Chapter 1

3486 Words
Chapter 1 “Crysler, gumising ka na tanghali na! hindi ka ba papasok sa school mo ngayon?” saad ni Mommy I scratched both of my eyes and looked her “Mom Sunday po ngayon you forgot? and every Sunday is a Family Day” saad ko naman habang nakahiga parin sa higaan.. alam ko kung gaano ako kamahal ng Mommy ko kaya naman halos lahat ng gusto ko binibigay niya ng walang kahirap hirap simula kasi nung mamatay ang Daddy ko dahil sa sakit na diabetes halos lahat ng oras ibinuhos na sakin ni Mommy at walang humpay ang pag tawag sa akin kung okay lang ba ako, o kumain na ba, syempre lagi ko namang sinasabi na okay naman ako para lang wag siyang mag-alala sa akin kasi alam ko naman na nasa trabaho siya at hindi bawal sa work niya ang phone kasi siya ang boss she manages three branches of our korean restaurant at Quezon City. “Oh, yeah I forgot and sorry for disturbing you while sleeping, sige matulog ka nalang ulit Crys kapag nagutom ka mag luto ka nalang ng ulam kung anong gusto mo may mga frozen food sa freezer yung breakfast mo nakahanda na ikaw nalang ang kulang. Anyway aalis na ako pupunta na ako sa resto gusto mo bang sumama sa akin?” Mom said.. “Hindi na po Mom dito nalang ako!” saad ko naman sa kanya “Okay sige take care” saad niya at humalik sa aking noo at tumalikod na paalis.. bumangon ako sa pag kakahiga at inunat ko ang mga kamay ko matapos mag -unat ng kamay napaisip ako “Siguro masarap mag karoon ng kapatid?” bulong ko sa aking sarili habang naka ngiti… haist bored na naman ako ang lungkot talaga kapag ikaw lang ang nag iisang anak makapag breakfast na nga lang.. Habang kumakain ako nag iisip na ako kung saan magandang pumunta sa bahay ba ng mga pinsan kong si Lynneth at ang kuya niyang si Jaycee o sa bahay nila Grandma na madalas nandoon si Trixie-mae na isa ko pang pinsan, si Trixie at ako ay sabay na lumaki parehas kasing busy ang magulang namin kaya naman madalas kami ang na iiwan sa bahay nila Grandma at grandpa ang mag kaiba lang my Mom is here in the philippines while her parents are in canada and manages their hotels business.. Trixie and Lynneth are very close in each other kahit hindi sila sabay na lumaki sa iisang bubong, at ako naman ay close kay kuya Jaycee ang barumbado kong pinsan at mayabang daw pero hindi naman.. mabait kaya 'yon.. nag huhugas na ako ng aking pinag kainan ng marinig ko ang busina ng sasakyan hindi na ako lumabas para makita kong sino dahil alam ko naman kung sino ang nag bubusina, tinapos ko nalang hugasan ang aking pinag kainan, nang maramdaman kong may nag bukas ng T.V at padabog na umupo sa sofa “Hoy! Crysler sino kasama mo dito?” saad ng pinsan kong si Jaycee. “Anong problema mo at ang aga aga nandito ka na?” saad ko sa kanya. “Wala naman pinapasundo ka lang naman sa akin ni Mommy d'on ka na daw mag lunch kila Grandma at Grandpa nag luto si Mommy d'on.. tara na!” saad niya.. “Ah, ganon ba sige maliligo lang ako Kuya!” agad na akong nag madali para makaligo na at makapag bihis.. 12:48 na nang tanghali ng makarating na kami sa bahay nila Grandma nakita kong nag hahain na sila kaya naman tumulong na ako para mag handa ng pananghalian, mag kakatabi kaming mag pipinsan, katabi ko si Kuya Jaycee at kasunod niya naman si Lynneth at katabi naman ni Lynneth ay si Trixie si Grandma at Grandpa naman ay kaharap lang namin habang kumakain kami pinag-uusapan namin about School, our future, at kung anu ano pang mga Activity. Alam kong hindi ako ganon katalino katulad ng pinsan kong si Lynneth na palaging nakukuha sa Top 10 at kabaliktaran naman ng Kuya niyang si Jaycee kung hindi bagsak sa lahat ng Subject niya drop out, at ako naman pa easy easy lang, ang pinaka mababa ko na siguro 2.05 at ang pinaka mataas ko naman ay 1.75 pero kung umabot siguro sa 1.0 ang marka ko baka nag paparty na agad si Mommy kaso ito ako ayaw kong subsob talaga sa pag-aaral gusto ko pang e-enjoy ang pagiging teen-age ko.. “Ikaw Trixie saan mo gustong mag trabaho kapag naka graduate kana?” tanong ko sa aking pinsan habang kumakain siya.. “Uhm hindi ko pa alam eh.” saad ni Trixie. “Syempre hindi mo na kailangan tanungin 'yan Crys alam naman natin na kukunin si Trixie ng Mommy at Daddy niya para tumulong e-manage ang mga hotel nila sa canada,” saad ni Jaycee “Pero kung ikaw ang papipiliin Trixie saan mo gustong mag stay?” Curious na tanong ni Lynneth.. kaya agad akong napatingin kay Trixie na nag iisip siya ng sasabihin niya.. “Siguro kung ako ang papipiliin mas gusto kong mag stay dito sa sariling bansa natin at mag pakasal Someday” she said while smiling. “Ah, ganon ba maganda nga iyan,” sagot naman ni Lynneth sa kanya, ako naman ay nanahimik nalang habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila, marami pa silang pinag usapan about future, at mga gusto nila at kung ano pang mga ayaw nila, wala talaga ako sa mood makinig kapag ganyan na ang mga topic, tulad nga ng sabi ko ayaw ko ng subsob sa pag aaral.. kaya naman hanggang matapos ang lunch tango lang ang sagot ko sa kanila.. Gabi na ng makauwi ako sa bahay namin, dumeretso ako ng kusina para kainin ang ice cream na ginawa ni Mommy last night pag pasok ko ng kusina nakita ko ang isang damak mak na hugasan “What the heck!” saad ko.. nag hugas naman ako kanina ah andito na kaya si Mommy anu kaya niluto niya o baka naman nag bake ulit siya ng dessert.. parang dinaanan ng bagyo ang kusina, ang hilig talaga ni Mommy mag luto ng kung anu ano kaya hindi na ako mag tataka kung bakit lumago ng husto ang negosyo namin. “Crys andiyan ka na pala, kanina ka pa ba dumating?” saad niya. “Hindi naman po Mom” saad ko sa kanya “Mom nag bake po ba kayo ulit?” tanong ko “Yup, nag bake ako ng chesscake at gumawa narin ako ng sushi incase na magutom ka, try mo pala itong bagong luto kong bread roll medyo mainit pa” Mom said.. “Bread roll? Ano 'yon Mom? Tinapay na neroll?” tanong ko kay Mommy kaya naman tumawa siya ng malakas.. “Oo tinapay na neroll may hotdog at chezz sa loob try mo masarap 'yan.. ito oh!” saad ni Mommy habang hawak ang bread roll na naka ambang isubo sa akin, kaya naman kumagat na ako. “Oo nga Mom masarap” kinuha ko sa kanya ang bread roll na kinagatan ko at umupo sa harapan ng lamesa at inubos iyon kasama na ang apat na nakalagay sa box. “See, masarap diba?” Mom said while giving me a water, then she sat in front me and starting to open her laptop and check our business specially the amount income.. “Pag katapos mo nga palang kumain diyan Crys umakyat ka na para mag linis ng katawan mo at para makatulog ka na ng maaga may pasok kapa bukas.” “Uhm okay po.” tatayo na sana ako sa pag kakaupo ko ng makita ko ulit ang mga nakakalat at ang sandamakmak na hugasin. kaya naman humarap ako ulit kay Mommy at tinignan siya sa mukha habang naka kunot ang mukha niya at titig na titig sa harapan ng laptop nag salita ako. “Mom bakit hindi ka nalang kumuha ng kasambahay, para hindi kana napapagod dito sa loob ng bahay araw araw, lalo na diyan sa tatlong branch ng korean restaurant natin na kailangan pang puntahan isa isa.” saad ko kay Mommy na nakatingin parin sa harapan ng laptop niya. “Crys, alam mo naman na wala na akong tiwala sa mga tao ngayon simula n'ong pag nakawan ako ng mga alahas at pera ko sa loob ng kwarto kaya ayun hindi na ako umulit pa na kumuha ng panibagong kasambahay sa agency lalo na sa panahon ngayon.” She said. “Pero Mom mas mapapadali ang trabaho mo kung kukuha tayo ulit ng makakatulong dito sa loob ng bahay atleast may makakasama na ako sa araw araw at hindi mo na kailangan gumising ng napaka aga para lang ipag luto ako ng masasarap na breakfast.” paliwanag ko kay Mommy habang nakatingin sa kanya. “Crysler pag dating sa ganyang mga bagay hindi na kita mapag bibigyan, pano kung magising nalang tayo na nasa langit na? oh my god,” paliwanag ni Mommy sa akin habang nakatingin parin sa laptop niya. Napatingin nalang ako sa mga kalat at hugasin hindi ko na pinilit si Mommy dahil alam ko naman na buo na ang desisyon niya at hindi na mag babago pa iyon, kapag pinag uusapan namin ang tungkol sa kasambahay umiinit kagad ang ulo niya, naalala ko pa noong maliit pa ako at nasa elementaria palang ang baitang ko. Hatid sundo ako sa School ni yaya Erma akala ko nung una mabait lang talaga siya 'yong pala may masamang pinaplano, kina kabisado niya lang naman ang bawat daanan dito sa Rockwell Subdivision kung saan siya pwedeng umeskapo o tumakbo palabas ng walang kahirap hirap, kaya pala ganoon siya kabait kay Mommy at sa akin para maging malapit ang loob namin sa kanya at hindi pag dudahan, naalala ko pa madalas siya bigyan ng mga regalo ni Mommy o bilhan ng mga kung anu anong bagay, inabuso niya ng husto ang kabutihang ipinakita ni Mommy sa kanya. At hindi ko man lang napansin na kinukuha na rin pala niya ang loob ko para maging mas malapit pa sa kanya at hindi ako mag sumbong kay Mommy sa mga ginagawa niya sa loob ng bahay, kaya naman pag dumadating si Mommy sa gabi nag papakitang gilas kunwari masipag, but deep inside halos hindi nga malinis ang kwarto ko kapag wala si Mommy eh, nakaupo lang siya sa sofa at telebabad sa cellphone niya at sa harap ng T.V duh? Saka lang siya kikilos at magluluto kapag sinabi kong gutom na ako, kitang kita ko pa kung paano niya pinapasok ang dalawang lalaki sa kwarto ni Mommy at ang dahilan niya pa sa akin tubero daw, the heck my tubero ba na nag aayos ng dis oras na ng hating gabi at sa kwarto pa ni Mommy? “Baby Crysler kumain ka na nakapag luto na ako, saka gagabihin nga pala ang Mommy mo sa pag uwi dahil sa bagong bukas ng branch niyong korean restaurant sa Quezon City.” Erma said. “Ah, sige po yaya Erma, kayo po ba hindi po ba kayo sasabay sa akin kumain?” tanong ko. “Ahh.. eh, h-hindi na baby Crys babantayan ko 'yong tubero para ayusin ang baradong lababo sa kwarto ng Mommy mo, sige ah! akyat na a-ako.” she said. habang kumakain ay hindi na ako mapakali, napapa isip ako sa ikinikilos ni yaya Erma bakit parang tense na tense siya parang may itinatago na hindi ko malaman nakaka panibago. bakit naman kasi kailangan pang ayusin ang lababo sa kwarto ni Mommy eh, never naman na nasira 'yon at never din na bumara saka alam ko naman kung gaano ka ingat si Mommy sa lahat ng gamit dito sa loob ng bahay, ang madalas lang talaga mag bara na lababo ay dito sa kusina kung anu ano kasi ang binu buhos ni yaya Erma eh. Patapos na akong kumain ng maisipan kong tawagan si Mommy sa cellphone niya at kamustahin ang Event sa bagong bukas na Branch naming korean restaurant. “Hello, Mom?” tanong ko kay Mommy na nasa kabilang linya. “Crys, napatawag ka anak may gusto ka bang ipabili o kainin?” She asked me. “Wala naman po Mom, gusto ko lang itanong kung anong oras ka uuwi." I asked her. “Actually i'm on the way, nag dinner ka na ba o hindi pa?” sagot naman niya sa akin. “Yes Mom! patapos na po ako, kaya naman naisipan ko po kaagad tumawag sayo para kamustahin