GABRIELLE
"Mommy let's eat! LolaMom cooks the best Spaghetti in the world!" pagbida ni Fiory sa spaghetti na kinakain niya nang makaupo ako sa tabi niya Natawa naman ako sa kadungisan ng anak ko at hinalikan ang ulo niya saka pinunasan ang mukha niyang puno na ng sauce ng spaghetti.
How time flies so fast, parang kailan lang ay buhat ko pa siya at ako mismo ang nagpapakain sa kaniya tuwing umuuwi ako upang magbakasyon.
"Yes baby! Lolamom also cooks the best Pastel in the world!" sagot ko naman sa kaniya na ikinatango niya lang dahil paborito niya ang chicken pastel ng mama.
"Kumain ka ng marami Gabrielle, tingnan mo nga 'yang mukha mo at lubog na. Ano bang ginagawa mo sa Amerika at parang wala kang oras para kumain? Baka naman tinitipid mo ang sarili mo do'n? Marami kang pera kaya bakit mo titipirin ang sarili mo? Hindi ka ba minaltrato ng mga kasama mo ro'n?" dire-diretsong tanong ni mama na ikinangiti ko.
"Calm down mama, kumakain po ako roon, sadyang naging busy lang po ako sa trabaho. Alam ninyo naman po puro mga barako ang kasama ko," I chuckled while explaining na ikinailing naman ni mama.
"Mommy did you meet with daddy there? Sabi po kasi ni Lolodad soldier din daw po si daddy..." inosenteng tanong ni Fiory na biglang ikinailap ng mga mata ko.
Kumabog ng mabilis ang puso ko sa tanong niya, paano ko ba sasabihin sa anak ko na iniwan kami ng ama niya para sumama sa taong mas mahal niya?
Na hindi talaga ako mahal ng daddy niya at nabuo siya dahil ipinilit ko ang sarili ko kay Forth, at nang gabing 'yon...
Hanggang ngayon minumulto ako ng huling beses na magkasama kami ni Forsythe.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, hanggat maaari ay ayoko ring magsinungaling pa sa kanya.
Alam kong sabik na sabik sa ama ang anak ko dahil sa tuwing nagvivideo call siya sa akin ay hinahanap niya ang daddy niya.
Ang sabi sa akin ng papa at tito Forrest ay nagsisilbi pa rin bilang sundalo si Forth, ngunit hindi ito aware sa existence ni Fiory dahil na rin sa kahilingan ko.
Si Ret. Admiral Forrest Aragon ay matalik na kaibigan ni papa noong nasa Navy pa sila. Magkasama sila noon sa naval base sa Cavite at pareho silang Lieutenant Commander nang magkakilala, pareho din silang binata at mga palikero ayon na rin sa kwento ni mama.
Parehong magaling at matikas kaya mabilis nilang naabot ang pagiging Commodore hanggang sa naging Admiral. Umalis lang sa serbisyo ang Papa dahil na din sa pakiusap ng Mama na mag-focus sa amin at sa negosyo.
Halos sabay lang din silang nakapag-asawa, nakilala ni papa ang mama noong dinala niya sa ospital si t**i Forrest dahil binugbog daw umano ng ex-girlfriend nito na isa ring sundalo mula sa Air Force dahil nahuling may ka-date na ibang babae.
Si Mama ang attending physician noon ni tito Forrest at agad namang na love at first sight ang Papa sa kanya. Kaya ang ama kong kaliwa't kanan ang babae noon ay nagstick na sa Mama ko at 'di na nilubayan ito kahit palaging pinatataboy ng Mama sa mga guwardiya ng ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila.
"Fiory do you want to go to the mall?" pagbasag ni Mama sa katahimikan. Nginitian niya ako at tumango, ipinahiwatig na siya na ang bahalang ilayo ang isip ng anak ko sa paghahanap sa ama niya.
"Yes Lolamom! Can we go to Festival Mall? I want to ride the train!" masayang sabi niya kay Mama.
Dumating si Papa at umupo sa pinakapuno ng pahabang mesa namin. Nasa magkabilang gilid kami ni Mama habang si Fiory ay katabi ko.
"Finish your food and we'll go there okay?" nakangiting sagot ni Papa kay Fiory na ngayon ay nagpasandok pa sa akin ng kanin at pastel.
"Kumain ka Gabby para magkalaman ka naman. Mas bagay sa'yo ang may laman kesa ganyan na payat ka," muli ay paninita ni Mama. Nagsandok na rin ako ng pagkain at natapos ang maganang tanghalian namin.
***
Katabi ko si Fiory sa higaan ngayon, alas -nueve pa lang ng gabi ngunit nakatulog na siya dahil na rin siguro sa pagod mula sa pag-gagala namin kanina sa mall. Bumawi ako sa mga oras na nawala ako sa piling niya.
Marahan kong hinahagod ang buhok niya habang naghu-hum ng lullaby. Halos isa't kalahating taon ako sa Amerika dahil sa trabaho ko, walang araw na hindi ko naisip ang anak ko dahil wala na nga siyang ama, pati ako ay wala rin sa tabi niya.
Mabuti na lang at matured mag-isip ang anak ko kaya naman okay lang sa kanya na sina Mama at Papa lang ang kasama.
Tinitigan ko ang mga kamay ko na inihahaplos sa mukha ni Fiory, ang mga kamay kong ilang buhay ang kinitil. Hindi bababa sa sampu ang dugong dumanak dahil sa mga kamay ko'ng ito…
Ang alam ng mga magulang ko ay panggagamot lang ang ginawa ko bilang sundalo sa US pero sumali ako sa Undercover Special Forces ng Navy at doon ay kung saan-saang bansa kami ipinadala na may giyera.
Hindi lang iisang beses nalagay sa alanganin ang buhay ko, patunay doon ang mga sugat at peklat na tinamo ko sa pakikipaglaban sa mga terorista.
Kung dati ay takot akong manakit kahit langaw, ngunit ngayon… bata, matanda, lalake o babae man ay hindi nakaligtas mula sa mga kamay ko.
Ang dating inosenteng si Gabrielle Skylar Manriquez Subido ay binansagang 'Terminator' ng secret force.
Hinamig ko ang sarili ko at inayos ang kumot ni Fiory hanggang sa leeg niya. Lumapit ako sa french doors ng kwarto at binuksan iyon upang lumabas sa balkonahe.
Kaunti lang ang bituin sa langit lalo na at nasa siyudad kami, isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko.
"Ayoko nang balikan ang buhay na iyon. Ikaw lang naman ang dahilan bakit pinasok ko ang pagsusundalo. Kailan ba kita makakalimutan? Turuan mo naman ako..." parang baliw na pagkausap ko sa mga bituin, "Naaalala mo pa ba ako Forth?"
At muli pinakawalan ko ang mga luhang gabi gabi ay kaulayaw ko bago matulog. Ilang taon na pero bakit ganon? Kahit hindi ako ang pinili, bakit mahal ko pa rin ang gag*ng bading na 'yon?
***
Maaga kaming nag-rounds ni Khaleila sa emergency ward ng ospital na ako rin mismo ang namamahala.
It's been two months magmula nang bumalik ako ng Pilipinas matapos akong mag-resign sa US Navy. Ngayon ay ako ang Head ng Emergency Department ng Manriquez Medical Center dito sa BGC.
Khaleila Garcia is one of the hospital's best ER doctor, matalik ko siyang kaibigan mula pa noong nasa Med School kami. She's 26 years old like me and she's still single, but not ready to mingle. Sabi niya kasi overqualified siya para maging girlfriend o asawa ng kahit sino. Mas gugustuhin niya pang matulog at kumain kaysa makipagbolahan at paulit-ulit na tanungin ng 'Kumain Ka Na Ba?' ng mga lalaking puro lang daw landi ang alam.
"So my dear Gabby you have plans tonight?" tanong ni Khae.
"Wala naman, bukas pa ang pangako ko kay Fiory na gagawan ko siya ng churros and magmo-movie night kami," mahaba kong paliwanag habang hinuhubad ang lab coat ko, "Why?" tanong ko.
"Nag-aaya kasi sina Trinity, mag-party naman daw tayo. Ang tagal mong nawala kaya malaki ang utang mo sa amin!" taas-kilay na sagot ni Khaleila sa akin na tinawanan ko lang.
"Saan daw ba?" inayos ko ang lamesa ko umupo sa swivel chair ko.
"Tangerine Club," nang banggitin niya ang bar na madalas naming puntahan noong college ay biglang nagliwanag ang mga mata ko.
"Game!"
***
Medyo crowded na ang Tangerine Club nang makarating kami. Sa dami ng tao pagpasok pa lang ay hindi iilang beses na natamaan kami ni Khae ng mga nagsasayawang patrons ng bar.
Pagdating sa 'secret spot' naming magkakaibigan ay nakita ko agad si Trinity at isa pang lokaret na kaibigan naming si Delphine na pinakatahimik ngunit makulit.
Pagkakita sa amin ay sabay silang tumayo at nagtatakbo palapit.
"Look who's here! Gabrielle Aragon in the flesh!" yayakapin niya sana ako pero pinanlakihan ko ng mata ang kaibigan ko'ng si Trinity Lam na isa ring doktor.
"It's Gabrielle Subido not Aragon!" pagtatama ko sa unang itinawag niya sa akin, "Hiwalay na kami ni Forth kaya Subido na ulit ang ginagamit ko," masungit ko'ng tugon saka sumalampak ng upo sa tabi nila.
"Whatever bish! I missed you!" at niyakap niya na ako nang tuluyan gayundin naman ako.
"Gabby we missed you so much,"mangiyak-ngiyak pang wika ni Delphine na ngayon ay isa nang Pedia at may sariling clinic sa mismong bahay nila.
"I missed you too Phine! Still a crybaby!" pang-aasar ko pa sa kanya na sinagot niya ng pag-nguso at kunwaring nagtatampo pero niyakap akong muli.
"Tama na ang drama let's have some fun!" hinatak na kami ni Khae sa lamesang madalas naming okupahin dito noon.
"For Gabby's homecoming!" sigaw ni Trinity sabay taas ng baso na may lamang rum coke.
"For Gabby's homecoming!" sabay sabay na chant ng tatlo at pinagtama ang mga baso namin.
Pag-inom ko ng tequila shot na nakalaan sa akin ay agad na kumalat ang init sa lalamunan at dibdib ko, sinipsip ko agad ang lime na nakahanda sa gilid ng shotglass.
"It's been a long time!" hiyaw ko at itinaas ang shotglass na tinungga ko. Nagtawanan kami at muli ay binigyan ako ng tequila shot.
Ilang taon daw akong hindi nakasama sa night out namin kaya bilang parusa ay puro tequila ang iinumin ko hanggang sa gumapang ako pauwi. Kahit kailan talaga ay mga loka loka ang mga kaibigan ko.
"So, how is our resident lady soldier? Nakahanap ka ba ng sundalong boyfriend noong nasa Navy ka?" tanong ni Delphine na ikinangiti ko.
Umiling lang ako at ngumiti, "Oh my gee! Don't tell me di ka pa din makapag move-on sa asawa mo-" pinutol ko kung anuman ang gustong sabihin ni Khaleila dahil ayokong marinig ang bagay na alam ko naman sa sarili kong totoo.
"F.Y.I Khae, ex-husband... hiwalay na kami remember? He left..." marahil sa ilang shots ng tequila ay naging emosyonal agad ako. Hindi naman talaga ako malakas uminom at madali akong malasing.
"Oh Gabby!" niyakap ako ni Delphine dahil nanunubig na ang mga mata ko. "Khaleila shut your mouth! Parang hindi mo alam pinagdaanan nitong kaibigan natin!" paninita niya kay Khae.
"Oops… I'm sorry Gabby, me and my big mouth!" pinagalitan niya ang sarili at tinapik pa ang bibig niya na ikinangiti ko agad.
"It's fine Khae, I know you didn't mean harm. But to answer your question, of course I've moved on! Bakla lang iyon! Wala pa sa plano ko ang pakikipagrelasyon dahil naka-focus ako sa anak ko ngayon. Babawi ako kay Fiory, malaki ang pagkukulang ko sa anak ko," niyakap na din ako ni Trinity na nakaupo sa kabilang gilid ko.
Tumayo si Khae at niyakap ako mula sa likod habang hinahagod ang buhok ko.
"Don't worry Gabby, ngayong gabi hahanap tayo ng magiging daddy ng inaanak namin so girls, 'Oplan: Hanapan ng Daddy si Fiory is on!" sigaw ni Trinity na akala mo mga amazona kami at maghu-hunting ng lalake para bugbugin.
Tumayo ng tuwid ang tatlo at hinatak ako patungo sa dance floor. Umiikot na ang paningin ko dahil sa sampung shots na nainom ko.
Noong nasa Amerika ako ay hindi naman ako sumasama sa mga lakad ng kapwa ko sundalo, kaya nga 'Ice Queen' at 'Terminator' ang bansag nila sa akin dahil masyado akong reserved at malamig kung tumingin, kakikitaan lang daw ako ng reaksyon kapag nakakapatay ako ng kalaban at kinikilabutan sila sa paraan ng pag-ngiti ko.
Tanging mga kasama ko sa secret forces ang nakakaalam na humahawak ako ng iba't-ibang armas dahil kapag nasa base ako ay panggagamot at pagcheck-up lang sa mga kasamahan ko ang ginagawa ko.
Hindi iilang lalaki ang nagtangkang lumigaw sa akin, maging isang binatang heneral ay niligawan ako pero tinanggihan ko at sinabing may asawa ako at anak.
"Girls wag niyo akong iiwan ah nahihilo ako..." ang paandap-andap na liwanag ay mas lalong naghahatid sa akin ng hilo kaya kahit hindi na ako sigurado kung mga kaibigan ko pa ang hinahawakan ko ay wala na akong pake.
"Oh gosh si Flynn! Girls wait lang ah lapitan ko lang kinawayan ako eh! Ituloy niyo ang plano ha! Hindi uuwi yan si Subido na walang maiuuwing papapakin!" sigaw ni Trinity na ang tinutukoy ay ang bestfriend ng kuya niya na type niya mula pa noon, at ano yung papapakin? Bakit may papapakin daw ako? Lasing na yata ako...
