CHAPTER 5 DADDY

1986 Words
FORSYTHE At ngayon nga ay patuloy pa rin akong humihiling na makita muli si Clarence. Miss na miss ko na siya... gusto ko ng makakausap tungkol sa lahat ng bagay na pinagdadaanan at nararamdaman ko. I need a friend like him who wouldn't judge me. Natuon ang pansin ko sa babaeng maharot na sumasayaw sa dance floor at iilang lalaki na ang lumapit pero kapag binulungan na ng babae ay agad na nagsisitakbo. Madilim ang paligid at ang malikot na ilaw ay minsan lang kung tumama sa mukha niya. Pero sigurado akong siya rin 'yung babaeng nakita ko kanina dahil sa damit na suot niya. May bumubulong sa isip ko na kailangan kong lapitan ang babae, para akong nahihipnotismo sa presensya niya. Tumayo ako at pinatay ang sigarilyo ko'ng hindi ko namalayang maiksi na pala. Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya. Nang makitang parang mabubuwal siya ay agad ko siyang sinalo, I felt tingles all over at hindi ko alam kung sinapian ako bigla ni Conan kaya ginamit ko ang natural kong boses. Halos kilabutan ako sa sarili ko dahil parang ang landi ni Conan. Huling lumabas itong si Conan ay noon pang kasama ko si Gabby. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko kaya medyo nawala ang pagka-tense ko. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil isiniksik niya ang sarili sa leeg ko. Nagtataka na nga ako kung bakit hindi ako kinikilabutan sa paraan niya ng pagyakap, she felt familiar to me. Isa lang ang babaeng hindi ako kinikilabutan kapag lumalapit! There is this sensation I'm feeling while holding this woman, a kind of feeling that somewhere in my past there is this girl who gave her whole life to me... Love... I used to call Gabby 'love' whenever we made love... I decided to bring the woman out of the bar upang mahimasmasan ito, masyadong crowded sa loob at wala akong makitang kasama nito, hindu ko na rin mahanap si Dane dahil marami na talagang tao. Nang makarating sa labas ay isinandal ko ang babae sa hood ng kotse ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ang babaeng halos humiga na sa hood. "W-who-" "Call me Sky..." nakangisi niyang tugon at pumikit saka tumingala sa kalangitan. Sky? Skylar? So she uses her second name for her bar encounters? I felt a sudden irritation thinking that she went bar hopping and dance with different men. Itinanong niya ang pangalan ko at pilit na idinidilat ang mga mata ngunit malakas na ang tama ng alak sa katawan niya kaya hindi niya makilala ang baklang niloko niya noon. Tumikhim ako at nagpakilalang Con, mukhang hindi naaalala ng babaeng ito ang boses ko. Napatigil ako nang tumawa siya matapos sabihin na may anak na siya. Nakapag-asawa ulit ang babaeng ito? Eh bakit hinahayaan siya ng asawa niyang magpalaboy-laboy sa bar? Nasaan ang anak nito? Sa kaisipang iyon ay biglang may kumudlit sa puso ko... bakit parang masakit sa dibdib? Ano naman ang pakialam ko kung nakabuo na ng pamilya ang talipandas na ito? Dapat nga masaya ako dahil hindi na muling guguluhin ng babaeng ito ang buhay ko. Napamulagat ako nang sabihin niyang wala siyang asawa, proud niyang sinabi na isa siyang single mom. Naging sundalo siya sa US? So doon siya naglagi kaya nawala siya ng ilang taon? Kailan pa siya bumalik? Doon niya rin ba nakilala ang tatay ng anak niya? 'Masyado kang usisera Forth ano bang pake mo sa merlat na 'yan eh di ba sinira niya ang buhay mo?' Nagpaalam siya at tinawanan ang kamiserablehan ng buhay niya. She stood up but lost her balance so I'm glad I caught her on time. Binuhat ko siya at isinakay sa sasakyan ko. Napatingin ako sa kanya nang magbanggit siya ng pangalan. "Fiory anak..." Fiory? What a beautiful name, kamukha niya kaya ang anak niya? Ilang taon na kaya siya? Kung hindi ko kaya siya iniwan noon, may anak na rin kaya kami ngayon? "Ay ano ba naman Conan nakakadiri mga iniisip mo! Lason ang babaeng 'yan lason!" gigil kong pananaway sa sarili ko. Dinala ko siya sa Mirage Hotel sa Quezon City dahil hindi ko siya kayang ihatid sa mansyon nila sa Alabang. Nasa blacklist ang pangalan ko sa sundivision nila mula nang maghiwalay kami. Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil alam ko naman na may kasalanan kami sa isa't isa. Bukas ko na lang siguro siya ihahatid para kaya niya nang maglakad papasok sa kanila. Ngunit pagpasok pa lang sa loob ng hotel room ay agad na akong nilingkis ni Gabby, hawak ko siya sa bewang habang ang dalawang kamay niya ay nakapalibot sa leeg ko. Hinuli niya ang labi ko at humalik na parang wala nang bukas. Mukhang nangibabaw ang kaluluwa ni Conan dahil sa katagalan ay ako na mismo ang nagpalalim ng halik. Hinatak ko si Gabby na ngayon ay ipinalibot na sa bewang ko ang mga hita niya. Inalalayan ko iyon hanggang sa bumagsak kami sa kama. Ilang segundo lang ay pareho na kaming walang saplot, "Take me please... take me now..." she purred like a kitten and here I'am feeling like a lewd tiger ready to pounce at her and eat her whole. 'Conan lumayas ka sa katawan ko!' huling pigil ko sa isip ko ngunit sarado na yata ang isip ni Conan at nabulag na sa pangungulila kay Gabrielle kaya naman pinagbigyan nito ang hiling ng babaeng namumungay pa ang mga mata. And tonight, we've shared carnal acts not once nor twice... but five times! D*mn I thought I'd never like to taste this tahong ever! It was almost dawn when I stopped taking her, she's snoring lightly and wakes up every ten minutes but will end up sleeping again. It seems that she isn't used to drinking and... damn she shouted my name so many times that I forgot she have a daughter and a husband... I look at her as she sleeps soundly on my arms, I look up at the ceiling thinking what will happen next... Nang magising ako kinaumagahan ay tulog pa rin si Gabby, naligo muna ako at saka ko na siya gigisingin. Pero laking gulat ko nang makitang wala na siya sa kama at ang naiwan na lang ay ang wallet kong naka-angat ang ibang pera. Mabilis akong nagbihis at nagpatulong sa front desk. Hinanap ko siya sa lobby at sinabing hindi raw siya napansin ng mga staff, nang icheck ang CCTV ng hotel ay nakita si Gabby na lumabas sa fire exit at sa back door dumaan, doon na rin siya sumakay ng taxi. Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaalamang mukhang maayos na siya at walang hang-over. Pagbalik ko sa hotel suite na kinuha ko para sa amin ay nakita ko sa kama ang nakabukas na wallet ko at tumabad sa akin ang picture namin ni Clarence noong nasa PMA pa kami. Nakayakap siya sa akin mula sa likod habang hawak ko ang mga braso, si Dane ang kumuha ng litratong ito. "Did she saw this kaya siya nagmadaling umalis?" pagkausap ko sa sarili. Nasa ganoon akong pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko at nakitang tinatawagan ako ni Dad. "Gabby is back," flat niyang sabi sa akin. Ganiyan na siya makipag-usap sa akin mula nang maghiwalay kami ni Gabby. Galit na galit siya nang sabihin ko sa kanyang may karelasyon akong lalaki at dapat kami ang magpapakasal pero niloko ako ni Gabrielle at pinalabas na may nangyari sa amin nang gabing nahuli kami ni Tito Galileo. Pinlano niya ang lahat ng iyon para lang pakasalan ko siya at ikulong sa pagsasamang ni minsan hindi ko pinangarap. "I know..." simpleng sagot ko. "You need to come at their home in Alabang, your Tito Galileo wants to talk to you. We want you to meet someone," narinig kong nagsalita si Mommy. Nang sabihin niya iyon ay binabaan niya agad ako ng tawag. Mukhang inagawan niya si Dad ng telepono. Kung galit ang Daddy ko ay mas galit si Mommy. Mula pa noon ay gustong-gusto na niya si Gabby para sa akin. Bukod daw kasi sa maganda at matalino ay mabait daw ito. 