I'm living a nice life with a heart that is purely fine, my heart seems to be a drum of clear, clean and fresh water. I don't know how this fresh water gets to be so toxic for a short period of time.
My heart drowns from the splashes of acids, it burns my heart and deforms it and one day for sure it will decay.
I owned my heart, I have the key when I want it open or when I want it close. I owned my heart, but I do not have all the access for when toxicity of living will spill inside it.
These kinds of toxins will rot my heart, mind, and soul.
And it depends on me to find cure and treatments to be able to live with toxicity.
Dahil ang buhay puno ng lason, susubukin ako ng panahon, gagamitin nito ang mga tao sa paligid ko at oras ang gugupok sa'kin sa lusak.
Time is the enemy, when it's limited.
Toxic is an agony when it spreads.
Inaayos ko ang mahaba't medyo wavy kong buhok dahil nagugulo ito sa hampas ng hangin.
Kinokontra na naman ako ni Efa.
Humalukipkip ako at hinarap si Efa sa napakasarkastiko kong tingin.
"Hah, sa lugar natin ako ako lang ang pagod." Nginusuan ko siyang habang sinasabi iyon.
Tinaasan niya ako ng kilay sa aking sinabi.
"Feeling mo naman ikaw ang pinakamaganda," sabi nito.
Humakbang ako palapit sa kanya, nakataas ang mga kilay, napapagalaw ng kusa iyong ulo ko sa gigil.
"Kung ganon paki-explain nga kung bakit tago ako nang tago sa mga taong gusto maki-benefit sa kagandahan ko, imagine in my entire existence people always asks me to model, to enter a pageant, kahit sa sagala ako palaging kinukuha see? Hindi pa ba patunay na wala na silang ibang makitang maganda kung hindi ako lang?" Nginisihan ko siya na may buong pagmamayabang.
Nag-ikot ang mata ni Efa, palagi niya na lang akong kinokontra, palibhasa kasi... maganda ako sa kanya.
"Cute ka lang, bata ka pa kasi, pag nagdalaga ka na wala na gagawa sayo niyan." Nakangiwi sabi ni Efa.
"Dalaga na ako no!" Gumalaw-galaw ang ulo ko at mas lalong humalukipkip.
"Wag kang feeling, at tsaka dose anyos ka pa lang pero yang isip mo nasa crush crush na, itigil mo yan kung ayaw mong pagalitan ka na naman ng mama mo."
"Alam mo Efa sa tanang buhay ko rin palagi kang kontra, mas maganda kasi ako sayo!"
Pinsan ko siya sa ina at ulila na ito kaya dito na siya sa amin lumaki, tatlong taon ang agwat niya sa akin at siya ang palagi kong kasama na kadalasan ay 'di ko gusto dahil palagi niya akong kinokontra.
At habang nadadagdagan edad ko parang mas lumala pa ako.
"My gosh, have you seen those flowers and balloons? How can he spend expensive surprise when he already know I'd turn him down? Diba, Efa like duh?" Natatawa kong bahagi sa kanya nang makababa na kami ng sasakyan at ngayon ay naglalakad na papunta sa bungalow'ng bahay namin.
"Oo Kia nakita ko kung paano mo ipahiya iyong lalaki at mukhang masaya ka pa," sagot nito.
"Nakakatawa lang kasi, tingin niya sa'kin, cheap?"
"After you led him wrong by flirting him through texts." Walang ganang sagot niya.
"I'm a different person outside the phone."
Tumigil siya at hinarap ako at bumuntong-hininga.
"Kia, oo na... napatunayan mo nang maganda ka sa lahat dito sa'tin, so stop playing hearts," nag-aalala niyang sabi.
"I am not playing." Ngumuso ako.
"You are, magkakatorse ka pa lang pero hindi na mabilang ang nai-involve na mga lalaki sayo." Lumapit siya at hinawakan ang balikat ko. "Concern lang ako, mag-kokolehiyo na ako, hindi na kita mababantayan," sabi nito.
"Pag may nang-away sa'kin dahil mas maganda ako sa kanila, you're only one text away." Natatawang sabi ko.
Noong bata kami ayaw ko sa kanya dahil palagi niya akong kinakalaban sa mga gusto kong gawin, hindi pa kami close noon dahil iyong dalawang ate ko na kaedaran niya ang madalas niyang nakakalaro.
"Uy! Nagkabalikan na kayo?" komento ni Anielle na kaibigan ko, inirapan ko siya para manahimik.
"I don't think so, his girlfriend is here."
Nanlaki ang mata ko nang sabihin ni Nayce iyon.
Naniningkit ang mata kong nilingon ang binatang katabi ko. Tiningala ko siya at hinarap ng tuluyan. At iniwan ko silang tatlo.
Mabilis naman itong tumakbo at sumunod sa akin. Sumikmat ako at hinarap siyang nakapamewang.
Napakamot sa batok si Ygen nang tumalas ang tingin ko sa kanya. "You told me you are not going," sabi ni Ygen habang inabot nito ang aking braso na inilayo ko naman.
"Yes, cause the news about your new girl spreads and you expect me to come here?" Pagtataray ko. Kung hindi mo kaarawan lalayas ako ngayon din.
"Pero nandito ka na, Kia naman, hindi ka pa rin ba naka-move on sa'kin?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nagagawa niya pang magbiro.
"You are not funny," sambit ko nang naiirita.
"Don't tell me-" Natigilan si Ygen.
"Babe!" sigaw ni Pheoe, mabilis niya kaming nakita at tumakbo itong nakangiti para lapitan si Ygen, I don't like the girl.
"Hi Kia!" bati ni Pheone, ngumiti ito ngunit isang napakapekeng ngiti. Hindi ko siya ginantihan lalo na noong nakalapit na rin ang mga back-up niyang kaibigang sina
Sophie at Shanta.
Shanta and I could be friends, cause I like her name it sounds like mine, only if she's not Phenoe's friend I'd befriend her, she looks nice too. Minsan lang kaya ako mamuri.
"Tara, sa loob tayo girls." Nakangiwing yaya ni Ygen dahil alam na alam niya kung paanong di ko gusto ang bagong girlfriend niya.
"He's getting a hit on his comeback."
Mas lalo lang akong nainis kay Ygen dahil sa sinabi ni Anielle. Nakasunod na rin pala sila sa amin ni Ygen.
"Bakit mo pa kasi hiniwalayan, e mukhang maayos naman kayo noon?" Ito palagi ang tanong ni Nayce sa t'wing nagkikita kami ni Ygen.
"You know, Kia loves to explore boys and Ygen is so possessive," sabi ni Anielle.
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Anielle. Noong summer lang naging kami ni Ygen, tapos noong nagpasukan ay nakipaghiwalay na ako. Kung tututusin dalawang buwan lang namin kaming naglaro. Pero Ygen and I have been friends since kindergarten.
Maayos naman ang hiwalayan namin.
Ang kaso nga ay naging girlfriend niya ngayon ang babaeng kinaiinisan ko, sinasadya niya ba talaga?
"We need to talk." Nakalaya si Ygen saglit sa kapit ni Phenoe kaya mabilis ko siyang hinila sa parte ng mansion nilang walang tao.
"What is it baby?" He flashed his boyish smile so I rolled my eyes. Alam ko namang nang-aasar lang siya sa akin. We had agreed that we should try to level up our relationship that summer, however, we both didn't feel the spark so we split.
"Sinadya mong jowain si Phenoe para inisin ako?" tanong ko.
Humalukipkip siya at hindi naalis ang pagngisi nito.
"Nainis ka? You still like me? Still had fair share of regrets after breaking up with me? Tayo na ulit?" sunod-sunod niyang tanong na halata ang pangangasar.
"You are a jerk," saad ko.
Tumawa ito.
"Maghanap ka ng ibang gusto mong maging girlfriend 'wag lang ang babaeng 'yon!"
Frustrated ako dahil parang laro lang sa kanya ang lahat ng ito.
Okay, given! We both played but as my friend, he should also consider my feelings- wait, why do I have a say about who he likes?
"Kia, korona lang ang nakuha niya sayo, move-on."
"Well kinuha ka niya sa'kin!"
"I'm still here." He widened his open arms as if pinning his point.
"This is not about the crown, I don't care if she's named Queen in our school. I don't wanna lose you, you are the only guy friend I trusted the most."
"You are not gonna lose me Kia. She's just... well she likes me, 'di ba p'wedeng subukan ko muna siya?" Hinawakan niya ang siko ko at ipinaupo sa paahan ng kama niya at tumabi sa'kin.
"We're still friends... but you can't ask me who I want to date right? After all, ikaw ang unang nagsawa sa atin," anito ngunit may multo ng ngiti.
Tinaasan ko siya ng kilay, ni halik nga di namin magawa noong summer. Ang unang halik naming dalawa ay smack lang tapos nagkatawanan pa kami sabay sabing 'gross'.
I don't want to lose Ygen, sa mundong 'to siya lang ang lalaking gusto kong pagkatiwalaan nang lahat bukod sa ama ko.
"You told me we'll be friends forever," sabi ko sa mahinang boses.
"Yes, we'll always be," sagot nito at hinagot-hagod ang aking braso. "I'll always be your best boy, best man, best daddy, best granny."
Matalim ang tingin ko sa kanya kaya't doon na lumabas ang malakas niyang halakhak. Hindi talaga matinong kausap.
Efa told me that in order to keep Ygen, I need to cut our relationship. I treasure him so much that having intimate relationship with him might lost something we built since then.
Kasi kapag nagkahiwalay na kami dahil hindi naman namin siguradong magiging kami sa dulo, 'di na magiging tulad dati ang pagkakaibigan namin, kaya tinapos ko.
Maybe someday we'll work, but it's not the right time and while it isn't, can he at least find a girl that's better than me? And not some fake b***h?
And after all that talking, he still flirts Phenoe the whole time, letting Phenoe clings around him, kiss him on his cheeks and sit so close to him, I still call it flirting.
Para akong inagawan ng paboritong kaibigan.
Kahit alas tres pa lang ng hapon ay lumabas na ako dahil sa pagka-buwiset ko.
Sa sobrang inis ko ay naiwan ko ang aking sling bag, kaya hindi ako makatawag sa driver ko ngayon para sunduin ako.
Nilakad ko ang kahabaan ng tubuhan at dahil tag-ulan kaya malambot ang lupa at bumabaon ang three inches beige open toe ankle strap heels ko sa lupa, kaya napuputikan din iyong daliri ko sa paa, hindi ko na maaninag ang bago kong nailpolish dahil sa putik.
"Ugh!" I growled frustratingly.
Nalagpasan ko na ang taniman ng mga tubo, ngayon ay ang malawak naman na taniman ng mga pinya ng mga Luzares ang nakatanim sa bawat gilid ng daanan.
Malayo pa ang bahay namin, nasa Barrio Tejamo pa ako, kasunod nito ang Marcellano, kung saan naman pagmamay-ari namin halos ang lupain doon.
Walang ring tricycle na dumadaan. "I hate you Ygen!" Why am I hating him? Ako naman itong may kagagawan sa lahat.
Sinubukan kong ikuskos ang putik sa damuhan sa gilid ng kalsada dahil bumibigat ang bawat hakbang ko.
At habang ginagawa ko iyon ay may napakabilis na ugong ng sasakyan na narinig sa'king likuran, ni hindi na nga ako nakalingon ng maayos nang dumaan iyon at nalagpasan ako, pero...
Gusto kong manumpa ng tao ngayon. Bobo ang nagmamaneho, natilamsikan lang naman ako ng putik!
At ang suot kong beige skirt at pulang bandage crop top ay parang tinapunan ng tsokolate ngayon.
"De puta ka!" Ubod na lakas kong sigaw.
Pinaatras nito nang kaunti ang sasakyan na para bang narinig ng driver ang galit ko.
"I'm so sorry, miss..."
Isang matangkad na lalaki ang naglakad palapit sa'kin habang nakataas ang dalawang palad sa ere kalebel ng kanyang dibdib.
Kailangan ko pang tumingala nang makalapit ito.
"I'm very sorry." Ulit niya nang makita ang ginawa niya sa'king suot, nandidiri na ako dahil pati hita ko'y nagkaputik rin.
"Surprise mister, your sorry can't undo this!" Turo ko sa outfit kong pinutikan niya lang. Bwiset na araw naman talaga oh!
"Uh." Hindi niya alam ang gagawin kaya napakamot ito sa sentido niya. "You want me to... uh- bring you to your destination-"
"Oh stop hitting on me mister just take off your jacket instead!"
Hindi na mawala ang inis ko, hinding-hindi lalamig ang ulo ko lalo na sa ginawa niya.
"Uh- Yeah, wait." Hinubad niya na ang kanyang jacket, dahil maskulado at matangkad ito'y siguradong sobrang laki sa'kin niyon, tamang-tama dahil nilalamig na ako sa hanging probinsiya.
"Hindi naman kasi 'to racing lane," sabi ko't mabilis na hinablot ang jacket niya at isinuot iyon.
Sa inis ko'y binunggo ko pa ang braso niya nang lagpasan ko siya para lang ipakitang galit na galit ako.
"Are you sure you can manage?"
"I'm sorry mister, you are not my type." Nakalagpas na ako sa kanya at kalebel ko na ang sasakyan niya, alam kong mamahalin iyon... Porsche 911 GT3, a racing car, indeed.
"What's the connection? I am just offering you a ride, since I made a-"
"That's how cheap guys hit a girl, ask them for a ride." Inirapan ko siya at nagsimula na sa paglalakad. "Well I'm not impressed of your car, FYI." Pahabol ko pa. I'm a little impress, sa totoo lang.
"Well sorry girl, I'm only attracted to women, don't worry you're not my type as well, whiny baby girl's ain't my type."
Mabilis ang paglingon ko sa kanya, hindi agad ako naiinsulto sa ganoon lang pero iba ngayon, kung tutuusin simple lang naman ang sinabi niya pero nagalit pa akong lalo.
Never in my life, I was told I am not their type because in my existence I was liked by boys, hated few by girls... matatanggap ata ng sarado kong isip kung babae siya, pero lalaki siya, nakakainis kaya 'yon. He broke my record!
"Whiny girl?" Napaturo ako sa sarili ko. "I'm whiny? Hah? Yeah right I am, this is how girls act!" Nakahanap ako ng sanga sa gilid ng kalsada nagsandok ako ng putik at itinapon iyon sa bintana ng shotgun seat at sa pintuan nito.
"Hey!" sabi nito, humakbang ito palapit sa'kin.
"Closer, I'm in the mood to fight back!" sigaw ko.
Tumigil ito sa paglalakad at biglang tumawa. Iyong tawa na sa sobrang saya niya ay naitatakip niya pa ang likod ng palad niya sa kanyang bibig.
"Kiashana!" sigaw iyon ng pamilyar na boses.
May humintong sasakyan sa likuran ng kotse ng lalaki at pareho kaming napalingon sa naglalakad na Ygen, mabilis akong hinapit niyo sa pamamagitan ng paghawak sa'king balikat.
"What the hell? Pinag-alala mo 'ko, ihahatid na kita," sabi ni Ygen.
Inayos niya ang nagulo kong buhok, saka lang ito napatingin sa lalaking nasa harapan namin nang sundan niya ang linya ng aking tingin.
"Hey, Hercules!" bati ni Ygen.
Nagulat ako dahil kilala niya ang lalaki.
"My bad, I tainted your girl's outfit Ygen."
"You know this guy Ygen?" hindi nawala ang inis ko. "Nevermind... I want to go home."
Inirapan ko ang lalaki. Ngayon ko lang napansin na nawala na ang ngiti niya.
Napaigik na lang ako nang buhatin ako ni Ygen papasok sa sasakyan niya at yumuko para tanggalin ang suot kong heels. "Ayaw kong madumihan ang sasakyan ko baby."
"You are-" bago ko pa masabi iyon ay hinalikan niya na ang ulo ko, okay! Ygen always does that to me even after we ended our relationship and I am not against it, my face heats up, not because of the kiss I'm used to but from the intense stare of the guy on the side of the road.
He looks like a ruthless king and I feel like I am a slave getting scared for a king's punishment.
Wala pa man ay parang natatakot akong kamatayan ang ipapataw niyang parusa dahil lang sa hinayaan ko ang ginawa ni Ygen sa akin.
What if there is no one else who spilled those chemicals on me, what if my fate did it?
Or what if I made my own doom?
Life will give me toxic treatment and it's up to me to find healing after letting the acids rot me.
I shouldn't let chemicals boil within me.
But at seventeen, how will I know that my overlooking of things is already toxic?
How will a girl like me who is pampered with extravagant things know about toxicity?
I've never experienced failure, not until I guess... I turned sixteen.
Because I only know that satisfaction is happiness.