Sumayaw-sayaw kaming tatlo sandali at hindi iilang lalaki ang lumapit sa amin dahil sa mga suot ng mga kaibigan ko na hapit na hapit sa katawan nila. Ako nga lang yung out of place dito na naka-cami top at white pants na suot ko pa mula kanina sa ospital.
"Hey sexy wanna dance with me?" may matangkad na lalaki ang lumapit kay Khae pero inirapan niya lang at tinulak.
"Sayang naman, palay na ang lumapit tinapon mo pa! Akin na nga lang!" saad naman ni Delphine na seryoso sa buhay pero kapag party ay party talaga. Ngayon ko nga lang nakitang sumama sa lalaki pero malaki na siya at panahon na para humanap siya ng boyfriend niya.
Naiwan kami ni Khae na parehong tinatabig ang mga lalaking dumidikit sa amin. Naramdaman kong may mga braso na yumakap sa akin mula sa likod at nagsimulang magsexy dance, hinayaan ko muna siya at nang lumapit na ang mukha niya ay bumulong ako sa tenga niya.
"I have a daughter, she's three... can you be her father?" nginisihan ko siya at kinindatan.
Halos humagalpak ako ng tawa nang manlaki ang mga mata niya at iglap lang ay bumitaw sa akin at parang hindi ako isinasayaw kanina lang na kumaripas ng takbo.
Jerk. Gwapo sana kaso duwag.
Maya-maya'y lumapit si Khae sa akin at pasigaw na nagpaalam na magsi-CR lamang siya. Naiwan akong mag-isa sa dancefloor, may mga humahawak sa kamay ko ngunit tinatabig ko at binibigyan ng pamatay na tingin kaya agad silang lumalayo.
Sa lakas ng tugtog at sa malikot na ilaw ay lalong tumitindi ang hilo at pagkalasing ko.
Nakakita ako ng space at akmang lalakad pabalik sa mesa namin upang umupo nang bigla akong mahilo, akala ko ay matutumba na ako ngunit naramdaman kong may matipunong braso ang yumakap sa akin at inalalayan ako.
Nahalina ako sa pinaghalo-halong amoy ng alak at pabango niyang amoy mint kaya hindi ako nahiyang humarap at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Woah! Love are you okay?" tanong niya sa aking tenga pero sa hilo ko ay hindi ko siya masagot at ungol lang ang nagawa kong sabihin.
"Are you with someone?" ani niya ulit sa makalaglag panty niyang malalim na boses.
"F-friendshhh..." wika ko sa lasing kong estado. Sininghot ko ang pabango niya na naaamoy ko sa leeg niya kaya isinubsob ko doon ang ulo ko at pumikit. I feel safe in his arms, I don't know why... maybe it's the alcohol that lets my guard down.
"Forth..." mahina kong sambit sa pangalan ng baklang kinasusuklaman ko. Hindi ko alam bakit ko siya nabanggit ngayon ngunit parang inaakit ako ng amoy ng lalaking nakaalalay sa akin ngayon. He felt familiar…
Naramdaman ko naman ang panandaliang paninigas ng katawan niya ngunit nang yumakap ako sa kanya ay parang naging komportable siya at iniyakap sa akin ang isa pa niyang kamay.
"Where are they? Why did they left you alone?" tanong niyang muli, mas malapit na ang tunog ng boses niya at ramdam ko na ang init ng hininga niya sa mukha ko. Kahit nahaluan ng amoy sigarilyo at alak ay ang bango pa rin ng hininga niya na lalong nagpapaliyo sa akin.
"Hmmm..." yun na lang muli ang naisagot ko. Naramdaman kong lumalakad kami at nag-eexcuse siya sa mga tao sa paligid upang makadaan kami. Naramdaman ko ang malamig na dampi ng pang-gabing hangin kaya alam kong nasa labas na kami ng bar.
This feels like deja vu, ang kaibahan nga lang ay ako noon ang sober at si Forsythe ang hilo sa kalasingan.
"I think you need some fresh air love, come here..." patuloy niyang pagbulong.
"My name is not Love, it's Sky..." binuntutan ko ng malanding tawa ang sinabi ko.
Mula pa noon ay Sky ang sinasabi kong pangalan sa mga nakikilala namin sa bar upang hindi nila ako mahanap.
"You... what's your name?" tanong ko sa kanya. Alam kong bukas ay hindi ko na maalala ito kaya okay lang na malaman ang pangalan ng lalaking umalalay sa akin. Blurred na ang paningin ko kaya hindi ko na siya mamukhaan kahit anong gawin kong dilat at kusot sa mga mata ko.
"I'm Con, nice to meet you Sky..."