'May mabait bang handang magsinungaling at manloko para sa sariling interes?' bulong ng isip ko. 'Nagawa niya lang yun kasi mahal ka niya...' bulong ng kabilang bahagi ng utak ko. 'May ganun bang pagmamahal? Makasarili?' tamang chikahan ang braincells ko, puro mga marites! 'Pero aminin mo, naging masaya ka naman kahit papaano 'di ba? Nakalimutan mo nga na tahong ang kinakain mo bekla!' Inalog-alog ko ang ulo ko, "Shuta kinikilabutan ako sa sinasabi ng isip ko! Erase! Erase! Wala akong naaalala Conan tumigil ka na!" halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Napabuntong-hininga na lang ako. "What should I do now? Sino naman ang ipapakilala nila sa'kin?" Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at palabas na ng suite nang makita ko ang isang kwintas sa tokador, Fiorella 'yan ang nakasulat sa pendant ng kwintas na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Pangalan ito ng anak ni Gabby, ibinulsa ko ang kuwintas at ibibigay ko sa mga magulang niya mamaya. GABRIELLE "Hoy babae saan ka nagpunta kagabi? Nag CR lang ako paglabas ko wala ka na. Nag-alala kaming tatlo sa'yo!" nandito ako sa kwarto namin ni Fiory at nagbibihis. Kausap ko ngayon via video call si Khae at pinagagalitan ako dahil inabot sila ng madaling araw kakahanap sa akin. Ni hindi ko rin daw sinasagot ang telepono ko, nang maisip na baka umuwi akong mag-isa ay nagsiuwi na rin sila. At eto nga, sa lakas ng hang-over ko at pananakit ng katawan ay nagdesisyon na akong hindi pumasok at samahan si Fiory maghapon. Alam kong nasa ibaba pa ang mga in-laws ko kaya naman hindi ako bumababa. Malamang ay binisita nila si Fiory, tinatawag ako ng Mama kanina pero sinabi kong masakit ang ulo ko kaya iidlip muna ako, hindi na rin naman niya ako pinilit pa. "Ako pa ngayon ang sinisi mo eh iniwan ninyo akong mag-isa kagabi. Ayan tuloy may nakadagit sa'kin," ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan at napatitig sa kisame, pilit na hinahalukay sa isip ang mga mangyari at kung paano may nangyari sa amin ng estrangherong iyon! "OMG!" kitang-kita ko ang pagtakip niya ng bibig at panlalaki ng mga mata sa sinabi ko, "So you mean?" hindi niya na kailangan pang ituloy ang tanong dahil naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin. "Oh shocks! So ano kamusta? Pogi ba? Daks? Sherep? Ano?" sunod-sunod na tanong ni Khae. Ang babaeng ito talaga walang filter ang bibig. Sasabihin kung anong gusto, siya kumbaga yung doktor na mahilig makipag-bardagulan pero magaling naman sa propesyon niya. "Di ko maalala eh. Lasing na lasing ako," maiksing paliwanag ko. "Ay ano ba yan! Akala ko pa naman maikukuwento mo kung paano nadiligan na yang bulaklak mo na yan! Aba ilang taon nang walang dilig yan, baka nga lanta na yan!" humahagalpak sa tawa niyang pang-aasar na ikinasimangot ko. "Wow! Nagsalita ang nadiligan na!" pangangantyaw ko dahil alam ko namang kahit walang filter ang bibig nito ay may pagka-conservative ito pagdating sa katawan niya. Ewan ko nga ba kung saan niya natututunan yung mga pinagsasabi niyang kabulastugan. Namula si Khae at maarteng inipit ang buhok aa tainga bago nahihiyang ngumiti sa akin. Teka- "Sh*t that was just a one-night stand! Mabilis ang mga pangyayari and the last thing I remember nakayakap na ako sa katawan niya!" walang abog na paliwanag ni Modern Maria Clara. "So you mean to say na hindi mo pinlano or what? Saan mo naman nakilala?" naninimbang kong tanong. "Tangerine..." tukoy niya sa bar na pinanggalingan namin kagabi. Nagkekwentuhan pa kami nang marinig ko ang pagtili ni Fiory sa garden. Mabilis akong nagpaalam kay Khaleila at sinilip si Fiory na naglalaro sa labas. Tumahip ng mabilis ang puso ko nang makita kung sino ang may buhat ngayon sa anak ko at ngayon ay nakatingin ng deretso sa mga mata ko. "Daddy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD