SATURDAY ngayon kaya walang pasok. Kaka-discharge niya lang sa hospital nong isang araw. Medyo naghihilom na rin ang mga sugat at pasa niya. Salamat nalang sa nurse niya na si Ae. Hindi lubos naisip na ito pa mismo ang magbabatay sa kanta. Tingin niya kasi kay Ae ay walang kayang gawin kung hindi ay ang asarin siya nang asarin. Ang babaeng amasona ang nag-alaga sa kanya na siya ring kumupkop sa sa kanya.
"Krin? Magro-grocery ako. Sasama ka ba?" Tanong ni Ae sa kanya. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinarisan nito ng faded jeans. Naka-white converse shoes din ito. Nakakapagtakang mga branded ang mga gamit nito. Hindi nga niya alam kung may trabaho ba ito o wala.
"Oo naman. Baka mapaano ka pa. Magbibihi lang ako." Agarang sabi niya rito.
"Tch. Wala ka ngang nagawa nang masuntok ako 'e." Pang-aasar nito sa kanya.
"Ae." Tawag niya sa pangalan nito at'saka niya ito tiningnan nang masama. Oo nga at hindi siya marunong makipag-basag ulo. Pero kaya naman niyang makipag-p*****n para lang dito.
"Oo na. Magbihis ka na nga." Utos nito sa kanya at saka ito nag-iwas ng tingin.
"Hintayin mo ako rito. Huwag kang magtatangkang lumabas ng bahay nang nag-iisa." Pagbabata niya rito at saka niya ito iniwan at nang makapag-bihis na siya.
Nagsuot lang siya ng itim na T-shirt at faded jeans. Nagsuot na rin siya ng sapatos. Inayos niya nang kaunti ang buhok niya at saka lumabas na ng kwarto. Gwapo na naman siya kaya hindi na nangangailangan ng pag-aayos.
Nakita niya sa sala si Ae na tila may malalim na iniisip. Nakunot ang noo nito at nakakuyom ang mga kamao. Parang handa na itong pumatay ano mang oras.
"Ae, tara na." Tawag pansin niya rito. Kumurap-kurap muna ito bago tumango.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya rito.
"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging maayos di'ba?" Masama ang tinging tanong nito sa kanya. Tch. High blood talaga ito pagdating sa kanya.
"Sabi ko nga." Sabi nalang niya.
Nauna na itong lumabas ng bahay. Sinundan na niya ito. Nakita niya itong tumigil sa gilid ng big bike nito at'saka ito sumakay.
"Sakay na." Sabi pa nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi ay ang umangkas sa likuran nito at hawakan ito sa bewang. Tae. Agad na uminit ang mukha niya at tenga nang maramdaman niya ang katawan nito.
Tae! Krin, kailan ka pa naging manyak?! Kastigo niya sa kanyang sarili.
"Bakit mo nga pala naisipang mag-grocery ngayon?" Maya maya pa ay tanong niya nang mamayani na ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Wala ng laman ang ref. Alangan namang ikaw ang kainin ko. May taste naman ako." Masungit na sabi nito. Bahagya pa siyang napangiwi sa sinabi nitong may taste ito. Tae. Sa gwapo niyang to? Marami sa paaralan nila ang ay crush sa kanya. Kaya paano nito nasabing hindi siya kaakit-akit? Tch.
Hindi nalang siya nag-komento sa sinabi nito. Baka totohanin pa nito ang sinabing ihuhulog siya nito. Mabawasan pa ang mga gwapong katulad niya. Endangered specie na ang kagaya niya sa mga panahong ito.
"Natahimik ka?" Nag-aasar ang tonong tanong nito sa kanya.
"Tch. Natatakot akong naka totohanin mo ang banta mo sa akin noong nakaraang araw na ilalaglag mo ako. Delikado na. Mabawasan pa ang mga poging gaya ko sa mundong ito. Endangered species pa naman ang mga kagaya ko." Mahabang lintanya niya rito.
"Yes, you're right. A guy like you should be treasured."
His face instantly lit up up when she said those words. Agad siyang napangisi nang malawak. Napasuntok pa siya sa hangin dahil sa saya.
"Because as they said. Monkeys are one of those endangered species at this times." Patuloy na pagsasalita nito.
Agad na bumagsak ang mga balikat niya. Ano pa ba ang aasahan niya? Na pupurihin siya ng isang babaeng nagngangalang Aeden? Isa itong kahangalan. Bakit pa nga ba siya umasa na mangyayari ang bagay na iyon?
Natawa siya ng pagak. Tae tong babaeng to. Napakalaking paasa.
Hindi na siya umimik hanggang sa iparada na nito ang bigbike sa isang parking lot na nasa tapat ng isang Mall.
Bumaba na siya at nauuna nang maglakad papasok ng mall. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Walang lingon likod siyang pumasok ng mall.
Ngunit agad din siyang napatigil sa paglalakad nang mapansin niyang hindi sumunod si Ae sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran at agad na kumunot ang noo niya nang makita niyang hindi nga ito sumunod sa kanya sa loob.
Napakamot siya ng ulo at agad na naglakad palabas ng mall. Nagtagis ang bagang niya nang makita si Ae na pinapalibutan ng limang lalaki.
Agad siyang naglakad palapit sa mga ito.
"Miss, number mo lang naman ang hinihingi namin." Pamimilit ng isa sa mga ito.
"Ang damot mo Miss beautiful." Komento naman ng nasa likuran.
"Dali na Miss." Nababagot na sabi ng isa.
"Miss ang cool mo pa naman. Sayang ang ganda mo kung hindi mapapakinabangan."
"Back off. Leave my girlfriend alone or else I'll burry the four of you six feet from the ground." Madiing banta niya sa mga ito at saka niya tiningnan ang mga ito ng masama. Marahan niyang inabot ang kamay ni Ae at hinila ito paalis sa lugar na iyon.
"Bakit hindi ka sumunod agad? Ayan tuloy. May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ito sumagot at sa halip ay tinitigan lang siya nito.
"Ae? Sagutin mo nga ako. Hindi yong ipinagmumukha mo akong tanga rito." Naasar na sabi niya rito nang hindi pa rin ito umimik.
"Paano kita sasagutin 'e sa hindi ka naman nanliligaw?" Pilosopong sabi nito at saka siya nito iniwan. Laglag ang pangang sinundan niya ito ng tingin. What the f**k?!
"Ae!" Sigaw niya sa pangalan nito habang hinahabol niya ito. Nakasakay na ito ng escalator at hindi man lang siya nito nilingon.
"Ae naman!" Inis na sabi niya habang sinisiksik niya ang sarili sa kumpolang mga kababaihan na nasa unahan niya.
"Ay! Ang gwapo!" The girl beside him squealed.
Wala sa sariling napangiwi siya nang hagurin siya ng mga ito nang tingin.
"Excuse me Miss. Paraan lang. Nasa unahan na kasi yong girlfriend ko. Baka mag-tampo pa yon sa akin." Sabi niya sabay alis niya sa tabi ng mga ito.
Nagmamadaling nilakad niya ang escalator kahit umaandar naman ito.
"Ae." Tawag niya ulit dito. Ngunit nanlumo siya nang hindi siya nito pansinin.
"Gwapo sana. FC nga lang." Komento ng babaeng nasa gilid nila.
"Hindi pala kilala 'e. Baka naman stalker? Kaso ang gwapo naman para maging stalker." Narinig niya pang komento ng kasama nito.
"Kung ako sana ang pinansin niyan ay tiyak na hindi ko yan e-isnobin."
"Sorry po mga ateng. Nagtatampo lang po sa akin ang girlfriend ko kaya hindi niya ako pinapansin. Di'ba My?" Sabi niya sa mga ito sabay akbay kay Ae. Hindi pa siya nakuntento at kinurot niya pa ang pisngi nito. "Ang cute talaga ng girlfriend ko." Nanggigigil na sabi niya.
"Girlfriend naman pala 'e." Komento ulit ng isa.
"Ang cute nilang mag-LQ." Kinikilig n sabi nong babaeng naka-red.
"Sana ganyan din ka-gwapo yong boyfriend ko." The girl in their right side said dreamily. Tiningnan pa siya nito nang malagkit.
Nagulat pa siya nang may marahas na humatak sa kanya paliko. Si Ae pala. Hawak hawak pa nito ang kamay niya.
Bumaling muna ito sa babae at saka ito nagsalita.
"You better take a sleep first so that you can dream." Nakataas ang kilay na sabi nito sa babae at saka siya nito tuluyang hinatak.
Hinayaan na lang niya itong hatakin siya. Damn! How he love the feelings being held by her. s**t! Nakakabaklang pakinggan pero ang lakas lang talaga ng t***k ng puso niya sa mga oras na ito. Tae.
"Ae?" Tawag niya rito.
"Oh?" Sagot nito.
"Nagseselos ka ba?" Nang-aasar na tanong niya rito.
"Hindi." Prangkang sagot nito dahilan para mapailing siya.
"Okay lang na maki-uso ka. Total ay uso naman ang mga taong in-denial sa mga panahong ito." Nakangising sabi niya rito.
Huminto ito sa paglalakad at saka siya nito hinarap.
"Hindi nga sabi." Madilim ang mukhang sabi nito sa kanya.
"Sabi ko nga 'e." Pagsuko niya rito. Palagi naman.
"Tara na. Bibili pa tayo ng mga canned goods at cold cuts." Sabi nito at saka siya nito hinatak sa meat section.
Kumuha siya ng cart at hinayaang na niyang ito ang mamili ng mga bibilhin nila. Nakasunod lang siya rito habang tulak-tulak niya ang cart.
"Krin? Pork or beef?" Tanong nito sa kanya. "Or chicken?"
"Why do I have to choose between the three if I can have it all?" Masungit na sabi niya rito.
"Tch."
Kumuha ito ng pork, beef at chicken na sinasabi nito. Lihim siyang napangisi dahil sa ginawa nito.
"How about... hotdogs? Nuggets and ham?" Tanong ulit nito sa kanya.
"Naghihimala na ba ngayon?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Paano mo naman nasabi yan?" Kunot ang noong tanong nito sa kanya.
"First time mo akong tanungin kung ano ang gusto ko." Pag-amin niya rito.
"Ikaw ang magbabayad nito kaya tinatanong kita." Masungit na sabi nito sa kanya.
Napamulagat siya sa sinabi nito.
"Seryoso?! Kaka-discharge ko lang kaya wala akong sweldo!" Nanlalaki ang mga matang sabi niya rito.
"Chill. Joke lang." Matawa-tawang sabi nito.
"Joke? Big word!" Naasar na sabi niya rito at saka padabog niya itong iniwan.
Busangot ang mukhang naglakad siya paputang stall ng ice cream. Taeng babaeng yon. Ang hilig talagang mang-asar. Kung hindi niya lang talaga mahal ang babaeng yon ay matagal na niya itong iniwang nag-iisa at hindi dalawa.
Bumili siya ng ice cream na nasa cone. Akmang kakainin na niya sana ito nang may makita siyang batang umiiyak. Nasa gilid niya ito. Naka-pink na dress ito at may headband na malaking rebbon. May dala dala rin itong laruan na bunny.
Nilapitan niya ito at saka siya lumuhod sa harap nito.
"Hush, Baby. Where's your mommy?" Marahang tanong niya rito. Pinahit niya ang luha nito at hinawi ang bangs nitong nakatabon sa mga mata nito. Mukhang nasa three years old pa ito.
"M-moma!" Sa halip na sagutin siya nito ay bigla nalang itong pumalahaw ng iyak.
"Here." Sabi niya at binigay dito ang hawak niyang ice cream at saka niya ito binuhat.
"Baby, don't cry na." Pagpapatahan niya sa bata.
Sa wakas ay tumigil na ito sa pag-iyak. Dinilaan nito ang hawak na ice cream at saka ito malapad na ngumiti.
"Num. Ish cream." Masayang sabi nito at pumalakpak pa.
"Inasar lang kita ay naghanap ka na ng iba at nagka-anak pa? Wow!" Nang-aasar ang tonong sabi ni Ae sa kanya. Nasa harapan niya ito at madilim ang mukhang nakatingin sa kanya.
"Hindi kita ipinagpalit kung yan ang iniisip mo. Nawawala lang tong batang to kaya sinamahan ko muna." Sabi niya rito. Hindi niya alam kung ano ang trip niya Ae at umaakto itong nag-seselos at parang girlfriend niya.
"Hi baby." Her face softened when she face the kid.
"Noona." Bulol na tawag nito kay Ae. Kumunot ang noo niya. Noona? Ano yon?
"Baby, it's unnie. Un-nie" Pagka-usap nito sa bata.
"Noo-na." Nakangiting sabi ng batang karga-karga niya.
"Unnie." Pagtatama ni Ae sa bata.
"Noona." The girl insisted. Napa-face palm siya habang pinapanood ang dalawa.
"Geeez! Ayaw ko na." Sumusukong sabi ni Ae.
"Noona!" Masayang tawag ng bata kay Ae.
"Baby, what's your name?" Tanong niya rito.
"Lee Mashey Park" Bulol na sagot nito.
"Baby Lee? Where's your mommy?" Tanong naman ni Ae.
"Moma!" Masayang sabi ni baby Lee sabay turo sa bandang likuran niya.
Nakita niya pa kung paano kumunot ang noo ni Ae.
Tiningnan niya ang tinuro ni baby Lee.
Humahangos at namumutlang si Seira ang nakita niya. Agad itong mas namutla nang makita sila.
Dali dali nitong kinuha mula sa braso niya ang bata at'saka itong walang salitang iniwan sila. Laglag ang pangang binalingan niya si Ae. Nakahalukipkip lang ito at masama ang tingin kanya.
"Great! Sa lahat ng batang pwede mong makita ay anak pa talaga ni Seira? Tch." Paninisi nito sa kanya at saka siya nito tinalikuran.
"Ae! Hindi ko naman sinasadya. At'saka malay ko bang anak pala yon ni Seira." Paliwanang niya rito.
Sinabayan niya ito sa paglalakad.
"Edi nagkamalay ka na ngayon." Masungit na sabi nito.
"Sorry na nga."
"Uuwi na tayo." Pinal na sabi nito at'saka nito kinula ang isang plastik bag na nasa tabi.
NAKASIMANGOT na pinatay ni Krin ang TV. Nau-umay na siyang manood ng mga palabas sa TV na puro ka-mushyhan at ka-kornihan lang. Wala namang forever. Tch.
"Krin! May bibilhin lang ako ah?!" Paalam ni Ae.
"Geh. Samahan na kita!" Sabi niya sa rito.
"Geez! Wag na! Hindi naman siguro ako mawawala sa lugar na ito." Sarkastikong sabi nito.
"Sige. Mag-ingat ka ah." Paalala niya rito.
"Opo tay." Pang-aasar ulit nito. Hindi pa din ito nagbabago. Mapang-asar pa din.
Nagpunta siya sa kusina upang linisin ang mga kagamitang nagkalat. Ang kalat kasing mag-luto ni Ae. At tamad pa itong maglinis.
Napahinto siya sa paglilinis nang may kumatok sa pinto. Naisip niyang baka si Ae yon.
Pero bakit naman ito kakatok? Eh sa tuwing papasok nga yon ng bahay ay parang wawasakin na nito ang pintuan. Kakatok pa kaya? Pamimilosopo niya sa sarili.
Itinigil niya nalang ang ginagawa at tinungo ang front door ng bahay. Doon bumungad sa kanya ang mga men in black.
"Uhm... Ano po ang kailangan nila?" Magalang na tanong niya sa mga ito.
"Young master pinapa-uwi ka na po ni Madam." Sabi nong nasa unahan.
Teka? Anong young master? At sinong Madam ang sinasabi nila? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
"Anong ibig niyong sabihin?. Wala dito si Dao Ming Soo." Takang sabi sabi niya sa mga ito.
Dao Ming Zi– Soo ata yon? Ewan. Basta yong nasa boys over flower na laging pinapanood ni Lorie. Anak ng kapitbahay nila ni Ae.
"Young master Krin. Matagal ka na pong hinahanap ng mommy niyo." Doon niya na nabitawan ang hawak niyang panlinis.
Anong... anong ibig sabihin ng mga ito?