Agad kong narinig ang sunod-sunod ang pag-vibrate ng aking phone. Narindi agad ako sa sipol ng aking ring tone.
Galing lahat sa kanya ang mga mensahe, napairap ako.
From Heracleo Lesner:
[Baby girl, I'm sorry]
Marami pa iyong mga tawag niya sa akin hanggang iyong dulo ay sinabi niyang hindi niya na ako tatawaging ganoon.
[Not until you accept me as a woman not a girl who forces you, then I can forgive you, if you stop teasing me we'll be fine.] Mahaba kong sagot sa kanya.
Pagpasok ko kinabukasan sa escuelahan ay napalibutan ng ibang kakalase ko ang aking upuan, may mga tulips roon, nanlaki ang mata ko nang mabasa sa bawat limang pumpon ng bulaklak roon may nakasulat na
'I'm sorry, please forgive me'.
"Kaya naman pala hindi na nakikipaglaro sa lalaki kasi may iba na palang itinatagong boyfriend. So sino ang maswerteng lalaking 'yan?" Sa breaktime ay inasar ako ni Anielle.
"Ang ganda-ganda! Ang haba-haba ng hair! Akala ko hindi na naman mapupuno ng bulaklak ang upuan at locker mo ngayong taon," dagdag pa ni Nayce.
Napapailing ako habang umiinom ng apple juice.
Tinadtad niya ako ng mga mensahe at bulaklak, at sa totoo lang—kinikilig ako. Itinatago ko lang. As usual, ipinamigay ko na lang ulit ang bulaklak; ang pinili ko lang ay 'yong mga notes niya. Ano siya, tanga? Pag nakita niyang dinala ko 'yon sa bahay, ibig sabihin noon pinapatawad ko na siya.
"It was just an admirer. Masanay na kayo," nababagot kong sagot habang sinisipsip ang natitirang juice.
Mas lalo lang akong napairap nang dumaan sa puwesto namin ang grupo ng mean girls. Hindi talaga nawawala ang mga 'yan kahit saang lugar mapunta.
"Ayan na naman sila. The competition is on rampage," bulong ni Nayce.
I'll give the b***h stage to Anielle today because I'm too busy thinking of someone. Hearing our group enemy's sluttish voice doesn't even annoy me right now... I ignored them completely. I mean, halos pareho lang naman kami ng reputation sa school na 'to: slut and mean group. Bakit kailangan pa ng competition?
"Aalis muna ako, girls," sabi ko, sabay irap sa tatlong maldita.
Wala akong panahon sa inyo, bitches.
I am busy thinking how to make my man miserable. Well, I'm doing this just to convince myself that even a Greek god will kneel at my feet... because I am the Goddess of all the so-called goddesses who thought they were one. I am the real one. Hah! Confidence!
Wala lang... gusto ko lang patunayan sa lahat na sa dami ng babaeng naririnig kong may gusto kay Hercules, at sa mga babaeng naghahabol sa kanya... sa akin siya nagiging ganito.
That handsome man is mine.
He loves me or not, gusto ko lang isaksak sa utak ko na naging ganito kapursigido si Hercules para sa pagpapatawad ko. Wala, gusto ko lang pasayahin ang sarili ko sa pagiging mababaw ko!
Paglabas ko ng building ay hindi ang driver namin ang nagsundo sa akin... kundi si Hercules mismo.
Napapairap ako habang pilit tinatago ang ngiti. Tignan ko lang kung hanggang saan siya aabot... pero paano kung sumuko siya? Bigla akong kinabahan. It means this game is over, right?
Kung tutuusin, wala namang malalim na dahilan kung bakit kami ganito. Wala namang involved na deep feelings... at kung umasta ako akala mo in love ako eh.
Saan ba talaga ito nagsimula?
Sa pamimilit ko. Hanggang sa naging clingy ako. Hanggang sa naging sensitibo ako sa mga salita niya. Hanggang sa naging insecure na ako.
He's always bringing out my weakest attitudes. He hits my weakest spots, and it's almost too easy for him to do those attacks.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa naihatid niya ako. Kahit nang naulit pa ang pagkain niya ng hapunan sa amin, hindi pa rin ako umiimik.
Ang alam ko lang, napakasaya nilang dalawa ni Efa tignan sa portico habang nagbibiruan.
Kahit nakaakyat na ako sa aking kuwarto, parang naririnig ko pa rin ang tawanan nila sa ibaba.
We never laugh that way. We never have those light, funny moments together. Ako palagi ang pilit na nagpapatawa, at kahit kailan, hindi pa siya tumawa nang ganoon—maluwag, masaya, totoo.
Kapag gusto kong makipagkita sa kanya noon, magbabasa lang siya. Tahimik kaming magyayakapan, magsasalita lang siya kapag inuunahan ko, at kadalasan tipid pa. Tatawanan niya lang ako kapag inaasar ako.
Pero hindi niya na kailangang asarin si Efa para tumawa sila nang ganoon. Sabagay, wala namang kalait-lait kay Efa.
Lahat ng mayroon si Efa ay gugustuhin ng kahit sinong lalaki, and that includes someone as serious, disciplined, and maddeningly composed as Hercules.
Ngayon ko lang napansin kung gaano karami ang pagkakapareho nila. Kaya siguro ang dali nilang magkasundo. Samantalang kaming dalawa ni Hercules... magkabaliktad ang ugali.
I didn't charge my phone, para hindi ko matanggap ang texts at calls niya. Tumigil din ang pagdating ng mga bulaklak niya noong last day ng examinations.
Wala na akong natanggap kinabukasan, at hindi na rin siya sumabay kumain sa bahay namin.
Ilang beses na akong tinanong nina Mama at Papa kung bati na ba kami, pero iniirapan ko lang sila.
Kilala na ako ng pamilya ko, kapag ayaw ko, ayaw ko. Hindi sa ayaw ko talaga, nakukulangan lang ako. Akala ko tatagal siya nang isang linggo sa panunuyo, nagkamali pala ako.
But wait... why am I waiting for something greater, something only people who actually invested feelings would do? We're not even on the same platform.
Sa biyernes, ipinaalam na ako ni Ygen na pupunta ako sa mansion nila para sa birthday ng pinsan niyang si Aemy.
Isa iyon sa mga babaeng Luzares na naging kaibigan ko noon. Kung hindi lang siya sa Belleza Verde nag-aral, malamang isa siya sa grupo ko sa eskuwelahan.
"Ang wirdo-wirdo mo talaga nitong mga nakaraang buwan. Mas nagiging weird ka lang ngayon," napangiwi si Ygen, na narinig naman ni Mama.
Mataman niya akong tinitigan. "May problema ka ba, Kia?"
"Wala, Ma, clingy lang yan si Ygen, eh may jowa na nga, malamang umiiwas ko!" Inirapan ko si Ygen at nginitian ko ang aking ina. "Dalhin ko lang po muna si Ygen sa taas."
Hinila ko ang braso niya paakyat sa aking kuwarto.
Ygen and I are still close, pero dahil lumalawak ang mundo niya at nakilala ko si Hercules, nabawasan ang oras namin. Pero hindi naman nabawasan ang closeness. Siguro iba lang ang mga dinadala niya kapag pumupunta siya sa shooting range. Masaya ako dahil tumagal ang girl na laging kasama niya. Hindi ko alam kung girlfriend ba niya, nililigawan, o mutual understanding.
Nang magsimula siyang mangalikot ng sketches ko at magkwento tungkol sa mga kaibigan namin at mga pinsan niya, napapatawa na lang ako.
"And you know what? Aegy's in love." Tumawa siya. "De putang lalaki 'yon, inunahan ako."
"Ang bagal mo kasing kumilos ngayon. Bilisan mo ang galaw! Chop-chop! Mauunahan ka ng iba, ang ganda pa naman no'n, kung may iba kang gusto bakit ka pa nagjojowa ng iba?"
"Pinagbibigyan ko lang sila, gusto ko namang maranasan nilang maging boyfriend ako!"
Binato ko siya ng unan. "Napakayabang mo talaga!"
"Pareho lang naman tayo!" sabi nito na siyang tinawanan ko naman.
Nag-high five pa kami.
"Ano ba, Ygen!" reklamo ko, ginulo niya kasi ang buhok ko, sabay katok at tawag ni Ate Lala na kumain na kami. Kaya nakangisi na akong bumaba ng hagdan, hindi tulad kanina na napakabigat ng pakiramdam ko.
Pero nanigas ang ngiti ko nang pagbaba namin habang nag-aasaran kami ni Ygen ay nakita ko sa hapag si Hercules, at sa tabi niya ang kambal nitong si Pythos.
"Good evening, Girl," bati ni Pythos, at ngumiti ako pabalik.
See? Pythos' jokes don't affect me at all. May problema talaga ako kay Hercules e.
Hinila ko ang braso ni Ygen para paupuin siya sa tabi ko, dahil sa kanan ko ay upuan ni Efa.
"Hi Hercules, sup?" bati ni Ygen. Tumango si Hercules, nag-fist bump sila, tapos kay Pythos naman.
Pagdako ng tingin ko kay Hercules, matatalim ang tingin niyang ipinupukol sa akin. Agad kong iniwas ang mata ko.
Don't look at me ruthlessly—you are at fault!
Was he? Or was I just being overly dramatic? Ah basta... nagtatampo ako sa kanya.
Masaya ang kainan, dahil nagpapalitan ng biro at usapan ang mga lalaki. Pero kahit minsan, hindi kami nakapag-usap ni Hercules.
Kahit hanggang sa nakasanayan na ng pamilya ko ang pagtambay sa portico pagkatapos kumain... hindi talaga kami nagkaroon ng kahit anong ugnayan.
Iyon ang mga nakakasanayan namin na iniiwasan ko nang gawin ngayon kapag nandoon si Hercules. Nagpaalam na si Ygen dahil gabi na, hinalikan niya ang ulo ko at muling ipinaalala ang kaarawan ni Aemy.
The theme is Rock and Dark. Napailing ako nang mahulaan ko na agad ang magiging tema. Kahit noon pa man ay addict na si Aemy sa itim. Ang naiiba lang ngayon ay ang fancy title ng theme, pero ang kulay? Syempre hindi nagbago.
So, I wore a black leather miniskirt and tucked in a loose black shirt with a Game of Thrones print, with three diagonal rips below my neck so I can flaunt my cleavage—of course. This is my asset that Hercules finds too small, I guess. That's why he keeps calling me girl. I paired it with ankle black boots, no accessories, para hindi OA.
"Kiashana!" Agad akong niyakap ni Aemy nang mahigpit nang makita niya ako. Si Ygen na rin ang sumundo sa akin kanina, hindi makakasama si Efa dahil may pasok siya.
"I miss you, Aemy!" Nagbeso kami, at may sumingit agad sa moment namin... iyong mga lalaking parang default extras sa eksena tuwing nandito ako. Hindi ko alam kung si Aemy ang balak nilang kausapin o ako ang gusto nilang makilala.
"You still don't change huh?" Nakangising bulong ni Aemy.
"Nagbago na kaya ako!"
Nagulat ako nang makita ang mean girls doon. Sayang at wala ang barkada ko... may pinuntahan sila.
Wala pa naman akong gana maki-b***h sa kanila. Ewan ko ba. Naubos ata ang energy ko sa pakikipag-b***h out kay Hercules.
"Still that girl being lethally Goddess," natatawang sabi ni Aemy.
Saulo pa rin niya ang mga quotes ko dahil noon pa man ay mataas na talaga ang tingin ko sa sarili ko.
"Hi Kia, heard that you don't have boyfriend for five months, what happen?" tanong ng isang lalaking hindi ko kilala... pero kilala niya ako. Aba syempre! Ugh. Pagod na pagod na akong purihin ang sarili ko.
"Den... awat na sa kakadiskarte. 'Di ka papatulan nitong Kia ko. Babaero ka," sabi ni Ygen habang inaakbayan ako.
Napailing na lang ako habang naglalakad, bawat hakbang ko may bumabati at lumalapit na lalaking hindi ko naman kilala.
"Damn... kapag nalaman 'to ng magulang mo siguradong sasakit ang ulo nila. At sasakit rin ang ulo mo sa magiging desisyon nila para sa'yo," sabi ni Ygen.
There's one thing I hate about suitors, it's when they ask my parents first for permission to court me. Minsan pumupunta pa talaga sila sa bahay. Imbes na matuwa ako, mas naiinis pa ako.
"Ba't nandito ang ex mo? Civil kayo?" tanong ko kay Ygen nang mamataan ko si Pheneo na kumikendeng sa paglalakad.
Sophie may be the bitchest of them all, but it's Phenoe I hate the most, because she's a discreet demon, the kind that slithers with a smile.
And honestly? I'd cackle the day Shanta finally realizes just how long her friends' snake tails have grown, coiling and stretching behind her all these years.
"We're civil. Nalaman niyang inimbitahan ko 'yong lalaking gustong-gusto niya kaya ayon... gusto niyang imbitahan ko raw siya. Di naman daw sila gagawa ng gulo. Which I am sure of, syempre papa-good shot 'yon sa kinababaliwang lalaki niya ngayon," sagot ni Ygen.
Phenoe was never the type to lose her mind fangirling. As far as I know, she's the kind of discreet little demon who lives to pretend she's not flirtatious at all... classic "me? never" energy.
Which is why I'm sure Ygen exaggerated. If Phenoe's suddenly obsessed with some guy, something's definitely rotting underneath that perfectly curated innocence.
"Sino naman ang malas na lalaking 'yon?" tanong ko habang nakahalukipkip at naglalakad kami papasok sa mansion. Nakaakbay pa rin siya sa 'kin.
This mansion is just one of the Luzares' many playgrounds. It rises like a red-brick Victorian relic dropped in the middle of swaying Bermuda grasses—grand, dramatic, and a little bit arrogant. It stands over the wide green pasture as if it owns the wind itself, catching the evening breeze like some estate straight out of New Zealand, pretending it's the main character of the entire landscape.
"Ayon oh! Gumagalaw na nga siya e." Turo ni Ygen sa pasimple paraan.
A pair of sharp, piercing eyes locked onto me from across the distance. His gaze was absolute, consuming—like I was the only person in the world, or maybe I just felt that way. I glanced over my shoulder, heart thudding. Nobody else was there. It was him. Hercules. Watching me like a ruthless king surveying his territory, ready to strike—or punish.
"Phenoes' new prospect is Hercules?" I asked.
I saw Pheneo cling to his toned arms—those are mine to hold, you b***h!