ang Event.” sagot ko naman. “Okay naman ang naging resulta ng Event sa restaurant natin, well maganda at maayos ang pag ka catering, don’t worry anak dadalhin kita doon sa bagong branch natin this month.” masayang sabi ni Mommy sa akin marami pa kaming magagandang pinag usapan sa cellphone hanggang sa lumabas na ako ng kusina pero hawak ko pa rin ang cellphone ko at kausap si Mommy. Dumeretso ako sa beranda na malapit sa sofa at sumandal doon sa pinto para mag pahangin maganda kasi ang simoy ng hangin dito lalo na kapag gabi, habang kausap ko si Mommy nakita ko na pababa na ng hagdan si yaya Erma kasama ang isang lalaki na may dalang box na hindi naman kalakihan tinignan ko silang dalawa at tumingin din sila sa akin unang ngumiti sa akin si yaya Erma kaya naman ngumiti na rin ako pabalik sakanya. “Baby Crysler tapos ka na ba mag dinner?” tanong ni yaya Erma sa akin tango lang ang isinagot ko dahil kausap ko pa si Mommy, Nakita ko na hinatid ni yaya ang lalaki palabas ng gate at pag katapos nag mamadali nang bumalik si yaya Erma para iligpit ang pinag kainan ko at hugasan ang mga ito.. “Crys?” tawag sakin ni Mommy sa kabilang linya “Yes, Mom bakit po?” “Anak nakaalis na ba si Erma? may ibibigay sana ako sa kanya?” tanong ni Mommy sa akin, Friday kasi ngayon at bukas naman Saturday at walang pasok, tanghali na rin kami umaalis ni Mommy para ihatid niya ako sa bahay nila Grandma at siya naman pupunta sa mga branch ng resto namin, at ako naman para makapag bonding daw sa mga pinsan ko doon, tapos susunduin nalang niya ako around 7:30 ng gabi, minsan naman doon na kami natutulog kila Grandma, kaya naman pinag de-day off ni Mommy si yaya Erma every Saturday and Sunday. “Ahh.. Mommy hindi pa po eh, nag huhugas pa po kasi siya ng pinag kainan ko.” sagot ko sa kanya. “Ah okay, sige na anak nag mamaneho pa kasi ako ng sasakyan eh, saka malapit na rin ako.” pipindutin ko na sana ang end call ng maalala ko ang sinabi ni Mommy na may ibibigay siya kay yaya Erma kaya naman inagapan ko at nag hello ulit, “Mom?” tawag ko sa kanya “Yes anak?” sagot niya sa kabilang linya. “Mommy, pauuwiin ko na ba si yaya Erma pag tapos mag hugas ng plato at mag linis sa kusina o sabihin ko na antayin ka dahil may dala ka para sa kanya?” sabi ko naman kay Mommy. “Ah sige na anak pauwiin mo na lang siya para hindi na siya gabihin sa daan baka mahirapan pang maka sakay 'yan, next week ko nalang ibibgay sa kanya ito.” saad ni Mommy sa kabilang linya. “Ah ganoon po ba sige Mommy sabihin ko nalang din sa kanya pero baka mag abot din kayo kasi hindi pa tapos ayusin ng tubero yung lababo mo sa kwarto.” paliwanag ko naman kay Mommy ng bigla ko nalang narinig sa kabilang linya ang pag sigaw niya. “What!!? Tubero? At kelan pa nasira ang lababo sa kwarto ko? Never na bumara o nasira ang lababo sa kwarto ko Crysler.” saad niya na malakas ang boses at narinig ko na ang simpleng mura ni Mommy sa cellphone. “Oh my god s**t! Pauwi na ako anak malapit na ako, wag mo na pala sabihin kay yaya Erma mo na ako ang kausap mo sa cellphone, sige na bye may tatawagan pa ako.” at agad na pinatay ni Mommy ang cellphone niya. Agad akong sumilip sa kusina at nag kagulatan pa kami ng maka salubong namin ang isat isa sa pasilyo.. “Ayyyy!!” sigaw ko sa pag kakagulat “Baby Crysler!” sambit naman ni yaya Erma na nagulat din sa akin.. “Ah p-pauwi na po k-kayo?” tanong ko sa kanya, at hindi ko pina pahata ang takot ko. “Oo eh, nag mamadali na nga ako eh! sige akyat na ako sa taas baka tapos na mag ayos ang tubero don.” paakyat na sana siya nang biglang may bumagsak sa sahig na nag mula ang ingay doon sa kwarto ni Mommy