ALAS singko y media nang magising si Krin. Sinadya niya talagang agahan ang paggising niya dahil may plano siyang gagawin ngayong araw. Sabado naman at day-off niya sa pinagtratrabahuan niya. Plano niya kasing ipasyal si Ae sa peryahan. Pinag-iponan niya talaga ang araw na ito. Naisip niya kasing puro nalang sila away simula nang pumasok siya sa paaralan nito. Kung kaya ay bilang pambawi ay ililibre niya ito.
Bumangon na siya mula sa pagkakahiga at pumasok ng C.R. Naghilamos muna siya ng mukha at saka nag-mumog. Pagkatapos niya sa C.R ay lumabas na siya at tinungo ang kusina. Hinanda niya ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. At nang makompleto na niya ang mga ito ay nagsaing muna siya sa rice cooker at saka siya kumuha ng bacon at hotdog sa ref. Niluto na niya ito. Nang maluto na ang sinaing niya ay saka siya nag fried rice. Nilagyan niya ito ng margarine at itlog. Niramihan niya rin ito ng sibuyas dahil alam niyang paborito ni Ae ang fried rice na may maraming sibuyas.
Lalaki man siya ay maalam naman siya sa kusina. Lalo na at isang prinsesa ang kasama niya sa bahay. Marunong naman si Ae kung pagluluto ang pag-uusapan pero sadyang tamad lang talaga itong magluto.
Napangisi siya nang matapos na siyang magluto. Tapos na ang lahat at si Ae nalang ang kulang. Lumipad ang tingin niya sa pinto ng kwarto nito nang daha dahan itong bumukas. Iniluwa nito si Ae na halatang kagigising lang. Hindi man lang ito nag-abalang magsuklay ng magulo nitong buhok.
Tumaas ang sulok ng labi niya nang mapagmasdan niya ang ayos nito. Nakapajama pa rin ito na may design na minions. Ang cute lang nitong tingnan. Pinipigilan niyang tumawa habang pinagmamasdan niya itong mag-unat ng mga kamay. Ngunit nang makita niya itong humikab ng malakas ay hindi na niya napigilang bumunghalit ng tawa. Hindi naman ito pangit tingnan. Ang cute nga nito at ang sarap kurutin. Natutuwa lang talaga siyang, siya lang ang nakakakita sa side na ito ni Ae. Siya pa lang. At wala siyang planong ipakita yon sa iba. Kung pwede lang na ibulsa na niya si Ae at huwag na itong pakawalan ay tiyak na gagawin niya.
"Anong tinatawa tawa mo riyan?" Matalim ang mga matang tanong nito sa kanya. Bahagya siya umubo at tumigil sa pagtawa at saka siya umiling.
"Wala naman. Kain na tayo." Pag-iiba niya ng topic. Delikado na kapag nalaman nitong ito ang pinagtatawanan niya. Ti'yak na sapak ang aabutin niya.
"Bakit maaga ka ngayon? Di'ba wala namang klase at day off mo naman?" Kunot ang noong tanong nito sa kanya. Tae. Baliw na ba siya kung sasabihin niyang kinikilig siya sa pagtatanong nito tungkol sa trabaho niya? Naiisip niya kasing para na silang mag-asawa sa lagay nila. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Tch. Malala ka na." Naiiling na puna nito nang mapansin siya nitong ngumingiti.
"Bakit? Masama na ba ang ngumiti ngayon?" Kunwaring naasar na tanong niya kay Ae.
"Masama. Lalo na kung ngumingiti ka nang walang dahilan." Masungit na sabi nito.
"Paano kung sabihin ko sayong ikaw ang dahilan ng pag-ngiti ko?" Seryosong tanong niya kay Ae na siyang dahilan kung bakit nabulunan ang huli.
Lihim siya napangiwi at dali dali niya itong inabutan ng tubig. Tae. Masama pala kapag ginugulat niya ang babaeng to.
"Nabubulunan ka pala kapag kinikilig?" Tukso niya kay Ae.
"Hayop! Kapal mo dre." Tanging sabi nito at saka ito nag-iwas ng tingin.
"Bakit ka namumula?" Tukso niya ulit dito. Sinamaan lang sita nito ng tingin at agad din nitong tinapos ang pagkain.
"Mainit." Tanging sagot lang nito at saka siya nito iniwan sa kusina. Tch. Ang bipolar nito. Dinaig pa ang may mental disorder.
Naiiling na uminom na siya ng tubig at iniligpit niya ang pinagkainan nila. Dinala niya ito sa lababo at doon hinugasan. Sanay na siyang gumawa ng mga bagay na iyon. Total ay ayaw naman niyang mapagod si Ae.
