Prologue:
WARNING CONTENT: R-18 🔞
"Rissa, p'wedeng ikaw na lang muna ang kumuha sa order nila?" pakiusap ko sa mas batang kasamahan ko.
"Ah sige," sabi nito at ngumiti.
Hindi ko inasahang marami ang customers ngayong sa coffee shop kung kailan kailangan kong tingnan si Archian sa loob.
"No, I want your other crew to serve us!"
Nagpanting ang aking tenga nang marinig iyon sa tatlong lalaking customer, upang makaiwas ay mabilis ang pag-asikaso ko sa bagong pasok na customer.
"W-what's your order s-sir?" Tensiyonado akong napapatingin sa gilid ko dahil maaari akong mapansin noong mga bastos na lalaking siguradong ako ang tinutukoy.
"Ugh- let me... I just got here, miss, Let me uh- think," baritono at mahinang sabi nito.
"Oh... I'm sorry," sabi kong napayuko at lumunok, mukhang mag-iisip pa siya, baka mapansin na ako ng mga lalaki.
"Nasa ibang table po siya nagsi-serve sir," sagot ni Rissa sa mga lalaki.
Napapikit ako, bakit ba kapag nandito sila ay wala si Jem. The boss of this café do not tolerate customers like them.
Hindi ko lang magawang isumbong dahil ilang trabaho ko na ang nasayang ko.
Jem is not here. Tiis lang muna.
Nang mapansin kong may bagong pumasok ay naisip akong doon na lang ako magsiserve.
"Where are you going?" Mabilis na tanong ng lalaking aking tinanong kanina, napabaling ako nang tuluyan sa customer na ito.
My brows knotted as my eyes laid on him. I can see his tallness even if he's sitting down.
He looked familiar. I think I've seen him somewhere else. Those very visible hazel eyes are telling something.
"You can call me if you already-"
"No, stay here," sabi nito.
"Po?" Nangunot ang noo niya nang napaawang ang labi ko sa sinabi niya, mapanuri ang tingin niya haggang sa may dumaang sakit roon at halo-halo pang emosyong hindi ko gaanong mabasa, hanggang sa nagbawi ito ng tingin.
"Elian right?" tanong nito, napatingin ako nang wala sa sarili sa aking pin name. Parang hindi ako masanay-sanay talaga sa pangalan na ito.
"Y-yes sir," sagot ko.
Muli niyang ibinaling ang pahina sa menu na hawak, what's taking him so long?
"If... you want sir, I can suggest you a con pana coffee."
Nag-angat ito ng tingin, lumamlam ang mga mata niya. I suddenly got seized by his amber eyes, he looks so... beautiful that it seems like a sin if I'd keep staring back at him.
"What's your real name?" nagtaka ako sa tanong niya.
"Its only Elian sir..."
"No. that's not your real name," malagom at mahina ang boses nito, nagtaka ako sa sinabi niya. I am sure I haven't seen him in San Carlos.
Muli sana akong magsasalita nang tawagin ako noong isa sa mga lalaki at talagang napalakas ang boses nito.
Mariin ang pagpikit ko. "Please take your time ordering, sir."
"Meyer Lemon bars and a cup of corretto," sabi nito na inulit ko naman kaagad.
"Hey Elian!" tawag sa akin noong iniiwasan kong customer.
Lumunok muna ako nang balingan ko ang mesa noong mga lalaking iniiwasan ko.
"Do you want anything sir?" tanong ko sa customer, dahil wala na akong kawala.
Namomroblemang tinignan ako ni Rissa, palihim itong nanghingi ng dispensa dahil ayaw ibigay ng customer sa kanya ang kanilang kung hindi sa akin lang. Kay Rissa ko na lang ibinigay iyong order ng lalaki kanina.
"The usual and add some chocolate brownie," sabi noong lalaking palaging nanghahawak sa akin, inulit ko iyong inorder nila.
"And I want you and nothing else to serve those," mariing utos nito, gusto ko nang manuntok.
Si Rissa ang pinag-serve ko doon sa guwapong lalaki at ako na lang ang nagbigay noon sa apat na lalaki, ngunit hindi katulad nang kadalasang pasimpleng paghawak ng aking pang-upo ay hita ko na ngayon ang hinawakan niya, umakyat iyon at papunta sa maselang parte pero umatras ako.
"Don't ever do that again, sir." Matalas ang tingin kong ipinukol sa kanila, hindi naman kabastos-bastos ang slacks ah? Pero bakit may ganitong mga lalaki?
Ngumisi ito. "What will you do?" pangangasar na sabi nito. Naikuyom ko ang aking kamao pero sumubok pa rin akong kumalma. "You shouldn't-"
Ngunit bago ko pa iyon maituloy ay may mabilis nang may sumuntok sa lalaking nakangisi. Napatakip ako sa aking bibig nang inulan ito ng suntok noong lalaking customer kaninang mukhang pamilyar sa akin, tumulong ang ibang kasamahan nito pero sinuntok niya rin ang mga iyon.
"Hercules!" May umawat sa lalaking nanuntok mula sa ibang mesa, tatlo ang mga lalaki roon at may kasama pang babae. Tumulong na ang guwardiya, hindi ko alam kung paanong humarap sa kanila lalo na ngayong umiiyak si Archian na lumabas sa locker room at hawak noong isang kasamahan ko.
"Baby... I'm just here," sabi ko habang hinahagod ko ang likuran niya.
"Mommy!"
"Shh..." Pagpapatahan ko kay Archian.
Iyong manager ang kumausap sa lalaking nagsuntukan kanina.
Dinala sila sa bakanteng kuwarto sa opisina. Masama talaga ito baka mauwi sa presinto.
Buhat ko ang tumahang bata nang mapatingin ako ngayon sa guwapong lalaking na may malamlam na titig sa akin at sa batang hawak ko.
Ayaw kong masayang ang aking oras, ayaw kong madala pa ito sa presinto, abala akong tao, wala akong oras para sa mga ganito.
"P-p'wedeng maareglo na lang po ba 'to?" tanong ko sa kanya sa lalaking nagtanggaol sa akin at talagang desididong ipapulis ang mga bastos na lalaki. Nasa loob din ako sa opisinang pinagdalhan ng mga lalaki.
"Better bring us to the police station," mariing tugon noong lalaking nagligtas sa akin pero sa paraang hindi ko inasahan, masyadong bayolente iyon.
"Mommy." Niyugyog ako ng batang si Archian, hindi ako makapagsalita ng maayos dahil abala ako kay Archian. Sa huli naman ay nanlulumong humingi ng tawad sa akin ang mga lalaki, lalo na iyong bastos.
"An apology is not enough, I saw how he harassed her," sabi nitong inaawat rin ng mga kasama nito.
Akala ko ay mag-isa siya kanina.
Pansin ko ang pagmaga ng kanang mata noong lalaking nagligtas sa'kin, may hiwa ang kilay at gilid ng bibig nito, natamaan din pala ito ng suntok.
"Hercules... tama na." Awat muli noong isang lalaki sa kanya. Hercules ang pangalan nito, kanina ko pa naririnig iyon.
"A sorry is not enough," muling diin niya, nais talaga nitong maparusahan ang mga lalaki.
Tumahan na si Archian, napatingin na ako sa aking relo, tapos na ang oras ng aking shift.
"What are you doing? You should report it to the police!" sabi nito at napatayo nang handa na akong umalis sa opisina.
"Sir! Please!" Mabilis ang pagtaas at baba ng aking dibdib. "Ayoko na po ng gulo... m-maraming salamat at pasensiya na."
Nagpaalam na ako sa manager na iniwan ng Café at sa ibang kasamahan ko. Hindi ko na gaanong masagot ang mga tanong nila, napakaraming gumugulo sa isip ko ngayon ngunit mas importante si Archian.
"Baby, mommy will put the raincoat on you, okay?" sabi ko habang sobrang lawak ng ngiti ko. Ayaw kong ipakita sa kanyang problemado ako.
Maligaya itong tumango, malakas pa rin ang buhos ng ulan, nasa labas na kami ng café.
Napatingin ako sa lalaking tumayo at nakapamulsa sa aking tabi ngayon, habang inihahanda ko na ang pagbukas ng aking payong.
"I'll send you home, just guide me where it is," malumanay na sabi nito.
Nangunot ang noo ko, nais kong hindi magtunog nagtataray, ayaw kong tarayan siya dahil ipinagtanggol niya ako, pero hindi ko gusto ang mga istilo ng diskarte niya.
"I can manage sir, Thank you." Napatingin ako sa loob ng café, mukhang wala ng komosyon, mabuti at natapos na.
"You have a kid and a bag. I don't think you can manage, it's raining."
"I don't wanna sound rude Mister since you helped me earlier, but I don't fall for cheap tactics."
Kung nagulat ako sa sinabi kong pagtataray ay ikinapangunot naman ng noo nito. Hindi na ako nasanay na ganoon ako magsalita kaya imbes na may sabihin pa sana ako ay mas pinili ko na lang na manahimik.
"You think I am hitting on you cause I offered you a ride, do you?" Nagtaas ito ng kilay, napalingon ako sa kawawang Archian, hindi siya maaring mabasa.
"I can't give anything for your kindness mister." Bumaba ang boses ko.
"Mommy, it's raining, I want to go now."
Pareho kaming napatingin kay Archian nang gumalaw-galaw ito sa pagkakahawak ko.
"Easy boy, you might fall." Napahawak ito sa tiyan ni Archian, "Your mommy's arm seems weak." Hindi naman nagkandaiti ang aming katawan pero lumayo pa rin ako sa kanya.
Tinignan ko siya. "What now? I can guarantee you that I won't steal something from you, kidnap the kid or worst- ra-pe... you."
Hininaan nito ang salitang iyon at tumingin kay Archian na abala sa ulan. Hindi naman iyon ang kinatatakot ko.
Tumaas lang lalo ang aking kilay nang iminuwestra niya sa akin ang kanyang wallet. "I have my I.d's inside-"
"Sige,"
Pagsuko ko rin dahil mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Napaatras pa akong lalo para hindi abutan nito, lumalakas rin ang hangin.
Hinubad nya ang kanyang itim na trench coat at mabilis na inilibot sa aking balikat, wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.
There were blurred parts of my memories where someone offered me jackets, those might be the guys I played with, I guess. As I remembered I quite had a reputation of a playgirl before.
Hinayaan ko na rin siyang humawak ng payong dahil mas matangkad siya, wala ba siyang payong? Mabilis na binuksan ang likuran ng sasakyan, pero nagulat ako nang tumabi siya sa akin.
Mayaman.
Guwapo.
May sariling driver.
Tahimik sa buong biyahe, tanging ang nag-iingay ay si Archian na minsan ay kinakausap ang lalaki kaya sasagutin din nito.
Inihatid niya rin kami hanggang sa pinto ng duplex apartment.
"Thank you so much." Nahihiyang sabi ko. "For... helping me earlier and this, thank you so much."
Malamlam ang titig niya kaya nagtaka ako pero agad rin akong tumikhim at binuksan ang pintuan, agad na pinindot ang switch, nagulat na lang ako nang pumasok si Archian na nakahubad na ang kanyang raincoat, hinubaran niya na pala.
"I don't wanna be rude but I can't let you in," sabi ko sa mababang boses.
"I understand." Tumango siya. "Do you mind if I ask you something?" tanong niya, kaya napataas ang aking kilay. "How old are you?"
"T-twenty-five..."
Nagdadalawang-isip pa ako kung dapat ko bang sagutin iyon.
"When's your birthday?"
"Why are you asking? It's not necessary. Have a good night, mister. Again, thanks for the ride."
"Was it December twenty-eighth?" tanong niya muli.
Papasok na ako nang muling napabaling sa kanya, pilit itinago ang gulat sa huling itinanong niya.
"Where were you all this time?" The fleck of rosette and gold from his eyes looks like a magic that glitters from the bulbs outside, it looks like an old, somewhat a person who I used to admire the most, but, I don't really remember him.
"You're not, Elian. You are Kia, Kiashana Beliquatre Merovene," he mumbles my whole name.