FORSYTHE
Si Clarence Villarama ay kaklase ko noon sa PMA. Misteryoso, matalino, makisig, at higit sa lahat… guwapo. Noong panahong nalilito pa ako sa orientation ko ay natuon sa kaniya ang atensyon ko.
Madalas kong makita na nakatingin siya sa akin at sa tuwing ngingiti siya ay pakiramdam ko may kahulugan iyon dahil minsan ay nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagbuti ang pag-aaral ko upang matupad ang pangarap ng mga magulang ko na maging sundalo ako.
Nang maka-graduate ay pumasok agad ako sa Armed Forces ng bansa kasama si Clarence maging ang matalik kong kaibigan na si Dane. Sa tagal ng panahon ay naging kasintahan ko si Clarence at noong nakaraan nga ay niyaya niya akong magpakasal sa ibang bansa kaya naman nagplano kaming dalawa ni Dane na pumunta sa isang bar.
Nasa Makati Pool Club kami at busy sa pag-inom at pagsayaw nang isang babae ang lumapit sa akin at inaya akong makipagsayaw.
Ayaw ko sana pero itong si Dane ay itinulak ako, kilala na din naman niya si Gabby dahil na rin madalas itong bumisita sa base namin sa Maynila at maghatid ng pagkain para sa lahat. Alam ko namang ginagawa niya iyon upang gawin akong Adan pero pucha ang puso ko eh EBA talaga! EVA! DARNA! GANORN!
Ipinakilala ko pa siya sa kaibigan ko na isa ring sundalo na si Howard pero wiz! In-elbow lang ni bakla!
Nagsayaw kami ngunit dumidistansya ako sa kanya dahil siya ay halos ingudngud na ang sarili sa katawan ko.
"Juskopo Diyosa ng Sang-kabadingan iligtas mo ako sa merlat na ito! Kinikilabutan ako!" pabulong kong usal habang magkasalikop ang mga kamay ko at nakatingin sa itaas. Kinikilabutan ako sa kaisipan na magkakalapit kami ng babaeng ito.
Hindi naman ako naririnig ni Gabby dahil malakas ang tugtog at busy siyang singhutin ang pabango ko na regalo pa sa'kin ng boyfriend ko.
Buti na lang at wala si Clarence dahil panigurado pagtatawanan nanaman ako no'n kapag nalamang may isa nanamang kalahi ni Eba ang sumusubok na akitin ang lamang dagat na tulad ko. Eeewww!
"Forth tara samahan mo ako sa bar shot muna tayo..." mukhang nakainom na ang babaeng ito dahil malakas na ang loob niyang magpacute sa akin, hindi tulad noon na panay beautiful eyes lang ang ginagawa niya na nagpapa-asim ng mukha ko.
Tumango na lamang ako at nagpahatak sa kanya, pagdating sa bar ay kumaway siya at naroon ang mga kaibigan niya na nakilala ko na rin noong nagpaparty sila sa Alabang dahil birthday ni Tito Galileo.
"OMG! Ang pogi mo talaga Forsythe! Sayang nga lang-" umpisa ng babaeng ang tanda ko ay Trinity ang pangalan.
"Shut up Trinity he is MINE," mabangis na saad ni Gabrielle na nakapagpalaki ng mga mata ko at ng mga kaibigan niya.
"Nako pasensya ka na rito sa kaibigan namin nakainom na kasi..." hahatakin na sana ni Khaleila si Gabby mula sa pagkakakapit sa akin ngunit ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay ng merlat na mukhang nalasing lalo sa ininom na vodka.
"Forth let’s do the couple tequila shot please..." she pleaded with her puppy eyes. Cute sana ang babaeng ito sa paningin ko kung hindi lang talaga niya balak na agawin ako kay Clarence.
"S-sure..." nakangiwi kong sagot. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya kaya medyo kinabahan ako. Mukhang may plano ang babaeng ito-
Hindi na natuloy ang anumang iniisip ko dahil inilagay niya na sa harap ko ang shot glass na may asin na sa paligid at shot ng tequila. Ipinaikot namin ang mga braso namin upang maglingkis at magmukhang couple.
"On the count of three sabay niyong iinumin yan ha! One... two... three..." pagkatapos magbilang ni Delphine ay dinilaan namin pareho ang gilid ng baso at inisang lagok namin ni Gabby ang tequila sabay sipsip ng lime na naka ready na sa gilid.
"Woah!" sabay naming sigaw ni Gabby at nag-apir pa kami.
Nakatatlong couple shot kami bago ko naramdaman ang pagkahilo. Parang umiikot ang paningin ko, nagdodoble na nga si Gabby sa paningin ko.
"Huy Gabby si Forth parang tinamaan na!" sa nagdedeliryo kong isip ay narinig kong sigaw ng isang kaibigan ng merlat na nilasing yata ako nang husto.
"N-no I'm not... I just need to sit," umupo ako at nagtulong-tulong ang apat dahil well, kahit naman isa akong mermaid eh malaking tao pa rin ako at bato-bato ang katawan ko. Ni hindi mo iisiping isa akong sirena dahil kapag tinignan ako ay mas iisipin mong ako si Poseidon.
"I think I need to bring you home. Tara girls tulungan ninyo ako," wika ni Gabby na kababakasan mo ng excitement na hindi ko alam kung para saan.
Nanlalambot na talaga ang mga tuhod ko kaya naman hindi na ako nagpapigil pa. Nawala na rin sa isip ko na kasama ko si Dane, bahala na ang beklang iyon, iniwan ako para sa lalaki kaya iiwan ko rin siya.
"S-sa B-brittany H-heights lang ako..." ani ko sa lasing na diwa. Nakarinig ako ng paghagikgik pero hindi ko na tinignan.
"Teka Forth ayusin ko lang yung upuan mo para makatulog ka ng maayos," umangat ako sandali upang maiayos ng kung sino ang recliner ng car seat.
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pinto, medyo nahihilo pa ako kaya naman hindi ko pa maidilat ang mga mata ko, "Sandali..." wika ko sa namamaos na boses.
Malamang si Clarence lang ito at nag-alala na hindi ako nagtext man lang o tumawag kung nasaan na ako.
Ganyan ka-sweet ang boyfriend ko, gusto niya alam niya kung nasaan ako para raw kapag may nangyari sa akin ay madali niya akong mahahanap.
Hawak ko ang sentido kong kumikirot habang napaupo ako sa kama, inilihis ko ng kaunti ang kumot na pink, pink? Paano naging pink 'to eh kahit bakla ako black ang natatandaan kong kulay ng kumot ko. Naramdaman kong may mainit na nakadagan sa binti ko, paglingon ko ay nanlaki ang mata ko nang makitang may babaeng nakahubad sa tabi ko.
Hindi ko napigilang sumigaw at itinakip sa katawan ko ang kumot dahil, OH MY GOSH MAY TAHONG! MAY TAHONG! I KENNAT MAKUNAT! BAKET? MAMAMATAY AKO! NALASON AKO NG TAHONG!
"Gabrielle! Buksan mo ang pintong ito! Gabrielle!" narinig kong sigaw mula sa labas ng pinto sabay ng pagkalabog dito. Nahihilo pa ako kaya hinamig ko muna ang sarili ko.
"H-hey... ang aga aga ang ingay naman," nabosesan ko ang babaeng sabog ang buhok ngayon at lalong idiniin ang mukha sa unan, mabuti at nakadapa matulog ang babae dahil kung hindi makakakita ako ng hindi kanais-nais na tanawin.
Ang kumot na nakatakip sa katawan nito ay abot hanggang sa kalahati ng likod nito. Tinabig ko ang hita niyang naka-angkla sa binti ko.
Tatayo na sana ako nang biglang pabalyang bumukas ang pintuan ng kwarto.
"Oh my God!" sigaw ni tita Sienna at nagmadaling tumalikod mula sa amin. Mas lalo ko'ng itinakip sa katawan ko ang kumot, kung pwede lang bumuka ang lupa ay nagpakain na ako rito para hindi ko na makita ang hindi maipintang mukha ni tito Galileo.
"What is the meaning of this Forsythe?" dumagundong sa buong kabahayan ang mala-tigreng sigaw ni tito Galileo na agad ding nagpagising sa merlat na katabi ko.
Kung kanina ay prente itong natutulog, ngayon ay nanlaki ang mga mata nito habang takot na nakatingin sa kanyang ama.
"Hindi ko uulitin ang tanong ko Aragon..." mas kalmado na siya ngayon pero kababakasan mo pa din ng panganib ang boses niya.
"D-dad I can explain-" sinubukan ni Gabby na magpaliwanag ngunit hindi siya pinatapos ni Tito Galileo at muling tumingin sa akin.
"I don't think I need any explanation. Call your father Forsythe, we'll set your wedding soon!" matigas na turan nito na nagbigay ng lamig sa buong pagkatao ko.
"Fvck!" hindi ko napigilang mapamura sa napasukan kong gulo. Naibaling ko ang tingin ko sa babaeng ngayon ay may maliit na ngiti sa labi. Nag-init ang ulo ko dahil pakiramdam ko naisahan ako ng babaeng ito.
"This all your fault Gabrielle! Look what you've done!" nasubunutan ko ang sarili ko at hindi alam kung ano ang gagawin, "This is not happening! No! Ikakasal na kami! No! Oh sh*t Clarence! I need to call him..." tumayo ako at hinanap ang cellphone ko.
Nang makita ang cellphone ko sa tokador ay mabilis ko itong dinampot at tinawagan si Clarence. Tiyak nag-aalala na ito sa akin ngayon. Nagriring na ito, akmang itatapat ko sa tenga ang telepono nang magsalita si Gabby.
"Whether you like it or not we're getting married Forsythe. Ako na ang pakakasalan mo at hindi ang kahit na sino. My Dad will not take this lightly so just obey him. Why, didn't you enjoy last night?" nababasa ko ang determinasyon sa mga mata niya, gusto ko siyang bugbugin ngayon. Kung hindi lang siya babae malamang ay kanina pa nakahandusay ito.
"Damn you! Nothing happened between us! I know it!" ganting sigaw ko sa kanya ngunit tinaasan lamang ako nito ng kilay.
"Says who?" gumilid ito at ipinakita ang kamang may bakas ng dugo.
"Oh God..." napahawak ako sa ulo ko at minasahe iyon.
"I might be pregnant Forth and you need to take responsibility of your actions!" she uttered with so much venom.
Nabitawan ko ang cellphone ko at mabilis na lumapit sa kanya, not caring my whole body is exposed in her eyes. Tutal may nangyari na pala sa amin kaya okay lang makita niya ang kahubdan ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang mukha niya at inilapit sa akin. "If this is your plan, then be ready. I'll make your life a living hell Gabrielle Subido..."
Pabalya kong binitawan ang mukha niya at dinampot isa isa ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
Naitakda agad ang kasal namin dalawang linggo pagkatapos kaming 'mahuli' ng mga magulang ni Gabby.
Dalawang linggo na ring hindi ko makontak o mahanap man lang si Clarence. Nang tawagan ko siya nang araw na iyon ay nagconnect pala ang tawag at narinig niya lahat ng pinag-usapan namin.
He broke up with me dammit! I saw how hurt he was when we met that same day. I begged for him to stay ngunit hindi siya nakinig.
Hindi niya raw alam kung kaya niya pa akong tanggapin agad dahil sa mga nangyari. Ni hindi namin naipaglaban ang isa't isa dahil takot kami pareho sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot kaming matanggal sa serbisyo at mapahiya ang mga magulang namin.
Kaya kahit masakit ay binitawan namin ang isa't isa, pero hindi ko kayang wala siya kaya ang sabi ko ay manatili pa rin kaming magkaibigan. Ngunit hindi siya tumupad at bigla siyang nawala.
Garden wedding ang nangyari at kaunti lamang ang imbitado. Itinira ko si Gabrielle sa condo ko sa Taguig at doon ay pinarusahan ko siya hanggang sa siya na mismo ang umayaw at lumayo, pero matibay ang babaeng iyon at hindi bumibitaw.
Nang malaman kong hindi ko siya nagalaw nang mahuli kami ng mga magulang niya ay gusto ko siyang saktan.
Naglasing ako nang gabing iyon at ilang araw na hindi umuwi. Nang malaman ko mula kay Dane na nagresign si Clarence ay pinuntahan ko ito sa apartment nito sa Quezon City ngunit hindi ko na siya inabutan. Ang sabi ng kapitbahay ay mukhang umalis na dahil dala umano ang maleta nito.
Pumunta din ako sa bahay nila sa Rizal ngunit wala rin ito roon sabi ng kapatid niya na inabutan ko.
Sa sobrang galit ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay binuhos ko ang frustrations ko kay Gabby.
Hindi ko siya sinasaktan, nasasarapan pa nga siya ngunit pagkatapos nun ay iniwan ko siya. 'Yun ang huling parusa na iginawad ko sa kanya sa paninira ng relasyon ko sa lalaking mahal na mahal ko.
Nag-file ako ng annulment lalo na at wala pa naman kaming limang buwan na nagsasama. Nagmakaawa siya sa akin pati ang mga magulang niya pero wala silang nahita sa akin.
Nang maibaba ang hatol ay umalis ako para hanapin si Clarence. Bigo akong makita siya kahit halos nalibot ko na ang mundo.
Bumalik ako sa serbisyo pagkatapos kong mag-file ng indefinite leave. Wala na rin akong balita kung ano na ang nangyari kay Gabby. Ang huling narinig ko ay umalis ito patungong ibang bansa para mag-aral muli ng medisina.
Hindi na bumalik pa sa dati ang samahan naming mag-anak dahil sumama ang loob sa akin ni Daddy. Akala nila ni Mom ay magiging lalaki akong muli sa pamamagitan ni Gabby.
I tried... God knows I tried pero hindi ko talaga kaya. Ang puso ko ay para kay Clarence lamang.
'Talaga nga ba Forsythe?' bulong ng isip ko.
Huminga ako ng malalim at napatanaw sa malayo, oo at hinanap ko si Clarence ngunit... hinahanap ko rin si Gabrielle.