CHAPTER 3 WRONG TIMING

1622 Words
GABRIELLE Muntik akong matumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko gawa ng mapanghalinang boses ng estranghero. "Be careful love, come here I'll hold you," inilgay niya ang braso ko sa leeg niya upang maalalayan ako. Malabo na pati pandinig ko dahil yung huling salita na lang ang narinig ko, "Sinabi ko na ngang hindi ako si Love eh!" napayuko ako habang sinasabi iyon sa kanya. Inaantok ako at parang gusto ko'ng humiga na dito sa hood ng sasakyan na pinaghintuan namin. "You are still Love for me..." aniya sa mabining tinig. "Stop flirting with me Mr. Stranger, I have a daughter already," I chuckled and look at the sky again and breath. "My friends brought me here to find a Daddy for her... funny isn't it? I have a daughter but I don't have a husband," I laughed at myself. I don't care if this guy leaves me here now and runaway from a single mom like me. "Y-you have a daughter?" nauutal na sabi ng lalaking kausap ko. Habang tumatagal parang nagiging pamilyar ang boses niya, at habang tumatagal palambot din ng palambot ang pananalita niya. Nawawala ang makalaglag panty niyang tinig at napapalitan ng malamyos at malambing na pananalita. Tumango lang ako sa tanong niya, "She's my treasure, I left my post in the US Navy to be with her. I can't let her grow up without a mother. She already lost her dad, she can’t loose me too..." I said emotionally. I wiped the tears that escaped my eyes without permission, I chuckled softly. "Gosh I'm sorry for bothering you with my boring life. Anyway it's nice to meet you... and thank you for wasting your time talking to a worthless person like me," I said while standing up and started to walk, but due to my low alcohol tolerance I started to sway. When I thought I'd fall on the ground, a muscled arm caught me before I fall. "Careful love, ihahatid na kita..." ang lalaki muli ang nagsalita at inalalayan ako. 'Yun ang huling naalala ko bago dumilim ang lahat sa akin. Nagising ako nang makarinig ng lagaslas ng tubig. Mukhang maagang nagising si Fiory at inaasikaso na ng yaya niya at ng mama. I tried to sit in my bed and tried to recall what happened last night. Me dancing with my friends until I was left alone, and then a man came and talked to me, he said he'll bring me home but- "Oh my fvcking sh*t!" iginala ko ang paningin at narealize ko'ng hindi ko kwarto ito! Napatingin ako sa pintuan na pinanggagalingan ng lagaslas ng tubig. Nanlaki ang mata ko nang maisip na isinama ako ng lalaki kagabi sa hotel! Oh sh*t Gabrielle you're doomed! Sinilip ko ang ilalim ng kumot at nanghilakbot ako nang makitang wala akong saplot sa ilalim no'n, "Welcome fvcking back Gabby!" tuya ko sa sarili at dinampot ang nagkalat ko'ng mga damit sa sahig. Dali-dali kong isinuot ang stilleto ko at hinanap ang bag ko, ngunit mukhang naiwan sa bar ang bag ko! Nakakita ako ng wallet sa tokador kaya dinampot ko iyon at kumuha ng isang libo para pamasahe ko pauwi. "Pasensya ka na kung kukupitan kita ah, pag nakita mo 'ko ulit singilin mo na lang ako..." bulong ko habang ibinabalik ang ilang lilibuhin sa pitaka, umaasam na marinig ako ng kasama ko sa kwartong ito. Nang tumigil ang pagtulo ng tubig sa banyo ay parang tumigil din ang mundo ko. Inilapag ko na lang basta ang wallet at nagtatakbo na palabas ng hotel room. Hinanap ko ang fire exit at doon ako dumaan. A morning after walk of shame! The guy can't see me, this is so embarassing! Bakit ba kasi ako iniwan ng mga kaibigan ko? Gusto ko silang ibitin patiwarik kapag nakita ko sila! Nang makarating sa ibaba ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid na sa bahay namin sa Alabang. Tinanong ko ang sinakyan kong taxi kung nasaan kami at nagulat ako nang sabihin niyang nasa Quezon City kami. Paano ako nakarating sa lugar na iyon? How did I let my guard down that easily? I’m a fvcking assassin and I got laid without me remembering! Pagkarating sa mansyon ay nagulat si kuya Lando sa itsura ko, alam kong mukha akong nakipagrambulan sa bar dahil sa gulo ng buhok ko at damit kong basta ko na lang isinuot. Alam kong natakot din ang driver kanina ngunit nang sabihin ko kung saan ang tungo ko ay nakampante naman siya. "M-mam Gabby si Gen-" salubong sa akin ni kuya lando ngunit agad ko siyang tinanguan at pinatigil. "Ako na ang bahala kay Papa," wika ko at nagtatakbo na ako papasok ng mansyon bitbit ang stilleto ko. Kailangan kong tumawag sa ospital na hindi ako makakapasok kaya naman nagmadali ako. Sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang sasakyan na nakaparada sa driveway at diretso na sana ako paakyat ng hagdan nang makarinig ng mga nag-uusap. Huli na para makapagtago dahil nakita na ako ng mga taong hindi ko inaasahang makita ngayon. "Gabrielle?!" "Gabby?" Sabay sabay na wika ng mga magulang ko at ng former in-laws ko. Muntik nang himatayin si Mama nang makita ang itsura ko kaya naman hindi ko na sila hinintay pang mag-react at tumakbo na ako paakyat sa kwarto namin ni Fiory. Sobrang bilis ng rigodon ng puso ko. Bukod sa nagmamadali ako ay ang makita ang mga in-laws ko ang isa sa mga hindi ko hinangad na mangyari ngayon. Wrong timing. *** FORSYTHE "Hoy Forth bakit parang tulala ka riyan?" napalingon ako sa nagtanong na si Dane. Kasamahan ko siya sa AFP at isa rin siyang katulad ko, gay. Muli ay naglikot ang mga mata ko para hanapin ang nakita kong babae kanina na nagsasayaw at halatang lasing na. Something is bothering me, when my eyes laid on that woman parang kumalabog ng mabilis ang baklang puso ko. Kinilabutan ako sa isiping nalalason nanaman ako dahil sa babae. "Huy bekla ano na hindi ka na sumagot? Siguro may nakita kang boylet na ayaw mong i-share sa'kin 'no?!" masungit na sita ni Dane pero pabulong lang dahil pinaliit niyang muli ang boses niya para makahatak daw siya ng Fafa. "Hindi may nakita akong babae kasi-" subok ko'ng paliwanag ngunit masyadong OA ang isang ito kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko. Napasinghap siya habang nakahawak sa dibdib ang kaliwang kamay at nakatakip naman sa bibig ang kanan, halos lumuwa din ang mata niya sa narinig na sinabi ko. "Ang O.A mo Dane. Nakita ko lang 'yon, para kasing wasted na. I don't like women," pairap ko'ng tugon at sinimsim ang alak na iniinom ko. "Luh? Eh noon tumikim ka! Eeewww kinikilabutan akong isipin na titikim ako ng tahong, malalason ako Forth!"nangisay-ngisay pa ang bakla at kunwaring nasusuka. "Aalis na nga lang ako at hahanap ng boylet na maiuuwi! Ikaw ba?" napahinto siya nang lumamlam ang mata ko, may alaalang pilit na sumisiksik sa isip ko ngayon dahil sa sinabi ni Dane. "Ay joke! Alam ko namang loyal ka sa ex-jowa mong masarap papakin! Sabi mo nga 'di ba, 'kay Clarence lang lalandi'. Osige na bekla rarampa muna ako," tumalilis na siya at hindi na ako nilingon. Alam niyang sensitive topic para sa akin si Clarence pero ang bibig talaga ng baklang iyon. Umiling lang ako at sumimsim ulit ng alak. Tumayo na siya at pumagitna na sa dance floor. Sa unang tingin ay masasabi mo agad na 'POGI' si Dane dahil mestiso, matangkad, at maganda ang katawan. Ngunit kapag nagsalita na ito ay malambot na at samahan pa ng kilay na laging nakatikwas. Tago ang pagiging homosexual namin sa aming trabaho, mahirap na at baka ma-bully lang kami ng mga kasamahan na karamihan ay mga homophobes. Hindi kami ladlad kaya sa harap ng iba ay matikas at matipuno kami, ang hirap magpanggap pero kailangan dahil tanggap man ang mga katulad namin sa lipunan, hindi pa din maikakaila na ang mga tulad namin ay hindi pa totoong niyayakap sa mundong ginagalawan namin. Nagsindi ako ng sigarilyo at tumingin-tingin lang sa paligid. Narinig ko ang pangalan ng babaeng lumason sa akin noon kaya naging malikot ang tingin ko at hinanap ang pinanggalingan ng sumigaw kanina. 'Baka kapangalan lang bekla... Bakit mo ba hinahanap? Pagkatapos mong elbowin noon, ngayon hinahanap mo?' pang-aasar ng isip ko. 'Sira gusto ko lang namang makita kung siya talaga!' pagtatanggol ko naman sa sarili ko. 'Nako, bakit bekla namimiss mo ba?' muling susol ng kabilang bahagi ng isip ko. 'No! Never!' 'Asus... pero hanggang ngayon inililibot ang mata baka makita niya...' At muli ay nakipagtalo na ako sa sarili ko. Hindi ko rin sigurado ang nararamdaman ko nang marinig ko ang pangalan niya. Totoong iniwan ko siya noon kahit na kasal kami, yes madlang people... ang magandang tulad ko ay ikinasal sa hindi kagandahang tulad niya. Charot! Masyadong magulo at mabilis ang mga pangyayari noon kaya wala akong nagawa sa kagustuhan nina dad at tito Galileo na 'panagutan' ko raw ang 'nangyari' sa amin ni Gabrielle, anak ng bestfriend ni dad na si tito Galileo na matagal nang hinahabol ang nawawalang lalaking espiritu ko. Kapag naaalala ko ang masalimuot na buhay ko noon ay sumasakit ang ulo ko, at binibiyak ng paulit-ulit ang puso ko. Galit pa rin ako sa babaeng iyon dahil nawala ang pinakamamahal kong si Clarence dahil sa kanya. Ngunit... hindi ko rin maikakailang hinahanap ko ang babaeng iyon. Sa ilang buwan na nagsama kami ay napalapit na rin naman siya sa akin subalit mataas ang pride ko kaya kahit namimiss ko ang kakulitan niya ay pinigilan ko rin ang sarili ko na magtanong tungkol sa kanya. Napatulala ako sa kawalan at naalala ang matamis niyang ngiti na dati ay naghahatid ng kilabot sa akin... Gabby...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD