of course my parents can't do that... they're busy. I can't cuddle Efa, she's in school. I can't cuddle Ygen, may girlfriend siya. I can't cling to my girl friends... they're in their own romance era. At hindi ko naman gawain magtext sa kung sino-sino ng: "Gusto ko ng kayakap. Now na. Free ka?"
I want Hercules.
Kung anuman ang meron sa lalaking iyon, hindi ko alam. Pero gusto ko talaga siyang yakap. Iyong yakap niyang parang humihinto ang ingay ng mundo.
At ngayong abala yata siya, bahala na. Matutulog na lang ako rito sa library. I didn't want to go home alone. Bakit ba kasi half-day lang ang exam week?
I don't know when exactly, but nakaramdam ako ng magaang halik sa noo ko—at isang haplos sa buhok ko... bago ako dahan-dahang dumilat.
"Sorry. Are you okay?" mahina niyang bulong, nakayuko sa akin ngayon.
Nakaidlip pala ako sa cubicle.
Nagpupunas ako ng mata, lutang pa. "Hercules..." Nakanguso kong niyakap ang bewang niya.
"We can't display affection here if you don't want gossips," bulong niya, pero hinalikan niya ulit ang ulo ko... gentle, secretive, addictive.
Inirapan ko siya. Well, it was my rule. I want him secretly... exclusively... mine.
"Paano ka nakapasok dito?" tanong kong nanlalabo pa ang mata habang tinitingala siya.
"Secret." Ngisi niya ang sagot. "Tara na. Mauna ka maglakad."
Natawa ako. Ako ang mauuna para hindi mahalata, pero bitbit niya ang shoulder bag ko?
"What?" tanong niyang naguguluhan.
"Shoulder bag ko," natawa akong kinuha ang bag mula sa kamay niya.
Nauna na ako maglakad. Kahit kaunti na lang ang estudyante, may mga panaka-nakang napapasilip sa likuran ko. At alam ko—kita nila kung sino ang sinusundan ako.
Napailing ako habang nagtipa sa phone:
To Herecleo Lesner:
Wers ur car?
From Herecleo Lesner:
Car park'
To Herecleo Lesner:
I'll wait outside, Gina's bookstore, gilid non.
Lumabas na ako ng gate. Mahirap nang pag-usapan kung makitang may kasama akong tulad niya. I've had a bad reputation, and knowing my parents... they'd definitely overthink my "adventures" pagdating sa flirting. Hindi ko alam kung matutuwa ba sila kung Kingsman ang nilalandi ko. Baka masira pa image nila sa mga Kingsman.
Siguro iniisip ng lahat na nagbago na ako. O nagsawa. Dahil ilang buwan na rin akong walang boyfriend.
At knowing Hercules' reputation... even if bago lang siyang lipat galing Bacolod, hindi maganda ang magiging tsismis.
A playgirl and a good boy?
Nah.
To them, that's not a match.
But somehow... he still agreed with me... even came, that only means I can get anything 'who' I want.
And I wanted him... And here we are... caught in this secret relationship that feels both impossible and irresistible.
Challenging, yes... and God, it's exciting.
Kahit malamig ay nahihilo ako sa init.
Nanlalabo ang paningin ko kaya napaupo ako nang bigla akong sugurin nang matinding sakit ng ulo. Iba ito... mas mabigat, mas matalim, para bang kumakapit sa loob ng ulo ko at hinihila ang bawat hininga ko.
Napakapit ako sa sentido ko, pinipisil iyon na para bang may mawawala kapag pinilit kong pigilan.
"Kia." Mabilis siyang yumuko nang tawagin ko siya.
Kita ko ang pagkabahalang kumislap sa mga mata niya bago niya ako agad pinangko, parang mabigat ang mundo pero ako lang ang mahalaga. Maingat niya akong isinakay sa kotse, ikinawit ang seatbelt sa akin na para bang baka mabasag ako kapag ginamit niya ang maling lakas.
Hinawakan ko ang hita niya nang mapansin ko ang tensiyon sa panga at mahigpit nitong paghawak sa manibela. "I'm okay... mainit lang. Can you bring me somewhere else? Iyong presko ang hangin?"
"No. We need to—" mabilis na protesta niya.
"Stubborn," bulong ko habang mariing nakapikit. "Ayos lang ako. Ilang taon na akong sinusumpong ng migraine kapag nagpupuyat."
"I can't be at ease without you having checked," sagot niyang naiiritang may halong pag-aalala.
Napairap ako. "I'm telling you the truth. I just want to spend my day with you in a fresher place. Please, Hercules."
Sa huli, tumigil din ang pagtutol niya.
Nag-take out siya ng Chinese food at isang malaking box ng pizza, lahat ng nirequest ko, kinuha niya kahit halata ang kaba sa bawat galaw.
Dinala niya ako sa isang malawak na pribadong lugar, hindi kalayuan mula sa pinagtatayuan ng kanilang bioenergy site.
Pagdating namin roon, parang lumuwag ang dibdib ko.
Poppy flowers stretched endlessly, swaying like a sea of glowing reds and oranges under the soft afternoon sun. The field looked like a stolen scene from Japan... quiet, poetic, breathtaking.
Sa dulo nito, may isang maliit na kubo na halos nakatago sa mga talahib, sa mga palumpong, at sa lilim ng matatangkad na puno. Mukhang para itong lihim na pahingahan ng mga nawawala at mga gustong makalimot.
Beyond the flowers, a small clear lake glimmered... glasslike, catching the gentle movement of the wind.
The lake was fed by the waters of the Bago River, the longest river in Negros, and you could hear the soft murmur of a tiny falls at one end of it. The water slid down from rock to rock, creating a harmonious sound... parang umaawit, parang inaalo ako.
The air was cool, laced with the earthy scent of damp soil and the faint floral sweetness from the poppies. The breeze brushed my face gently, lifting the heaviness from my temple little by little.
And for a moment, kahit masakit pa rin ang ulo ko... I felt like breathing became easier. And being with him—dito, sa lugar na parang hindi totoo— but felt dangerously right.
Bumaba kami roon at tinawid ang mga malalaking bato, maingat na humahakbang para hindi madulas, hanggang sa makarating kami sa bahaging may lilim... iyon mismong spot kung saan maaaring ibabad ang binti sa malamig na tubig.
Tahimik ang paligid, maririnig lang ang pagaspas ng mga dahon at lagaslas ng mumunting talon mula sa kabilang dulo ng lawa.
Habang kumakain kami, hindi siya nagsasalita. Ni isang salita, wala. At sa katahimikang iyon, I had all the free time to really scrutinize him... openly, boldly, unapologetically.
At doon ko nakita ang panibagong pagsabog ng kagandahan niya.
God, he was handsome. Hindi ko lang gaanong tinitignan noon dahil hindi ang mga tipo niya ang gusto ko.
But looking at him now? Hercules looked like a man carved by some ancient deity with too much time and too much affection.
His rosette amber eyes were sharp, tetchy-looking, laging parang may sariling apoy. Eyes that could read through me, slice through my excuses, and yet still soften whenever he looked at me.
His hair, ginger when hit by sunlight... glowed like copper threads brushed with gold. Parang nagiging sariling aurora kapag tinatamaan ng sikat ng araw na tumatakas mula sa mga dahon.
At doon ko napagtanto kung bakit ko siya tinawag na Hercules... in the first place.... hindi lang dahil sa pangalan niya, pero dahil he truly looked like a myth walking around in mortal skin.
And that body...
His big, muscular frame could crash me anytime, arms built like they were shaped to lift everything heavier than my stubbornness. Shoulders broad enough to block the sun, chest solid enough to break my migraine in half if I dared fall asleep on it.
His face was another disaster... a beautiful one. His nose was sharp and regal, like a prince sculpted cleanly from an old Irish-British lineage. His lips were naturally pink, soft-looking, infuriatingly kissable, and framed by faint freckles scattered across his cheekbones and nose bridge.
Those freckles... they made him look dangerously gentle for someone who looked so maddeningly strong.
Never have I been this appreciative over a man. Not even to Ygen.
I like him more than anyone else now. I like the way his eyes challenge mine. I like his quiet. I like the uncertainty in him and the fire at the same time.
He's kinda my favorite now... right next to my dad. Ygen's the third na lang.
Wait. Did I just put him after my father? That means he really has something in him... something big enough to rearrange the hierarchy of my heart.
And remembering how I forced him that night makes me the bad person here. Always will be.
Napasinghot ako at umiwas ng tingin, parang may kung anong biglang bumigat sa dibdib ko. Ininom ko nang deretso ang malamig na mineral water na dala namin, imbes na ang juice na binili niya para sa akin.
"That's too cold for your headache, ito na lang muna inumin mo." Inabot niya sa akin ang hindi malamig na tubig.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niyang nangungunot ang noo na tinawanan ko na lang.
"Wag ka ngang o.a! Para sakit lang ng ulo eh! Concern na concern ka? Bakit, mahal mo na ako?" tanong ko. Sasagot na sana siya nang bigla akong tawagan ni Mama.
"Nasaan ka? Hindi mo kasama si Ygen?" bungad agad ni Mama, as usual walang paligoy-ligoy.
Napatingin ako kay Hercules. Nakatitig na rin siya sa akin at dahan-dahang inilapag ang hawak na pizza, parang naghahanda sa kung anumang drama ang papasok.
"Uhm." Lumunok ako. "K-kasama ko si—" Hindi ko alam kung sino ang idadahilan ko. "Kasama ko po si... Hercules, Ma. Malapit kami sa bioenergy nila ngayon."
"Ow!" ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Narinig ko ang boses ni Papa sa background, tinatanong kung nasaan ako. "She's fine, Korim, iginala lang ni Hercules sa bio-energy nila."
"What time will you be home, then?" tanong ni Mama.
"Uh—" Napatingin ako kay Hercules, nagbigkas ako ng sorry gamit ang labi, at itinuro ang phone. Inabot niya ang kamay niya, humihingi ng pahintulot na kunin ito.
"M-ma—gu-gusto mo po bang kausapin—"
"Oh yes, sure, sure," sagot ni Mama, excited pa ata.
Inabot ko ang phone kay Hercules, halatang nag-aalangan pero tinanggap din.
Hindi naman siguro mag-iisip nang kung ano si Mama at Papa.
"Yes, Tita, pasensiya ka na po," sabi niya, mahinahon. "Biglaan lang po—yes, yes po."
Bigla siyang tumahimik at tumingin sa akin. "Siguro mga alas sais po. Dadalhin ko muna siya sa bahay namin. Sige po. Ingat po."
Pagkababa niya ng tawag ay napangiwi ako. "I'm sorry, I didn't mean to..."
"Why are you sorry?" tanong niya, sabay usog palapit sa balete tree na nagbibigay ng malamig na lilim sa amin. Ang makakapal nitong sanga at mga hanging ugat ay parang kurtina na bumabalot sa paligid, ginagawang mas tahimik, mas pribado ang sulok na iyon ng ilog.
"Come here," yaya niya... at agad kong pinaunlakan, baka iniisip niya pa na kaya ko siyang tanggihan.