Nang matapos na siya sa paghugas ng mga plato ay hinanap na niya si Ae. Mas mainam na maaga silang pumunta sa peryahan para mas ma-enjoy nila ang pamamasyal nila.
Natagpuan niya itong tahimik na nakaupo sa harap ng harden nila.
"Tch. At kailan pa siya natutong manukso?" Mahinang himutok nito pero rinig na rinig naman niya.
"Ae. Magbihis ka na at mamasyal tayo ngayon." Sabi niya rito at dali dali na siya naglakad papasok ng bahay. Taeng puso kasi. Pahamak. Malayo pa nga ang pasko ay parang sasabog na ito.
Pumasok na lang din siya sa kwarto niya at nagbihis na ng damit. Nagsuot lang siya ng polo na checkered at faded jeans. Pinarisan din niya ito ng black converse na sapatos. Regalo ito ni Ae sa kanya noong nagdaang pasko. Inayos niya ang buhok niya na medyo mataas na.
Nang matapos na siyang magbihis ay lumabas na siya ng kwarto.
Naabutan niya ang nakahalukipkip na si Ae sa sala. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita niya ang itsura nito. Mamasyal ba sila o pupunta ng lamay? Naka itim kasi ito lahat. Nakasuot ito ng itim na T-shirt na may design na bungo at black jeans at itim din na converse.
"Yan ba ang susuotin no?" Nagdadalawang isip na tanong niya kay Ae.
Kumunot naman ang noo nito dahil sa tanong niya.
"Oo. Bakit?" Madilim ang mukhang tanong nito dahilan upang mapalunok siya ng laway.
"Wala naman. Tara na." Sabi niya sabay hawa sa kamay nito at hinila na ito palabas ng bahay nila.
"Saan ba tayo pupunta?" Maya maya pa ay tanong nito nang makasalay na sola ng tricycle.
"Sa peryahan. Gusto kitang ipasyal doon." Sabi niya nalang.
"Okay. Pero pakibitiwan na yong kamay ko. Swerte ka na masyado dude." Sabi nito sabay irap sa kanya. Hindi man lang niya namalayang hawak hawak niya pa rin pala ang kamay nito. Naiiling na binitawan niya ang kamay nito kahit labag man ito sa kanyang kalooban. Ang sarap sa pakiramdam niya na hawak hawak niya ang kamay nito. Pakiramdam niya kasi ay wala nang makakaagaw pa kay Ae mula sa kanya. Pero subukan lang ng mga ito at nang sa wakas ay makakapatay na siya ng hayop.
"Tch. Yan na nga oh." Kunwari ay nagdadamdam na sabi niya rito.
Hinawakan niya ang sariling kamay at pinakiramdaman ito. Hindi naman magaspang ang kamay niya. Wala nga itong kalyo 'e. Halatang pang mayaman ang kamay niya. 'O hindi kaya ay tamad lang talaga siya bago pa man siya maasksidente.
Hindi niya alam kung gusto niya pa bang maalala ang nakaraan niya. Para sa kanya ay kuntento na siya sa kung ano mang mayron sa kanya ngayon. Basta ba at nasa tabi niya si Ae ay kakayanin niya.
Sa mga oras na ito ay ito ang naging inspirasyon niya na mabuhay araw-araw. Natutuwa siya tuwing tinatawag siya nito sa pangalan niya. Pangalan niyang ito mismo ang nagbigay sa kanya. Kahit na pangalan niya kasi ay hindi niya matandaan nang araw na magising siya sa hospital matapos niyang ma-coma ng isang buwan.
"Hoy. Trip mo na bang manirahan na riyan sa loob ng tricycle? Lumabas ka na diyan at baka ako mismo ang kakaladkad sayo palabas ng tricycle. At dalian mo dahil naabala mo na si manong." Sita ni Ae sa akin. Medyo naniningkit pa ang mga mata nito. Halatang niinis na sa inaakto niya.
"Ito na po. Manong bayad oh. Aniya at nagbayad na ng pamasahe nila.
"Babae kasi ang palaging iniisip. Tch." Namumurong bulong nito.
"Teka? Paano mo nalamang babae nga ang iniisip ko?" Nagtatakang tanong niya kay Ae.
Mas lalong dumilim ang mukha nito at nagtagis pa ang bagang nito.
"Dahil malandi ka. Iyon bang babaeng kalandian mo sa kalsada noong isang araw ang iniisip mo?" Malamig na tanong nito habang nasa unahan niya ito at sobrang bilis na naglakad papasok ng peryahan.
Tumaas ang sulok ng labi niya nang may mapagtanto siya. Putek! Kalalaking tao niya perk kinikilig siya sa mga ganitong bagay. Malala na talaga siya.
"You sounds like a jealous girlfriend. Are you?" Nanunudyong tanong niya kay Ae.
"I'm not. I'm just asking." Matabang na sagot nito at halatang hindi interesado.
Bumagsak ang balikat niya sa sagot nito. Nakakapanlumo.
"Isa lang naman ang babaeng laman ng isip ko araw-araw." Mahinang sambit ko na ikinatigil nito sa paglalakad. "At ikaw yon." Napapikit siya at naghanda sa susunod na mangyayari. Inaasahan na niyang sasapakin siya nito. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala siyang naramdamang kamao na tumama sa mukha niya.
Dahan dahan siyang nagdilat ng mga mata. Hindi makapaniwalang tinginan niya si Ae na masayang sumasakay sa roller coaster. Tangina! Abot-abot ang kabang naramdaman niya kanina pero hindi pala nito narinig ang mga sinabi niya.
Napakamot na lang siya ng ulo at naglakad na patungong kinaroroonan nito. Hindi man lang siya nito hinintay. Plano niya sanang makatabi ito bawat rides. Pero sadyang hindi lang talaga normal itong babaeng kasama niya.
"Ano? Nag-enjoy ka ba?" Puno ng sarkasmong tanong niya rito.
"Best ride ever." At sa unang pagkakataoon ay nakita niya itong ngumiti.
Napatulala siya at hindi makapaniwala sa nakita. She just smiled at him genuinely! Damn! Pwede na siyang mamatay sa mga oras na ito.
Hindi bali nang hindi nito narinig ang sinabi niya kanina at least ay nginitian siya nito.
"May gusto ka bang kainin?" Maya maya pa ay tanong niya rito.
"Cotton candy." Maikling sagot nito.
Ang astig-astig ng histura nito at kakain naman pala ng cotton candy. May pagka-isip bata rin pala ito.
"Di'yan ka lang at bibilhan kita ng cotton candy. Huwag na huwag kang umalis di'yan" Sabi niya kay Ae. Tumango naman ito. Iniwan na niya ito at naghanap ng nagbebenta ng cotton candy. Nakakita namam siya agad at bumili siya ng dalawa. Nang makabili na siya ay malalaki ang bawat hakbang na bumalik siya sa pinag-iwanan niya kay Ae. Hindi siya mapakali kapag wala ito sa pangingin niya. Iniisip niya palang na may nambabastos dito ay nangangati na ang mga kamay niyang pumatay. Oo, hindi na baling makulong maprotektahan niya lang si Ae.
Kinabahan agad siya nang makita niyang wala na si Ae sa kinauupuan nito nang umalis siya. Tangina! Saan na naman nagsusuot ang babaeng yon? Mura niya sa kanyang isipan.
Binitiwan niya ang hawak na cotton candy at kumaripas na nang takbo para hanapin si Ae. Hindi niya talaga mapapatawad ang kanyanh sarili kung sakali mang may mangyaring masama rito.
Nalibot na niya halos ang buong perya at hindi niya pa rin ito nakikita.
Nanghihinang napaupo siya sa isang bench malapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi na niya alam kung and ang gagawin niya makita lang ito.
Nabuhayan siya ng loob ng makita niya siya Ae sa harap ng nag-iisang claw machine. Parang may pumipiga sa puso niya nang makita ito.
Nagsimula na siyang maglakad palapit dito. Seryoso ang mukha nito habang hawak hawak nito ang joystick sa kanang kamay at ang kaliwa naman nito ay may nakiipit na anim na stuff toys. Hindi makapabiwalang tiningnan niya ito. Ni isa man nga lang ay hindi pa siya nakakuha ng isang stuff toy mula sa claw machine. Sa tingin niya ay may daya na nangyayari sa larong ito kung kayat hindi siya makakuha ng kahit isa man lang na stuff toy. Tch. At itong babaeng to. Hindi lang isa ang nakuha kung hindi ay anim.
"Nandito ka lang pala. Hindi mo alam kung paano mo ako pinag-alala at pinakaba." Sabi niya rito na ikinalingon naman nito sa gawi niya.
"Di'ba sabi ko sayo na huwag kang umalis? Bakita ka umalis?! Alam mo bang nalibot ko na ang buong lugar sa kakahanap sayo? Hindi mo man lang inisip na baka nababaliw na ako kakahanap sayo." Naninitang sabi niya rito.
Oo na! Naiinis na siya dahil hindi man lang nito inisip kung ano ang mararamdaman niya. At mas lalo pa siyang nainis nang sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay iniabot nito sa kanya ang anim na stuff toys.
"Happy birth day."
And on what she said. His anger instantly vanished.