kaya naman napatingin ako sa may hagdan, at biglang napa lingon sa akin si yaya Erma at ngumiti. “Wala iyon wag mo pansinin normal lang ang may malaglag na bagay kapag may inaayos,” paliwanag niya sa akin at nag patuloy na siyang umakyat sa hagdan, kaya naman sumunod na ako sa kanyang likuran ng hindi niya namamalayan, pag bukas niya ng kwarto ni Mommy nagulat ako sa aking nakita, ang mga gamit ni Mommy ay naka kalat sa sahig ang mga drawer naman ay naka bukas parang may hina hanap dumungaw pa ako ng kaunti para makita ang loob ng kwarto, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatingin sa akin ng masama, nakita ko na hawak niya ang pouch ni Mommy, alam kong doon nilalagay ni Mommy ang lahat ng pera na kinita sa resto lalo na kapag sobrang busy siya at hindi na makapunta sa banko para ideposit ang pera. “Anong ginagawa mo dito bakit kasama mo pa 'yang batang yan diba sabi ko sayo bantayan mo lang 'yan at wag papuntahin dito?” pasigaw na sambit ng lalaki kay yaya Erma, kaya naman napalingon bigla si yaya Erma sa kanyang likuran at nakita niya ako. “Crysler andiyan ka pala?” gulat na sambit ni yaya Erma mag sasalita pa sana si yaya Erma nang bigla akong hilahin ng lalaki at idinikit sa pader at sinakal sa leeg hindi ako makahinga, umiiyak na ako sa sobrang takot, nakita kong pinipigilan ni yaya Erma ang mga kamay ng lalaki tinatawag niya itong Badong. “Tama na 'yan Badong!! Ano ba!!? baka mapatay mo pa 'yan kawawa naman ang bata pabayaan mo na walang kalaban laban sayo 'yan.” pasigaw na sinasabi ni yaya Erma sa lalaki samantalang ako nang hihina na, narinig ko nalang na may isa pang babae na sumisigaw sa gilid ng pinto hindi ko makita ang itsura dahil sa mga luha ko sa aking mata at sa aking leeg na hindi ko maigalaw, sumigaw ulit ng malakas ang babae saka ko lang napag tanto na boses iyon ni Mommy. “Bitiwan mo ang anak ko!! Walang hiya ka!!” sigaw ni Mommy palapit ng palapit ang boses niya sa amin, habang si yaya Erma naman ay pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ng lalaki sa aking leeg, pag kalipas ng ilang minuto narinig kong umaray ang lalaki at binitawan ako kaya naman napa upo ako sa sahig, biglang lumapit sa akin si yaya Erma nang makita niya ako sa sahig para tulungan akong maka tayo, “Okay ka lang ba baby Crysler?” tanong ni yaya Erma pag katapos niya akong patayuin tumango lang ako sa kanya, Nakita ko si Mommy na may hawak na malaking baseball bat wood, sinubukan ulit hampasin ni Mommy ang lalaki pero naunahan siya nito at itinulak kaya naman na out of balance si Mommy at napaupo din sa sahig, nakita kong nag mamadali ang lalaki palapit sa drawer ng Mommy sa bedside binuksan niya ito at kinuha lahat ng mga alahas, pera, at ang canon digital SLR camera ni Mommy nakita ko rin ang bagong bili ni Mommy na laptop sa akin ilang beses ko palang nagamit iyon, lahat ng iyon ay kinuha ng lalaki at ipinasok sa bag ang mga nakuha, nag mamadaling umalis kasama si yaya Erma habang hila hila niya ito sa kamay. Niyakap kaagad ako ni Mommy pag kalabas ng lalaki at ni yaya Erma sa pinto ng kwarto nang makita niya ako doon na nakatayo, “Crys anak okay ka lang? nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?” tanong niya na may pag alala at takot sa boses niya. “Yes po Mommy okay lang po ako.” sagot ko sa kanya habang inaalalayan niya ako palabas ng kwarto makalipas ang ilang minuto may mga pulis na dumating sa labas ng bahay narinig namin ang putok ng baril kaya bumaba na kami agad ni Mommy, nakita namin ang naka tayong police sa labas ng bahay na hawak ang lalaking sumakal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD