Seven

2457 Words
"AE sabay na tayong pumasok." Sabi niya kay Ae habang nagbibihis ito sa kwarto nito. "GEH!" Sagot nito sa kanya mula sa kwarto. Okay na sila simula pa kagabi. Nagpagpasyahan niyang sundin nalang ang sinasabi nito. At nang sa ganon ay wala nang g**o. "Oh. Tara na." Sabi ni Ae nang matapos na itong magbihis. "Tara." Sumunod na siya palabas dito ng bahay. Nabigla pa siya nang sumakay si Ae sa big bike nito. "Oh. Anong hinihintay mo ri'yan? New year? Uy Krin next year pa yon kaya bilisan mo nang sumakay diyan kung ayaw mong ma-late tayong dalawa." Magkasalubong ang mga kilay na sabi nito sa kanya. "Oh. Ito na nga oh. Ang aga-aga ang high blood." Reklamo niya at umangkas na sa likuran nito. Tae. Ang sagwa ng posisyon nila. Kasi naman di'ba dapat ay lalaki ang nasa unahan. Baliktad sila. Pero sa tingin niya okay na yon para maiba. Unique kumbaga. "Uy Krin kapit ka kung ayaw mong maiwan." Sabi nito kaya nag-aalangang kumapit siya sa balikat nito. "Takte Krin! Bumitaw ka nga sa balikat ko kung ayaw mong ako mismo ang tumulak sayo!" Sigaw ni Ae sa sa kanya. "Eh. Saan mo ba gusto?" Inis na tanong niya rito. Aba't tong babaeng to may plano pala siyang ilaglag. "Geez! Wag ka nalang kumapit. Daming satsat eh." Medyo iritang sabi nito. Maya maya pa ay. "Anak ng! Tae! Ae gusto ko pang mabuhay!" Sigaw niya kay Ae nang bilisan nito ang pagpapatakbo. Kaya ang kinalabasan ay muntik na siyang tumilapon kaya wala sa sariling napakapit siya sa bewang ni Ae. Aba! May curves pala tong si Ae. Secret lang pero akala niya kasi ay coke in can ang katawan nito dahil kung lumamon ay daig pa ang hindi nakakain ng ilang buwan. Oo ganyan si Ae. She maybe act unladylike pero para sa kanya ay mas gusto niya ang babaeng gaya ni Ae na hindi nahihiyang husgahan ng iba ang kilos at ugali. Babaeng hindi plastik at conscious sa hitsura nila. Nang marating na nila ang paaralan ay pi-nark na muna ni Ae ang big bike nito sa parking lot. At sabay na silang naglakad papuntang classroom nila. Wala pa ang teacher nang dumating sila at as usual ay magulo na naman ang classroom. "Krin!" Sigaw ni Seira at niyakap siya. Medyo nagulat pa siya sa pagyakap nito. Siguro ay ganito lang tong si Seira, isang sweet na babae. Nang tingnan niya si Ae ay nakatingin rin pala ito sa kanila. Nang mapansin nitong nakatingin siya rito ay bigla nalang itong umiwas ng tingin dahilan upang mapakalas siya mula sa pagkakayakap sa kanya ni Seira. "Wait lang, Seira." Paalam niya rito at pumunta na sa upuan niya which is katabi ng upuan ni Ae. "Uhm... About don sa naki-" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang magsalita na ito. "Look, Krin. Hindi naman kita tinatanong about doon." Kalmadong sabi ni Ae at ipinikit nito ang mata sabay sandal ng ulo nito sa upuan. "Baka kasi ma-misunderstand mo yong kanina." Patuloy na paliwanag niya kay As. As much as possible ay ayaw niyang isipin ni As na may nagugustuhan na siyang babae. "Do you like her, Krin?" She asked calmly. Medyo nagulat pa siya sa tanong nito. "Of course not. It's just that friendly at sweet ang talaga si Seira." Sabi niya kay Ae. Hindi na ito muling umimik pa at nakapikit pa rin ang mga mata nito. Maya maya pa ay dumating na ang first subject teacher nila na agad din namang nagsimulang mag-discuss. RECESS na at si Krin lang ang nag-recess sa kanilang dalawa Ae sa kadahilanang busog pa raw ang huli. Nang matapos siyang bumili ng pagkain ay kaagad din naman siya naglakd palabas ng canteen Paliko na sana siya nang may bumunggo sa kanya. Si Seira. "Sorry Seira ah. Buti nalang at hindi malakas yong pagkabungguan natin kung hindi basa ka na sana. Pasensya na talaga." Paghingi niya ng tawad kay Seira. "Naku! Okay lang. No need to say sorry. Kasalanan ko rin naman." Nakangiting sabi nito. Mabait talaga tong si Seira. Komento ni Krin sa isip niya. "Ano... sabay nalang tayong Pumunta ng classroom. Ano tara na?" Pagyaya nito sa kanya. Takte! Baka makita na naman kami ni Ae at iba na naman ang isipin non. Sabi ng niya sa isip niya. "Uhm..." tatanggi na sana siya nang hilahin nito ang kwelyo niya at saka siya nito biglang hinalikan sa labi. Para siyang nastatwa sa kinatatayuan niya. "Uhmm... I'm sorry about that Krin. Dumaan kasi yong ex ko kaya ginawa ko iyon. Lagi niya kasi akong ginugulo at pinipilit na balikan siya." Paumanhin ni Seira ngunit wala rito ang atensyon niya. Kung hindi ay nasa isang babaeng tumatakbo paalis sa kinaroroonan nito kanina. "Ae." Mahinang sambit niya sa pangalan nito. "YOU shouldn't do that!" HE angrily said to Seira. Nakayuko lang ito at tumaas baba rin balikat nito at humihikbi. Gusto niya itong aluhin pero wala siya sa tamang pag-iisip ngayon para i-comfort ang ibang tao. At kahit ano pang pagsiksik niya sa utak niya na wala siyang kasalanan ay inuusig parin siya ng konsensiya niya. Paano kung iba ang iniisip ni Ae? At ma-misinterpret niya yong nakita nito? At hindi na siya nito kibuin? Teka! Bat naman magiging big deal kay Ae na may kahalikan– este hinalikan ako ng ibang babae? Ewan ko sayo Krin! Pakikipag-debati niya sa sarili. Para na siyang nababaliw sa kakaisip kung ano ba dapat ang kanyang gagawin. Iwinaksi niya lahat ng kanyang mga iniisip at wala sa sariling tumakbo siya kung saan nakatayo si Ae kanina. Wala na ito doon at nang ilibot niya ang paningin ay wala na siya makitang bakas ni Ae. Naisip niyang baka nasa classroom lang ito pero nanlumo siya nang pagdating niya ng classroom ay wala ito sa loob. "Psh! Uy Wrox nakita mo ba si Ae?" Tanong niya sa babaeng nakaupo sa gilid ng upuan ni Ae. "Ah si Miss Cool? Sorry Krin ah. Hindi ko siya nakita kanina pa simula pa nong recess." Nakapangalumbabang sagot nito. "Ah okay." Matamlay na sabi sagot niya rito at napasandal siya sa inuupuang bangko. Nasaan ka na ba Ae? Tanong niya sa isip niya. Ang gago mo kasi Krin eh! Bakit hindi ka ba kasi umiwas nang halikan ka ni Seira? Pagkausap niya sa sarili niya. Ang bilis naman kasi ng pangyayari kaya nagulat siya at hidi niya na naiwasan pa si Seira. Pakikipag-usap niya ulit sa sarili. Tangna! Mukhang nababaliw na nga siya! Ae? Nasaan ka na? BUONG araw nang hindi nakita ni Krin si Ae. Absent ito sa lahat ng subject. Hindi niya alam kung nasaan si Ae. Oo inaamin niya na may kasalanan din naman siya dahil sinabihan na siya nitong iwasan si Seira pero hidi niya pa rin ginawa. Hanggang sa uwian ay hindi niya pa rin ito mahanap-hanap. Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil umaasa siyang baka makita niya si Ae sa paaralan. Pero hanggang sa dumilim na at isinara na ng guard ang gate at wala pa rin ito kaya napilitan siyang umuwi. Oo. Baka nasa bahay lang si Ae. Habang naglalakad siya sa kanto ay nagulat pa siya nang biglang may humatak sa kanya. At doon niya nakita ang isang grupo ng mga lalaki na puro nakaitim. Parang kulto. Hindi siya nakahuma nang walang kaabog-abog na sinapak siya nang malakas nong humatak lalaking humatak sa kanya. "Ikaw yong pinalit ni Seira baby sa akin? Eh Ang lampa mo pala eh." Sabi nong sumapak sa kanya. Mula sa liwanag ng buwan ay kitang kita niya pa kung paano siya nito tiningnan ng puno ng pang-uuyam at saka siya nito tinawanan. "Ano ba! Pakawalan niyo nga ako. At dude, hindi ko kilala yang Seira baby na sinasabi mo!" Sigaw niya rito at pinilit niya pang magpumiglas mula sa sa pagkakahawak ng dalawang ka-grupo nito. Dahil sa sinabi niya ay sinikmurahan siya ako at sinuntok nang paulit-ulit hanggang sa mapaluhod siya at mapa-ubo ng dugo. Tangna! Mukhang sa kamay pa siya ng mga ito mamatay. "Si Seira? Hindi mo kilala?" Nanunuyang tanong nito sa kanya. Agad ding natigilan si Krin nang may maalala siya. "Oh ano? Naalala mo na? Yong babaeng hinalikan mo putangina! Yong babaeng ina ng anak ko." Nagtatagis ang bagang na sabi nito. Parang bombang sumabog sa kanyang utak ang mga sinabi nito. Fvck! Totoo?! Agad na umalingawngaw sa isipan niya ang mga katagang binitiwan ni Seira sa kanya. "Uhmm... I'm sorry about that Krin. Dumaan kasi yong ex ko kaya ginawa ko iyon. Lagi niya kasi akong ginugulo at pinipilit na balikan siya." Marahas na hinablot nito ang buhok niya at marahas na inihinarap ang mukha niya rito. Ngumisi ito nang nakakaloko at dinuraan siya nito sa mukha at sinuntok nang paulit-ulit. Puta! Yong mukha ko! Mahal pa naman yong pampa-surgery. Reklamo niya sa kanyang isipan. "Wala ka palang binatbat eh. Pre payong kaaway! Akin lang si Seira! At wag na wag mo na ulit siyang lalapitan–Ops. Paano ka nga pala lalapit sa kanya kung papatayin ka na namin?" Nakangising sabi nito sabay labas ng kutsilyo mula sa gilid ng bewang nito. Lord. Ayaw ko pa pong iwan si Ae! Wala na pong mag-aalaga at maghahain ng umagahan, tanghalian at hapunan nito. Hindi po ito marunong magluto. Please po. Baka po masunog yong bahay namin pag siya nalang nag-iisa. Lord! Patawad! Lihim niyang dasal sa kanyang isipan. Ae... Sorry pero hindi mo na masisilayan ang ka-gwapohan ko. Hindi na kita mayayayang mag-date at tanongin kung pwede ba kitang maging girlfriend. Hindi na kita mapapakasalan at mabibigyan ng isang baryong magaganda at mga poging anak. Ae... gusto ko lang malaman mo na... Mahal na mahal kita... Pagpapatuloy niyang pamamaalam. Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang tatamang patalim sa katawan niya. Pero lumipas ang ilang segundo, minuto,oras, araw,linggo,buwan,taon at dekada... Pero joke lang yon. Lumipas ang ilang minuto ay wala siyang naramdamang tumama sa maganda niyang katawan. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Ae na mala-Bruce Lee na nakikipaglaban sa mga nambubugbog sa kanya. Suntok at sipa ang iginawad nito sa mga kalaban. Indeed, She's really cool... Gusto niyang tulungan si Ae dahil natamaan na rin ito ng mga suntok galing sa mga kalaban. Yong mga lalaki ay nasa anim ata. Blurred na yong paningin niya dahil sa dugong umaagos galing sa ulo niya dahil sa pagkakabagok niya kanina. Nag-aalala na siya kay Ae. Hindi niya nga man lang maitayo ang kanyang sarili dahil hinang hina na siya dahil sa mga pasang natamo niya. Sobrang sakit na ng katawan niya kaya wala nasiyanh pakialam kung ang dumi dumi na niya dahil sa pagkakahiga niya sa kalsada. At wala na siyang nagawa nang tuluyan nang bumigat ang kanyang talukap at saka siya nawalan nang malay. "KRIN! Uy gising! Puta! Dumilat ka nga kung ayaw mong tusukin ko yang mga mata mo at i- barbecue!" Naiinip na utos ni Ae sa kanya habang malakas na tinapik-tapik nito ang kanyang pisngi. "Ae... na... san... na yong... mga lalaki ka... nina?" Nanghihinang tanong niya kay Ae habang pilit niyang inaabot ng kamay niya ang mukha nito. Maingat niyang hinaplos ang putok nitong labi. "Wala na sila. Don't worry. You're safe now." Sabi ni Ae habang inaalayan siya nitong tumayo "Ae... bakit... ka ba... nakikipag-bugbugan... ha? Ayan... tuloy... may ... pasa... ka na. Masakit ba?" Nagaalalang tanong niya rito at saka niya marahang hinaplos ang mga sugat nito sa mukha. May naramdaman siyang tubig na pumatak sa mukha niya. At kahit pagod na siya at inangat niya pa rin ang mukha niya upang makita niya kung ano yon. Ito... Ito yong ayaw na ayaw niyang makita. Ang makita itong umiiyak at nasasaktan dahil sa kanya. Dahil double ng sakit na nararamdaman ni Ae ang nararamdaman niya kapag nakikita niya itong umiiyak at nasasaktan. Kung mawala man siya sa mundong ito ay gusto niya ay palagi itong nakangiti at hindi ito malulungkot kapag wala na siya. "Hush! Ae... please... don' cry..." Sabi niya sabay pahid niya sa mga luha nito. "Krin. Huwag mo kong iwan please." Yon ang huling katagang narinig niya bago siya kainin ng dilim. DAHAN dahang iminulat ni Krin ang kanyang mga mata. Kulay puting silid ang sumalubong sa kanya. Nang ilibot niya ang kanyang paningin ay nakita niya ang babaeng pinaka importante sa buhay niya. Si Ae. Mahimbing itong natutulog sa gilid niya. "Ae..." Mahinang pag-tawag niya rito. Medyo naalimpungatan pa ito at'saka nag-angat ng tingin. "Krin! God! You're awake!" Masayang sabi nito at saka siya nito niyakap ng mahigpit. Tumaas ang gilid ng labi niya. "Are you okay? Wala bang masakit sa katawan mo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay na ako." Sabi niya at'saka ito binigyan ng ngiti. "Nasaan na yong babaeng palaging kalmado at cool na cool lang kahit anong mangyari?" Pang-aasar niya niya rito kahit na tuwang-tuwa siya dahil kahit papano ay nag-aalala ito sa kanya. "Hmp. Tch!" Pag-ismid nito at nagsalubong pa ang mga kilay nito. "Uy! Ae joke lang. Ito naman oh hindi na mabiro." Ngisi-ngising sabi nito sa kanya. "Should I laugh right now?" Seryosong sabi nito. Sabi ko na nga na huwag itong aasarin eh. Saway niya sa sarili. "Ae? Pwede na ba akong lumabas dito?" Pag-iiba niya ng usapan. "Tch. Oo gusto mo ngayon na?." Panghahamon nito. "Eh. Wait lang! Kakagising ko pa nga lang eh." Nakangusong reklamo niya. "Yon naman pala eh. Weak talaga." Asar nito sa kanya. "Edi ikaw na ang malakas." Nakangiwing sabi niya kay Ae. "Pero di nga Krin. Akala ko talaga tigok ka na. Sayang talaga no?" Patuloy na pang-iinis nito sa kanya. "Bahala ka nga diyan." Asar na niya rito at'saka siya nag-talukbong ng kumot. Hindi talaga siya manalo-nalo sa babaeng to eh. "Uy Krin joke lang. Tch!" Sabi nito at kinulbit-kulbit pa siya nito. "Should I laugh right now?" Panggagaya niya sa tono nito. Sumimangot lang ito at saka siya tiningnan nito nang masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD