FIVE

2468 Words
MAHIGIT dalawang oras din ang lumipas bago magkamalay si Seira. Si Krin mismo ang nagbantay sa babae. Wala naman kasing ibang pwedeng magbantay dito kundi siya lang. Wala naman siya nabalitaang boyfriend nito kaya wala na siyang nagawa. "Krin? Anong oras na?" Tanong ni Seira sa kanya habang sinusuklay nito ang magulong buhok gamit ang mga daliri nito. Hindi maipagkakailang maganda si Seira. Ngunit hindi siya interesado rito. Kung mayroon man siyang maibibigay dito ay ang salitang pagkakaibigan lang iyon. "Last subject na ngayon bago mag-lunch break. Okay na ba ang noo mo?" Tanong niya kay Seira at tiningnan ang noo nito. Namamaga pa rin ang noo nito at may medyo malaki pang bukol. Napangiwi siya sa nakita. Tae. Kung siya ang natamaan ng bola ay tiyak hindi malalayo ang bukol niya sa bukol ni Seira. Nasisigurado niyang masakit ito. "Ah. Pasensiya ka na at naabala pa kita. Hindi ka tuloy nakapasok sa dalawang subject." Hinging paumanhin nito. Kitang kita niya ang sensiridad sa mga mata nito. "Okay lang. At'saka ako dapat ang humingi ng tawad. Nang dahil kay Ae ay nawalan ka pa tuloy ng malay." Sabi niya kay Seira. "Naku! Okay lang. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag-iingat kaya natamaan ako." Nakangiting sabi nito. Yon lang naman ang gusto niyang marinig. Na okay lang ito at pinapatawad na nito si Ae. "Ah. Sige, Seira. Maglu-lunch na muna ako. Sa tingin ko ay okay ka na naman." Sabi niya kay Seira. "Okay." Sabi nito at parang napipilitang tumango pa ito. Hindi niya nalang ito pinansin at nauna na siyang lumabas ng school clinic. Kailangan niyang makausap si Ae. Hindi pa nga sila bati ni Ae pero ito na naman ang nangyayari. Dahil sa pesteng laro na yon. Bakit ko nga ba ginagawang big deal ang mga bagay? Eh ano Nman kung natamaan ni Ae ng bola sa Seria? Pag-kausap niya sa sarili. Hindi na siya pumunta ng classroom dahil alam niya namang wala ng tao doon sa mga oras na to. Lahat ay nasa canteen na o hindi kaya'y na sa kanya kanyang tambayan. Nagtungo nalang siya sa canteen. Doon na lang niya hahanapin si Ae. Parang deja vu ang nangyayari sa kanya ngayon. Yon nga lang ay may kaibahan. At yon ay ang may pera na siya ngayon. Nang makapasok niya sa canteen ay iginala niya ang kanyang paningin at agad na hinanap si Aeden. Pero gaya nang naunang nangyari ay hindi niya ito nakita. Malamang ay lumabas na naman siguro ito sa school campus. Hindi na niya ito maintindihan. Masyadong malabo si Ae para maintindihan niya. Hindi man nga lang niya alam kung ano ang dahilan ng pag-iwas nito sa kanya. Pumunta na lang siya sa counter at umorder ng makakain niya. Binayaran niya agad ito at naghanap na siya ng mauupuan. Pinili niya ang bakanting mesa at inilapag niya ang tray na dala at nagsimula nang kumain. Minadali niya pa ang pagkain dahil may plano siyang hanapin si Ae. Mabilisang tinapos ni Krin ang kinakain. Hindi niya alintana ang mga babaeng lantarang nagbubulungan na halata namang siya ang pinag-uusapan. Patunay lang na mas interesado ang mga ito sa buhay niya kay'sa sa mga sariling buhay ng mfa ito. Napailing nalang siya. Mga babae nga naman. Nilisan na niya ang canteen at nagsimulang hinanap si Ae. Una niya pinuntahan ang gym. Wala si Ae sa gym. Mga kasama lang nitong mga lalaki sa varsity. Sinunod niya ang classroom nila. Nagbabakasakaling makita niya ito roon pero nang magtanong siya sa isa sa mga kaklase nila kung nakita ba nito si Ae ang hindi lang ang tanging sinabi nito. Kunot ang noong naglakad siya palabas ng classroom nila at nagsimula siyang maghanap sa buong campus. Kahit tinatamad siyang maglakad sa mga oras na ito ay desidido siyang makita si Ae at nang maka-usap na niya ito. Tatanungin niya kung ano ang problema nito sa kanya. Sa pagkakatanda naman niya ay walang siyang ginawang kasalanan dito. Napatawad na siya nito sa huli niyang kasalanan. Nang hindi niya nakita si Ae sa loob ng buong campus ay napagdesisyunan niyang hanapin ito sa labas. Hindi na siya makakapaghintay pa ng gabi para makausap ito. Ayaw niyang mabaliw siya sa kakaisip kung ano ang nagawa niyang kasalanan dito. Nayayamot na tinungo ni Krin ang main gate ng paaralan. Nakalabas siya agad ng paaralan dahil hindi naman siya pinigilan ng guard dahil pwede namang lumabas ang mga estudyante dahil lunch break pa naman. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Ae. Naglakad nalang siya at hinayaang ang sariling paa kung saan man siya nito dalhin. Sinipa-sipa niya pa ang mga batong nadadaanan niya. Dinala siya ng kanyang paa sa isang walang katao-taong kanto. Hindi niya man lang namalayang napadpad na pala siya sa lugar na ito. Ilang linggo na siya sa paaralan na pinapasukan perk hindi niya pa nasubukang pumunta sa mga lugar na malapit dito. Ngayon lang. Nagsimula na siya maglakad pabalik. Ngunit sa pangalawang hakbang niya pa lang ay napatigil na siya sa paglalakad. May naririnig siyang ingay mula sa madilim na sulok ng kanto. Rinig na rinig niya ang bawat hapang ng matigas na bakal sa isang bagay at ang tunog ng pagkabali ng buto. May naririnig din siyang mura. Agad na kumunot ang noo niya nang maya maya pa ay may narinig siyang ungol at daing. Hirap na hirap ang boses ng taong naririnig niyang humihinga ng tulong at nagmamakaawa. Oo nga at bago pa siya sa lugar na ito pero hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang bawat usap-usapan ng mga estudyante tungkol sa mga fraternities tuwing dumadaan siya sa hallway. Bali-balita rin ang sunod-sunod na p*****n na nangyayari sa labas mismo ng campus. Pero hindi naman siya natatakot sa mga fraternities na ganyan. Ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ni Aeden. Kahit masaktan man siya ay okay lang sa kanya basta ba ay makita niyang okay lang ito. Dahil sa kuryosidad ay naglakad pa siya papalapit sa pinanggaagalingan ng ingay. Kahibangan man ang ginagawa niya sa oras na ito pero wala na siyang pakialam. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang kumpulan ng mga kalalakihang nakaitim. May isang lalaki rin sa gitna ng mga ito at kahit na hindi malinaw ang mukha nito ay alam niyang bugbog sarado na ito. Iang metro nalang ang layo niya sa mga ito at akmang maglalakad na siya para pigilan ang mga ito nang may marahas na humatak sa kanya sa madilim na parte ng kanto. Hindi niya man kita ang mukha ng taong humablot sa kanya ay alam na niya kung sino ito. Kilalang kilala na niya ang amoy nito. "Ae. Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Paano kung mapahamak ka? Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung may gumawa ng masama sayo? Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman ko? Fvck! Alam mo bang halos mamatay na ako sa kakaiisip kung okay ka lang ba?!" There, He lost his composure. Sumabog na siya sa mukha nito. Siguro ay dulot na rin sa nakita niya kanina at dahil na rin sa pag-aalala niya rito kanina. "What are you doing here" Tanong nito sa halip na sagutin siya. Wala man lang siyang nakikitang emosyon sa mukha nito. Madilim ang mukha itong nakatingin sa kanya. Kung hindi lang siya galit sa mga oras na ito ay baka sakaling kanina pa siya kumaripas ng takbo dahil sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. "Hindi mo ba ako narinig kanina? Hinahanap kita." Sagot niya sa tanong nito. Hindi niya alam kung bakir niya ito sinagot dahil naiinis pa rin siya. Paano nalang kung mapahamak ito? Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakali man. "Bumalik ka na sa campus. At huwag ka nang pumunta pa ulit sa lugar na ito." Huling salita nito bago ito maglaho sa dilim. Tae! Multo ba ito? Pero kung ganon nga ito ay willing naman siyang tanggapin kahit ano pa ito. Nailing na binalingan niy ulit ang banda kung saan nakita niya ang grupo ng mga kalalakihan kanina pero laking gulat niya nang makitana wala na ang mga ito roon. Anong nangyari sa lalaking binugbog ng mga ito? Gusto niya sanang tumulong kanina. Yon nga lang ay hinatak siya ni Ae. Agad na nilisan na niya ang lugar at bumalik na ng paaralan. Dumiritso na siya sa classroom nila. Nagbabakasakali siyang nandoon na si Ae. Pero nanlumo siya nang hindi niya ito nakita sa loob ng classroom. Ayon sa kaklase nilang tinanong niya ay hindi pa raw ito bumabalik ng classroom mula second subject. Matamlay na umupo siya sa katabing upuan ni Ae nang pumasok na ang Prof nila. Nag-discussed lang ito at kahit ni isang diniscussed nito ay walang pumasok sa utak niya. Iniisip niya pa rin ang nangyari kanina. Yong nasaksihan niyang pambubugbog. Ano na ang nangyari sa lalaking na yon? At higit sa lahat ay, ano ang ginagawa ni Ae sa lugar na iyon? Alam naman siguro nito kung gaano kadelikado ang lugar na iyon. UWIAN na at wala pa rin sa kanyang sarili si Krin. Hindi niya nakita si Seira kaya medyo nabunutan siya ng isang karayom sa dibdib niya. Dadagdag lang ito sa mga iniisip niya kaya mas mabuti na hindi niya muna ito maka-usap. Pagkalabas na pagkalabas ng Prof nila ay sumunod agad siya. Dali dali siyang nagtungo sa main gate at lumabas na ng campus. Ito ang kanina niya pang gustong gawin. Ang umuwi at makausap si Ae. Malalaki ang bawat hakbang niya habang naglalakad. Mas maganda kung maaga para mas masinsinan niyang makausap si Ae. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang itoim na backpack nito na nasa ibabaw ng mesa. Isa lang ang ibig sabihin non. Na nandito na sa sa bahay si Ae at nasa lungga lang nito. Mabuti naman at umuwi na ito. At baka mabaliw pa siya kung sakali. Naglakad na siya papuntang kwarto nito. Wala na siyang pakialam kung magalit man sa kanya si Ae na pumasok siya sa kwarto nito. Ang gusto lang niya ay makausap ito. Kanina pa nangangati ang dila niya na tanungin ito tungkol sa nakita niya kanina. At kung bakit ito naroon. Dahan dahang pinihit ni Krin ang hawakan ng pinto at walang ingay na pumasok siya sa kwarto ni Ae. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makita niya itong mahimbing na natutulog sa nama nito. Sa loob ng halos isang taong pagtira niya kasama ito ay hindi niya man lang namalayang unti-unti na pala siyang nahuhulog dito. So fast and hard. Yong tipong pagkabagsak mo ay imposibling makabangon ka pang muli. Abot ang kabang nararamdaman niya tuwing na sa paligid niya ito. Nakakabading mang pakinggan pero yon ang totoo. Umupo siya sa gilid ng kama ni Ae at mataman niya itong tinitigan. Nakangiting hinaplos niya ang buhok nito. Sino ba naman ang mag-aakalang mahuhulog siya sa mismong taong kumupkop sa kanya? "Good night Aeden Spader." Mahinang bulong niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa Kama nito. At walang ingay na nilisan niya ang kwarto nito. NAALIMPUNGATAN si Krin nang may marinig siyang mga yabag sa kusina. Tumayo siya mula sa pakakahiga at tiningnan niya ang oras. Napakamot siya sa ulo nang makitang alas dos pa lang ng umaga. Pumunta siya ng kusina at hindi na siya nag abalang buksan pa ang ilaw dahil alam niyang si As lang ito. "Ae bakit gising ka pa?" Tanong niya kay Ae. Medyo kumilos ito. Siguro ay nagtitimpla ito ng gatas. "I can't sleep." Sabi nito. "Uhmm... Look Ae I'm sorry sa nasabi ko kanina. Will you forgive me?" Paglalambing niya kay Ae. Oo nga at malamig ang pakikitungo nito sa kanya at parang wala pa itong pakialam sa kanya pero nararamdaman niyang tinatago lang nito ang tunay na nararamdaman. "Okay." Maikling sagot ni Ae sa sinabi niya at umupo ito sa isang pahabang sofa sa sala. "Krin. What if hinahanap ka na pala ng parents mo? Iiwan mo na ba ako? Aalis ka na ba dito?" Ramdam niya ang kalungkutan sa bawat bigkas nito ng mga katagang yon. Oo nga't hindi ito madalas magpakita ng emosyon. Na aakto itong malamig sa kanya, araw-araw pa siya nitong tinatawag na tanga at lampa at pinapakita ni Ae na kahit anong mangyari sa kanya ay wala na itong pakialam. Pero ang totoo ay kapag binubully siya ng mga kalalakihan sa kanto na may gusto kay Ae at tinatawag siyang lampa ay alam niyang binubugbog ni Ae ang mga ito. Si Ae ang tagapagligtas niya. Ang nag-alaga sa kanya bago pa man siya magkamalay buhat nang maaksident siya. At ito run ang taong nagpatira sa kanya sa mahigit isang tao sa bahay nito. Kaya paano nito nasasabing iiwa niya ito? Pagkatapos ng mga ginawa nito para sa kanya? Ayaw na niya itong iwan ng nag-iisa dito lalo na't wala na itong mga magulang at'saka kahit naman may mga magulang si Ae ay hindi niya pa din iiwan ang dalaga. "Uy. Krin. Tama ba ako na aalis ka diba?" Tanong ulit nito sa kanya. "Bakit naman kita iiwan? Pagkatapos mo akong patirahin at pakainin ay sa tingin mo iiwan nalang kita ng ganon ganon? Syempre hindi. Ikaw kaya ang dude ko." Sabi niya kay Ae at niyakap ito ng mahigpit. Tsansing lang mga pre. "Uy. Dude tsantsing ka ah." Sabi ni Ae at sinuntok pa siya nito sa balikat. "Ang s*****a mo talagang babae ka!" Sabi niya kay Aesabay g**o niya sa buhok nito na ikinasama naman ng tingin ni Ae sa kanya. "Alisin mo nga yang kamay mo sa ulo ko kung ayaw mong putulin ko yan!" Banta ni Ae at marahas na tinanggal ang mga kamay niya sa ulo nto. Pagkatapos noon ay kumaripas na ito ng takbo papasok sa kwarto nito. "Uy Ae! Yong gatas mo!" Pagtawag ni Krin kay Ae habang kinakatok niya ang pinto ng kwarto nito. Naiwan kasi ni Ae ang gatas nito sa sala at hindi pa nito nainom. "Ae! Papasok ako ah?" Paalam niya kay Aee. "Subukan mong pumasok Krin at nang ma-murder kita dito sa mismong kwarto ko. Sigaw nito mula sa loob. Napailing siya at nagkamot ng batok. Bakit niya naman iiwan ang ganitong babae klaseng babae diba? Eh pati nga sarili niya ay hindi niya na maibangon mula sa pagkakahulog niya rito. ✂--------------------------------------------------------------------- NAM
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD