Chapter 2

3268 Words
Chapter 2 Papalapit na kami sa police at sa lalaking nanakit sa akin, “Chief fernandez!” pag tawag ni mommy sa police na naka tayo sa labas ng pinto at may mga kasama ding iba pang police, habang hawak naman ng chief ang lalaking naka posas at nakayuko, lumapit pa kami ng husto sa kanila at nakipag kamay si mommy kay chief na tinawag ni mommy “Ma'am berry, nahuli po namin ang lalaking ito na palabas ng bahay ninyo may kasama siyang babae pero naka takbo at naka takas na, sila ba ang itinawag niyo sa presinto namin?” pag papaliwag ng chief sa aming dalawa ni mommy, “Yes po chief fernandez maraming salamat sa mabilisang pag dating dito sa bahay ko,” pag papa salamat ni mommy sa kanya, “Walang anoman, ginagampanan lang namin ang tungkulin namin, makaka asa kayo palagi sa amin,” sagot ng chief sa amin at pagkatapos ay umalis na sila, At iyon ang nakaraan ko na nakaka takot pang maalalang muli, sa sobrang takot ni mommy na mawala ako hindi na siya kumuha pa ng kasambahay, hindi narin nag titiwala pa kahit kanino, Nagising ako sa napaka ingay ng alarm clock, 5:30am palang ng umaga medyo inaantok pa ako dahil sa pinag talunan namin ni mommy kagabi, hindi ko naman siya masisisi eh nag-iisang anak niya lang kasi ako, Pag pasok ko sa unang subject kong P.E nakita ko ang mga classmate ko na nag kukumpulan at narinig kong pinag uusapan nila about cheering squad, Umupo na ako sa aking upuan kong saan kami inasign ng P.E prof. namin na si prof. valdez hinanap ng aking mga mata si patricia, ang aking best friend pero hindi ko siya nakita, Dumating na si prof. valdez at ang lahat ng mga student sa loob classroom ay nag si upo na sa mga kanya kanyang upuan kung saan sila naka asign, “Okay class listen to me, I have 50 student here in room yah? Make a five groups, and every groups make a short dance cheering squad, kung sino ang mananalo dito sa cheering squad sa loob ng room natin sila ang ilalaban sa buong campus natin,” paliwanag sa amin ni prof. valdez, habang nag papaliwanag si prof. valdez sa harapan nakita ko sa pinto na papasok si patricia, “Sorry prof. im late,” naka ngiting sabi ni patricia sa prof. namin. “Okay, have a sit miss patricia ramirez.” naka ngiti ding sabi ni prof. valdez sa kanya, nang makita ako ni patricia ngumiti kaagad siya sa akin at umupo sa tabi ko, “Ghurl ano balita?” tanong ng best friend ko sa akin na agad naman akong tumingin sa kanya, “Wala naman ghurl, mag groupings daw tayo sabi ni prof. at kung sino daw ang manalo dito sa loob ng room sila daw ang ilalaban sa buong campus” pag papaliwanag ko sa kanya, “Makinig ka kasi kay prof. sa harapan,” dagdag ko pa na naka ngiti kay patricia. “After that class, kung sino man ang ten student na mananalo sa cheering squad dito sa room natin need nila mag pagawa ng damit nila bago sila ilaban sa buong campus, at sa uniform naman ng mga girls ay skirt or cheerleading uniform, at sa boys naman pants na maluwag same design at colors dapat ng mga girls ang magiging uniform ninyo,” pag papaliwag pa ng prof. sa aming lahat. “Anak ng tipaklong naman yan Oo,” biglang sambit ko sa katabi kong si patricia matapos kong marinig ang lahat ng mga sinabi ng prof namin kaya naman natawa sa tabi ko si patricia, Alam kasi niya na never ako nag suot ng mga maiiksing skirt, mga hoodie jacket at malalaking t’shirt ang mga sinosuot ko at jogging pants okay na ako doon, “Ang cute kaya ng ganon sexy outfit, tapos ihahagis ka sa taas,” sabi naman ni patricia na tuwang tuwa habang nakikinig kami sa prof namin na nag didiscuss sa aming harapan, “Oh, eh di mag pahagis ka na sa taas ng naka cheerleading uniform ng makita na yang buong pag katao mo,” inis na sabi ko sa bestfriend ko, kaya naman tinapik niya ako sa balikat at ngumiti sa akin, “Chill ka lang ghurl may nanalo na ba sa groupings? Diba wala pa? “saka ang mag susuot lang ng uniform ng cheerleading ay iyong mga mananalo dito sa room natin kasi sila ang ilalaban sa buong campus,” paliwanag sakin ni patricia, “Whatever!” sagot ko naman sa aking best friend, alam kong hindi mag papatalo si patricia sa loob ng aming room hanggat kaya niya manalo ginagawa niya ma achieve niya lang ang gusto niya, nag simula na kaming mag groupings, hindi na ako sumali sa grupo ng bestfriend ko dahil alam ko naman na mananalo ang grupo niya, doon ako sumali sa grupong hindi marurunong sumayaw ang walang kabuhay buhay na grupo hehehe, diskarte lang talaga para hindi ako mapili, Nag simula na kaming sumayaw sa harapan ng prof. namin by groups hindi na namin ginalingan para hindi kami ang makuha sa room at ilaban sa buong campus, kaya naman ang nanalo walang iba kundi ang grupo ng bestfriend ko, tadah! ginusto niya yan eh, eh di mag pahagis hagis siya sa itaas hanggang sa mahilo hehehe.. Natapos namin ang buong mag hapon na klase, pero ang bestfriend ko walang humpay sa pag kwento tungkol sa cheering squad, kung ano daw ang magandang design ng damit na susuotin nila, anong magandang sound background, what the heck? Hindi nga ako sumali sa kanila para hindi ako ma stress sa pag iisip sa mga ganyang bagay eh, pero ito ako parang kasali sa grupo nila at nag iisip din para sa bestfriend ko wag lang matalo ang grupo niya, Palabas na kaming dalawa ni patricia sa campus para umuwi ng mapadaan kami sa covered court ng campus, habang nag lalakad kami nagulat nalang ako ng bigla siyang tumili peste sakit sa tenga ah.. “Ayiee ghurl tignan mo yun oh,” sabi ni patricia habang naka turo ang daliri sa dalawang binata na naka sandal sa BMW GTR black at ang isang binata naman ay sa mustang shelby black din na parehas naka park malapit sa covered court, tumingin ako sa bestfriend ko and then I rolled my eyes, duh? “Anong meron sa kanila?” tanong ko kagad sa kanya, “Hindi mo ba alam n-“ saad ng bestfriend ko na agad ko namang pinutol ang sasabihin niya.. “Hindi ko pa alam, ngayon ko pa lang malalaman, ano ba yun?” sagot ko sa bestfriend ko na may halong pam babara, “Ghurl di mo ba alam na sila iyong mga nanalo last year sa cheering squad, sila ang nag buhat sa mga girls at nag hagis pataas ang gagaling kaya nila sumayaw gwapings na at rich pa,” saad naman ni patricia na kinikilig habang nagku kwento sa akin, “So? Ano connect? Gusto mo mag pabuhat sa kanila at mag pahagis?” natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya, patuloy parin kami sa pag lalakad, “Wala naman akong sinabi crys na gusto kong mag pabuhat at magpa hagis, panira ka talaga ng araw eh, nag kwento lang ako sayo,” saad naman niya na may halong pag tatampo, kaya naman natawa na ako ng husto, “Ang landi mo kasi ghurl eh, pwede mo naman kasi ekwento sa akin kaagad kesa naman tumitili ka diyan na akala mo ay naipit na sa kung saan,” saad ko sa kanya na tawang tawa sa itsura niya, “kaya walang nag kaka gusto sayo crys eh dahil para kang lalaki pumorma kulang nalang manapak ka ng lalaki kapag may lumalapit sayo para makipag kaibigan,” pambabara niya sakin, Malapit na kami sa covered court kung saan naka parada ang BMW GTR at mustang shelby sumipol ang isang binatang matangkad na naka sandal sa mustang habang may hawak na cellphone sa kamay at ang isang kamay naman ay nasa bulsa, ngumiti sa amin ang binata kaya naman ngumiti din ang bestfriend ko sa kanya, nakita kong umalis sa pag kakasandal ang binata sa kotse niya at nag lakad papalapit sa amin ni patricia, “Hi..” naka ngiting pag bati ng binata sa amin kaya naman napa hinto kami sa pag lalakad ni patricia, “Im chester flores,” pag papakila ng binata sa amin, na agad naman nakipag kamay ang aking katabing si patricia, “hi din, im patricia ramirez, and this is crysler zamora my bestfriend,” pag papakilala ni patricia sa aming mga pangalan sa binata habang naka ngiti ito at nakiki pag kamay sa binata, tumango lang ako sa binata matapos akong ipakilala ng kaibigan ko, “Hi crysler, im chester nice to meet you,” sabi niya habang naka tingin at naka nigiti sa akin, “Hello, nice to meet you din,” sagot ko naman sa binata na hindi ngumingiti, pero naka titig sa mukha niya, mukha namang mabait at friendly, “Tara, ipakikilala ko kayo sa dalawang kaibigan ko doon,” pag aaya ng binata sa amin habang naka turo ang kamay sa dalawang binatang matangkad at maganda ang pangangatawan ng mga ito, naka sandal ang mga ito sa BMW na black at nag uusap, naunang mag lakad si patricia kasabay niya si chester sa pag lalakad at ako naman ay nag pahuli sa kanilang likuran, papalapit na kami sa dalawang binatang nag uusap nang mapatingin ang mga ito sa amin na papalapit sa kanila, “Miller, JB,” pag tawag naman ng binata sa dalawa niyang kaibigan, naka harap na kaming tatlo sa dalawang binata na si miller at JB kuno, “Patricia, Crysler this is miller and JB, and JB and miller this is crysler and patricia,” pag papakilala ni chester sa mga pangalan namin, “Actually, hindi naman talaga JB ang nick name niya ako lang ang nag tatawag noon ayoko kasing tawagin siya sa mahaba niyang pangalan pero pwede niyo siyang tawagin sa first name niyang Jar-r,” napa hinto si chester sa kanyang pag sasalita ng putulin ng kaibigan niyang si JB ang sasabihing pangalan nito, “Jar-jar nalang ang itawag mo sa akin para naman cute,” nakangiting sabi ni JB sa amin kaya naman tumawa ng malakas si chester at miller sa kanya, naki pag kamay pa ito sa amin ni patricia, “Bakit naman jar-jar ang gusto mong itawag sayo?” natatawang tanong ni miller kay JB na tumatawa din. “Wala naman ang cute kasi kapag jar-jar parang may aso na kumakahol sa akin, arp! Arp! Arp!,” sagot naman ni JB na tawang tawa sa sinabi niya kaya naman humalakhak na ang lahat maliban sa akin, Eh di sheng mukha ba kaming aso para kumahol ng kumahol sayo wow lang huh, ano feeling mo super star ka? sambit ko sa aking isip na naiinis na sa kayabangan ng binata, “Apat sana kami ngayon kaso hindi nakarating ang isa pa naming kaibigan, alam kong magugustohan mo iyon crysler, mabait iyon at friendly wag kang mag alala ipakikilala kita kapag nag kita kita tayo ulit dito sa covered court,” sabi ni chester na naka tingin sa akin at naka ngiti nang mapansin niya ang kata himikan ko, tumango lang ako sa kanya at ngumiti.. kaya ayun kung saan saan na napunta ang imagination ko, ano ba iyon nerereto niya na ba ako kaagad sa friend niya? Eh hindi naman ako interesado sa mga lalaki wow lang huh, hindi man lang nag tanong sa akin kung may boyfriend ba ako o wala? kung may magagalit ba? sinabi niya nalang na magugustohan ko daw ang friend niya? Paano niya nasabi? Nakaramdam na ako ng gutom kaya naman nag aya na ako umuwi, pero itong bestfriend ko parang ayaw umalis doon sa tabi ni chester at sarap na sarap sa kwentuhan nila kung ano ano pa ang mga pinag usapan nila. “Ghurl ang sakit ng tiyan ko tara na uwi na tayo.” bulong ko kay patricia. “Huh? Bakit naman sumakit ang tiyan mo?” bulong naman din niya sa akin na nag aalala, “Nagugutom na kasi ako eh, naririnig ko na ang mga alaga ko sa aking tiyan,” bulong ko ulit sa kanya, kaya naman biglang tumawa ang bestfriend ko at hindi ako maka paniwala nang mag salita siya ng malakas, “Crys, nagugutom kana kaagad eh, anong oras palang ah?” sabi ni patricia, kaya naman napatingin sa akin ang lahat, haisttt sakalin ko kaya bestfriend ko ng manahimik na ng tuluyan napaka obious ng bunganga eh, “Tara kain tayo may malapit na resto dito, saan niyo ba gustong kumain?” sabi ni chester sa amin, mag sasalita na sana si patricia kung saan namin gustong kumain ng biglang mag salita si miller. “Chest, kami hindi mo ba tatanungin kung saan namin gusto kumain? Gutom narin kami.” natatawang sabi naman ni miller kaya tumawa narin kaming lahat. “Okay lang na magutom kayo hindi naman kayo mamatay kaagad eh.” sagot ni chester na natatawa sa dalawa niyang kaibigan, napag kasunduan namin na pumunta nalang sa mall at doon nalang kami kumain sa david’s tea house, Nag simula na si chester alalayan si patricia papasok sa kotse niyang mustang shelby at ako naman hindi ko alam kung saan ako sasakay na kotse dahil wala namang nag aya sa akin na sumakay na, kaya naman nag kunwari akong may kachat sa phone para tawagin nila ako at ayaing sumakay na, at hayun tinawag na nga ako ng bff ko at pinasakay na nila ako sa mustang, at doon naupo sa likuran nila, mukha atang ako pa ang magiging third party nila kung sakali na mag katuluyan itong dalawa ah bulong ko sa sariling isip ko, Habang nag mamaneho si chester marami na ang tanong ni patricia sa kanya, kung saan ito nakatira, ilan silang mag kakapatid, ilang taon na siya, ano mga paborito nito, at ano ang ayaw nito, at kung ano ano pang mga tanong ng best friend ko kay chester, daig pa ang imbestigador sa mga tanong niya, ghurl masyadong halata na ang kalandian mo o talagang interesado ka lang sa lalaking yan, marami pa silang pinag usapan na mga kung ano anong bagay at inalam ang isa’t isa, samantalang ako tahimik lang na naka upo sa may likuran nila habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila, Pag dating namin sa car park ng mall ay bumaba na kami sa sasakyan at nag simula ng mag lakad papasok sa mall, naka tingin lang ako sa bestfriend ko at kay chester na sabay nag lalakad, sana umuwi nalang ako ng bahay para hindi ako na a-out of place sa kanilang dalawa, ayaw ko rin naman sumabay mag lakad sa dalawang kaibigan ni chester na si miller at lalong lalo na kay JB aka jar jar daw na ubod naman ng yabang, Pag dating namin sa david’s tea house nauna na akong pumasok at omorder ng tausi spareribs, machang, shark’s fin dumpling at fish tofu, ang ingay na ng tiyan ko at gutom na ako, wala na akong paki alam sa kanila kung ano man ang isipin nila sa akin basta oorder ako at kakain ng marami bakit ba may pambayad naman ako noh! Nakita kong umupo ang bestfriend ko sa harapan ng aking lamesa at katabi niya si chester at ako naman ay napapa gitnaan ng dalawang tokmol, Pag kaupo nila omorder nadin sila ng mga gusto nilang kainin, habang ako naman ay nag aantay nalang na dumating ang order ko, iwan ko ba kung bakit ako ginutom ng sobra nag breakfast naman ako kaninang umaga bago pumasok sa school nag lunch din naman ako kanina sa canteen ah, dumating na ang order ko dala dala ng waiter at inilapag lahat ng iyon sa aking harapan kaya naman kumuha na ako kaagad ng chopstick, isusubo ko na sana ang shark’s fin dumpling sa bunganga ko ng makita ko silang lahat na naka tingin sa akin, kaya naman ibinababa ko ang hawak na chopstick na may shark’s fin dumpling at inalok sa kanila, inusog ko ang mga pagkain na nasa harap ko para ialok sa kanilang lahat, “Ghurl hindi ka naman gutom niyan huh?” saad ni patricia na naka tingin sa akin at nakangiti kaya naman ngumiti narin ako sa kanya pabalik, at hindi na muna kumain, inantay ko nalang ang mga order nila para sabay sabay na kaming lahat kumain, ilang minuto lang dumating na ang mga order nila at nag simula na kaming lahat kumain. “Kelan nga pala aalis si alex papuntang state?” panimulang tanong ni chester sa dalawa niyang kaibigan na kumakain sa tabi ko, unang sumagot naman si JB, “Uhm hindi namin alam ni miller kung kelan eh, gusto kasi niya dito mag stay sa pilipinas kesa mag stay sa state kasama ang parents niya,” sagot ng katabi kong si JB, habang tahimik lang kaming kumakain ni patricia at nakikinig lang sa kanilang mga pinag uusapan. “Mas gusto kasi ng parents niya na sa state nalang siya mag aral marami daw kasing magagandang benefits doon lalo na updated pa ang lahat ng mga technology doon, at kapag nakapag trabaho nasa malalaking company.” sagot naman ni miller sa dalawang binata, habang nag uusap sila napa isip ako na baka si alex ang sinabi ni chester na kaibigang mabait at friendly. “Ah ganoon ba,” sagot lang ni chester kay miller, Nang matapos na kaming lahat kumain nag presinta na si chester na siya na ang mag babayad ng lahat ng mga kinain namin. “Eh yung sa amin ni JB hindi mo ba babayaran?” pabirong tanong ni miller kay chester kaya naman tumingin ito sa binata na busy sa cellphone na nag lalaro ng online games. “Dapat nga siya ang nag babayad nito eh, kasi mas malaki ang allowance na binibigay ng daddy niya kesa sa ating dalawa.” pabirong sagot ni chester sa kausap niyang si miller. “Mahirap lang ako mga brad kaya wag kayong assuming diyan, hindi ako anak ng bilionaryo kaya please lang manahimik muna kayo diyan, baka ma defeat pa ako sa nilalaro ko.” sagot naman ni JB sa dalawang binata na tawang tawa sa kanya habang nag lalaro. “Hindi ba?” pabirong tanong ni chester sa kanya. “Hindi.” maiksing sagot naman ni JB, kaya naman napatingin ako sa kanya at sinuri ng husto ito, tinignan ko ang cellphone niyang hawak apple iphone ang latest phone na hawak niya at ang kanyang wrist watch naman ay emperio armani at ang damit niya naman mukhang mamahalin din, pag dating naman sa sapatos niya ay versace sense na exclusive black, iyon ba ang mahirap? Hindi ko nalang pinansin pa ang biruan nila at nag lakad na kami palabas ng david’s tea house, Nag ikot ikot pa kami sa loob ng mall, namili narin ako ng mga lotion ko sanitary napkin, perfume, body wash sa grocery pag si mommy kasi ang bumili ng body wash hindi ko gusto ang amoy kulang nalang langgamin ako sa sobrang tamis ng amoy ng body wash niya pati perfume, ang hilig sa sweet smell, samantalang ako simpleng amoy lang okay na ako basta may perfume na naka spray sa katawan ko masaya na ako doon, ganoon din si patricia namili narin siya ng mga stock niya sa loob ng kwarto niya pati narin mga snack at drinks,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD