Chapter 3

3303 Words
Chapter 3 Nang matapos na kami mag ikot-ikot at mamili sa mall hindi ko na namalayan ang oras 8:45pm na pala ng gabi kaya naman kinuha ko kaagad ang phone ko sa shoulder bag at nag hanap ng masasakyang grab sa phone ko, nang makatapos na ako sa pag hahanap ng masasakyan sa phone ko, tinawag ko kaagad si patricia, nasa likuran lang nila ako, at ang dalawang kaibigan naman ni chester na si miller at JB ay nasa likuran ko naman na nag-uusap, “Pat..” tawag ko sa aking kaibigan na si patricia na nag lalakad kausap si chester napa hinto sila sa pag lalakad at sabay pa silang lumingon sa akin, close na sila agad ang bilis ha.. Oh talagang type lang ng friend ko itong si chester, Humarap ang bestfriend ko sa akin matapos niyang marinig ang pangalan niya, “Bakit ghurl?” sagot ni patricia na dala dala ang mga pinamili niyang grocery, nang makita ko siya na parang hirap na hirap sa dami ng pinamili niya gusto kong matawa, napansin naman agad iyon ni chester kaya kinuha na sakanya ang ibang hawak niyang plastic bag, “Pat masyado na atang gabi, kung mag iikot pa kayo dito sa mall mauuna na akong umuwi.” pag dadahilan ko sa kaibigan ko dahil ayaw ko na sumabay sa kanila feeling ko bored na bored na ako at saka gusto ko ng matulog dahil may pasok pa bukas na stress ako ng husto sa P.E namin kaninang umaga eh, naka kapagod pa. “Hatid kana namin ni JB, crysler.” sabi ni miller na kasama si JB papalapit sa aming tatlo na nag uusap. “hindi na mag grab nalang ako.” sagot ko kaagad sa kanila. “Sure ka ghurl mag grab ka?” paninigurado ni patricia sakin. “Hindi kaya safe ang sumakay sa mga grab o uber, paano kung killer pala ang nasakyan mong driver? tapos dalhin ka kung saan? tapos kung ano pa gawin sayo tapos? tapos? tapos na!!” pananakot naman ni JB sa akin na natatawa sa huling sinabi niya, “Okay lang ako sanay na akong sumasakay sa grab palagi.” pag tataray ko kay JB. “Eh, di sanay kana rin na dalhin kung saan saan ng driver? Kahit na sa, sa, sa, bahay ninyo?” pambubuyo pa ni JB sa akin na tawang tawa sa huling sinabi niya, hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa huling sinabi niya, sapakin ko kaya ito para manahimik na nakakainis na eh. “Saan ka ba nakatira?” Seryosong tanong naman ni miller sakin. “Sa rockwell lang ako.” sagot ko naman kay miller. “Ah malapit lang pala dito sa mall, wala ka man lang bang sundo?” si chester naman iyon at umiling lang ako sa kanilang lahat. “Wow rockwell ang rich naman nun.” narinig kong sinabi ni JB na naka tingin sa malayo, naisip ko tuloy kung ako ba ang sina sabihan niya o hindi kaya naman tinanong ko na siya, “Ako ba ang pina paringgan mo JB?” tanong ko sa kanya na hindi maka tingin sa akin. “Ahh? Hindi noh sabi ko my rockwell clothes ata doon oh.” pag dadahilan niya habang nakaturo ang mga kamay sa malayo, kaya tinignan ko ang tinuro niya, wala namang rockwell clothes doon sa tinuro niya eh, “Ikaw JB san kaba nakatira?” tanong naman ni patricia kay JB. “Diyan lang sa tabi, sa tondo, sa dikit dikit na bahay doon, sa maraming tambay doon, basta doon lang.” seryosong sabi ni JB kay patricia kaya naman tumawa ng malakas ang dalawang niyang kaibigan na si miller at chester. “Ang dami mo namang sinabing doon.” natatawang sabi naman ni patricia, nag simula na kami mag lakad palabas ng mall hinatid nila ako sa may sakayan at sinamahan nila ako doon para hintayin ang grab na mag hahatid sa akin pauwi, Nang dumating na ang grab na sundo ko para ihatid ako pauwi ng bahay ay nag paalam na ako sa aking bestfriend ganoon din kay chester at sa dalawa niyang kaibigan, hinintay nila akong makasakay sa loob ng grab bago sila umalis at umuwi. Nakahiga ako sa aking kama at nakatingin sa kisame hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, panay ang aking balikwas sa higaan, 2:28am na ng madaling araw pero gising parin ako, sabi kasi ng matatanda kapag hindi ka raw makatulog ibig sabihin may nag iisip sayo hmmp, naisip ko bigla ang kaibigan ni chester na si alex, ano kaya itsura no’n kapag nakilala ko na siya mabait at friendly daw sabi ni chester, at magugustohan ko pa raw ito kapag nag kakilala na kami, bakit parang sure na sure si chester sa sinabi niyang iyon sakin, nag patuloy pa ako sa pag iisip hanggang sa hayun tuluyan na akong nakatulog. Nakatulala lang ako habang naka upo sa classroom ang mga mata ko ay nakatingin lang sa harapan ng prof namin, malayo ang isip ko dahil sa kulang ako sa tulog, gusto ko ng umuwi at matulog ng mag hapon antok na antok ako at wala akong maintindihan sa itinuturo ng prof namin sa harapan, wala din ngayon ang bestfriend ko dahil may praktis sila ng cheerleading kaya naman mas lalo pa akong nawalan ng gana para makinig sa prof namin, nang matapos na ang pag tuturo ng prof sa harapan ay tumayo na ako agad at nag madaling lumabas, naisip kong mag punta kaagad sa library imbes na mag lunch break, Pag dating ko sa library nag hanap ako ng mauupuan ko, at sakto naman na may nakita akong upuan doon sa sulok kaya naman agad akong umupo, iniunat ko muna ang mga kamay ko bago maupo napahikab ako sa sobrang antok ko, kaya nag set ako ng time sa apple watch ko, ginamit ko ang 1hour break ko para matulog sa library, wala naman maninita sa akin dito dahil nasa sulok ako at medyo tago, inilagay ko muna ang bag ko sa lamesa at ginawang unan para makatulog kahit saglit, Nagising ako sa pangangalay ng aking leeg kaya naman unti-unti kong iminulat ang aking mga mata sa pag kakatulog, bakit parang ang haba ng itinulog ko, tumingin ako sa aking apple watch para makita ang oras, nagulat ako ng makitang ilang minuto nalang mag sasara na ang buong campus, kaya naman nag madali na akong lumabas para hanapin ang bestfriend ko, pumunta kaagad ako sa canteen nag baka sakali na makita ko ang bestfriend ko pero wala siya doon, sunod na pinuntahan ko ay ang classroom namin pero hindi ko parin siya makita, Kaya naman ng mapagod na ako mag hanap sa bestfriend ko nag simula na ako mag lakad palabas ng campus, saka ko lang naalala na baka nasa covered court si patricia, pero bigo ako at hindi ko nakita ang bestfriend ko, kaya naman sumakay na ako sa grab pauwi ng bahay, Pag dating ko sa bahay binuksan ko ang freezer para makita kung ano ang mga naka stock naming frozen food, nag simula na ako mag isip kung anong masarap lutuin, nakita ko ang beef sirloin kaya naman naisipan kong mag teriyaki BBQ, inilabas ko ang beef para palambutin nag hiwa na ako ng leeks, ginger, at kumuha narin ako ng sesame seeds at nag simulang mag luto, nang matapos na ako sa pag luluto nag simula na ako mag handa sakto naman na papasok na si mommy ng pinto kaya ipinag handa ko narin siya, “Anak ano niluto mo? Parang ang bango ata ah?” saad ni mommy habang papalapit sa akin sa kusina at sinisinghot ang amoy ng buong kusina. “Teriyaki BBQ po mom, tara kain na po tayo naghain na po ako.” sabi ko naman na naka ngiti kaya umupo na kami sa harap ng mesa at nag simulang kumain. “Wow mukha ngang masarap anak.” saad ni mommy habang tinitikman ang niluto ko, nag simula na kami kumakain ni mommy nag sandok siya ng kanin at nag lagay sa plato niya, nilagyan niya narin ang plato ko ng kanin at ulam. “Uhmm crys, anak. this week nga pala gusto kong isama ka sa mga branch ng restaurant natin.” sabi ni mommy. “Bakit naman po kailangan pa akong isama doon sa mga branch natin mommy?” tanong ko kay mommy. “Gusto kasi kitang ipakilala sa ibang stuff natin sa korean restaurant lalo na may mga bagong dating na staff.” pag papaliwag ni mommy sakin. “Ah ganoon po ba mom sige po.” sagot ko naman sa kanya kaya naman ngumiti ito sa akin. “Anak may binili nga pala akong magandang dress para sayo, isuot mo sa pag alis natin.” saad ni mommy habang kumakain, kaya naman napatingin ako sa kanya bigla ng marinig ko na binilhan niya ako ng dress, for what? “Mom bakit naman po kailangan pa ninyo ako bilhan ng dress? eh.. hindi naman ako aatend sa mga sosyalang event.” sagot ko naman kay mommy. “Saka simpleng damit lang ang isuot ko okay na, mas komportable pa nga ako doon eh.” dadag ko pa kay mommy kaya naman tumingin na siya sa akin. “Anak mas pormal kasi kapag naka dress ka maganda tignan attractive pa, kesa naman lagi kang naka hoodie or t-shirt kapag lalabas tayo.” paliwag ni mommy sa akin. “Mom ayoko talaga mag dress hindi ako komportable mas gusto ko pang mag suot ng hoodie jacket kesa mag dress, kung ipipilit mo lang mommy sa akin ang binili mong dress hindi nalang ako sasama!” sagot ko naman kay mommy na may galit sa aking pananalita. “Ito nanaman tayo crysler, sinasabi ko lang kung anong bagay sayo, pero kung ayaw mo talaga bahala ka.” sagot ni mommy na hindi na ipinilit ang gusto niya, pag katapos kong kumain ay umakyat kaagad ako sa aking kwarto. Nakaupo ako sa gilid ng aking kama at nag papahinga saglit, patayo na ako ng higaan ng marinig kong tumunog ang phone ko, kaya naman kinuha ko at tinignan kung sino ang nag message sa akin sa f*******: messenger, nakita ko ang pangalan ni patricia sa screen ng phone ko, pag bukas ko ng message. "Crys, hindi kaba pumasok kanina? Hinanap kita sa buong campus pagkatapos ng praktis ko sa cheerleading, kasama ko sila chester mag hanap sayo, nag decide nalang kami umuwi no'ng hindi ka namin makita.. luv u.." Hindi ko na nereplyan ang bestfriend ko, tamad kong inilapag ang phone ko sa sidetable ng kama ko at nag simula na mag lakad papasok ng CR at naligo na. Kinabukasan habang nag lalakad ako ng hallway papasok ng classroom may umakbay sa akin sa gilid kaya tinignan ko kung sino, nakita ko si patricia na naka ngiti sa akin. “Kamusta praktis mo sa cheerleading?” tanong ko sa aking bestfriend na naka akbay sakin, sabay na kaming nag lalakad ngayon. “Ah, okay naman medyo may problema lang kami sa isang babae.” sagot ng aking bestfriend na medyo malungkot ang boses. “Bakit naman?” sagot ko sa kanya. “Uhmm okay naman siyang sumayaw, magaling siya, kaso nga lang kasi chubby siya, kaya hindi siya kayang buhatin ng mga boys namin para itaas at mag perform sa taas.” paliwanag naman ni patricia. “Eh, di palitan ninyo, sampo naman kayo sa isang grupo ninyo diba?” sagot ko naman sakanya, hanggang sa naka upo na kami sa loob ng classroom namin, marami pa kaming pinag usapan tungkol sa cheerleading, hanggang sa dumating na ang profesor namin at nag simula ng mag turo ng mga aralin, matapos magturo ang prof namin sabay na kami ng bestfriend ko tumayo para mag lunchbreak, Patungo kami ngayon sa canteen para kumain, si patricia ang nag hanap ng mauupuan namin at ako naman ang nag hanap ng masarap ng makakain namin, ang pinili ko ay ang lasagna, buko salad at pocari sweat, at ang sa bestfriend ko naman ay spagetty with chicken and water lang, binayaran ko na ang mga inorder kong pagkain at sinimulan hanapin ang bestfriend ko kung saan siya nakaupo, nang makita ko siya pinuntahan ko ito at naupo narin sa harapan niya dala ang mga pagkain, at nag simula na kaming kumain. “Ghurl na kilala ko na nga pala iyong friend nila chester na si alex, grabe ang gwapo niya at ang bait pa super friendly, tama nga si chester magugustohan mo talaga siya pag nakilala mo.” tuwang tuwa na sabi ni patricia sa akin. “Kailan mo naman nakilala aber?” tanong ko sa aking kaibigan na kumakain din kaharap siya. “Kahapon lang crys, pag tapos ng praktis ko sa cheerleading hinanap ka namin ni chester, kaso nga lang hindi ka namin nakita mag hapon inisip ko baka hindi ka pumasok.” sabi ni patricia habang sumusubo ng spaggetty. “Nasa library ako kahapon, umidlip lang ako, pero napasarap ata ang tulog ko kaya nagising ako na malapit na mag closing time, nag set naman ako ng time sa apple watch ko pero hindi ko alam kung bakit hindi tumunog iyon.” paliwanag ko sa aking kaibigan. “Sayang naman, hindi tuloy kayo nag kakilala ni alex.” sagot ni patricia sa akin na may panghihinayang. “Bakit ba kasi gusto n’yong makilala ko iyon? Eh hindi naman ako interesado sa mga lalaki, eww lang ha.” sagot ko kay patricia na may halong iritasyon sa mukha ko, kaya naman tumawa siya ng tumawa at tinignan ko lang siya habang tawang tawa sa huli kong sinabi. “Alam mo ghurl mas maganda kung mag kakaroon ka ng lovelife ng hindi ka nag mumukhang gangster o kaya naman mukhang manang.” saad niya sakin na tawang tawa parin sa aking itsura, inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin dahil alam ko naman na aasarin niya lang ako ng husto. “Anu ghurl punta ka mamaya sa covered court ha, antayin kita doon hanngang sa matapos praktis namin sa cheerleading squad.” dagdag pa ni patricia na exited pang mag kwento sa akin, at mukhang hindi na makapag antay para mamaya, tumango lang ako sa kanya, naunang matapos si patricia kumain dahil dederetso na daw siya sa court para mag praktis, nag mamadaling umalis ito kaya naman hindi na niya na inom ang mineral water niya at ako nalang ang uminom nito, Natapos na ang klase ko, ngayon papunta na ako sa covered court para manood sa praktis ng cheerleading ni patricia bitbit ko ang bag ko at ang pocari sweat ko na hindi ko nabuksan kanina, pag pasok ko sa covered court nakita ko na ang aking bestfriend kumaway siya sa akin ng makita ako, ngumiti lang ako sa kanya, hindi parin sila tapos mag praktis kaya naman nag hanap na ako ng mauupuan ko at nang makakita na ako ay naupo na ako at pina nuod na sila, naka ramdam ako ng konting pag kabagot kaya naman kinuha ko ang phone ko at nag check sa f*******: account ng mga latest post ng mga friend ko sa f*******: nag scroll pa ako hanggang sa mag sawa kaya naman nag laro nalang ako ng candy crush, “Crys!!” narinig kong pag tawag sa akin ni patricia, tumingala ako para makita siyang papalapit sa akin, saka ko lang pinatay ang phone ko ng makalapit na ito sa aking kinauupuan. “Tapos na ba kayong mag praktis?” tanong ko sa aking kaibigan na naka tayo sa aking harapan at nag pupunas ng pawis, iniabot ko sa kanya ang pocari sweat kong hindi ko nainom kanina, kinuha naman niya ito para inumin. “Oo ghurl naka kapagod nga eh.” sagot niya sa akin at pag katapos ay uminom na ito ng pocari, inilapag niya ang hawak niyang bag sa tabi ko at ang pocari na nainom niya, at naupo narin siya sa aking tabi at nag pahinga muna. “Pupunta nga pala mamaya dito sila chester sa covered court pag katapos daw ng last subject nila.” dagdag pa ni patricia na parang kinikilig habang nag kukwento sa akin. “Kasama ba sila miller at JB?” tanong ko sa kanya na nakatingin sa mukha nito. “Oo naman, syempre mag babarkada ang mga iyon posibleng hindi sila kompleto mamaya pag pumunta dito.” masayang sabi ni patricia sa akin. “Uhm.. okay.” iyon lang ang sagot ko sa aking kaibigan, kaya naman nag simula na siyang tumayo para mag palit ng damit dahil sa pawis nito, nag paalam muna siya sa akin bago tumalikod at naglakad patungo sa comfort room, nag antay pa ako ng ilang minuto sa loob ng covered court, hanggang sa tumayo na ako para mag punta na rin sa comfort room at umihi, patungo na ako sa CR saktong palabas naman ng comfort room si patricia. “Saan ka pupunta crys?” tanong niya sa akin. “Mag babawas lang ng tubig sa katawan ko.” sagot ko sa kanya na naka ngiti sa kanya. “Ah, sige antayin na kita doon sa inupuan natin kanina.” sagot naman niya sa akin at tinalikuran na ako hindi na niya inantay ang sagot ko, kaya naman dumeretso na ako sa loob ng comfort room at umihi na, pag katapos ko umihi lumabas na ako at bumalik sa covered court, nakita ko si patricia na naka upo sa inupuan namin kanina at hawak ang phone niya na parang may kausap, nag lakad ako palapit sa kanya, tinapik ko siya sa braso dahil mukhang hindi niya napansin ang pag dating ko. “Hoy, mukhang busy ka ata diyan sa ka chat mo ah?” pang aasar ko sa kanya na naka ngiti at tumingin lang ito sa akin, kaya naman hindi ko na napigilang mag tanong pa sa kanya. “kayo na ba ni chester?” tanong ko sa kanya. “Hindi noh, friend lang kami.” sagot niya sa akin na akala mo kinikiliti sa kilikili. “Eh bakit parang kilig na kilig ka sa harapan ng phone mo habang nag memesage.” pang aasar ko pa sa aking kaibigan at naupo narin sa tabi niya. “Nag message kasi siya sa akin na malapit na raw matapos ang last subject nila.” paliwanag niya naman sa akin. “So, hindi kayo?, pero sinasabi niya iyong mga details about class nila kung patapos na ba o hindi pa?” sagot ko sa kanya na may halong pag tataray sa boses. “Okay fine, nanliligaw palang siya sa akin.” naka ngiting sabi ni patricia habang nag titipa parin ng message sa phone. “Ohhh.. okay, support naman kita eh, saka mukha namang mabait si chester.” sagot ko naman sa kanya, mag sasalita pa sana ako ng marinig ko ang ingay ng mga sasakyan, lumingon kami ni patricia sa napaka ingay na tunog ng mga nag gagandahang kotse, isang BMW at mustang na black din, ito ang nakita ko nung nakaraan, at ang dalawa naman mercedes at audi, nakita kong unang bumaba si chester sa BMW kaya naman tumingin ako kay patricia na ngiting ngiti ng makita si chester. “Crys andyan na sila, kumpleto sila ngayon.” sabi ni patricia na tuwang tuwa sa tabi ko, at kilig na kilig. “Tricia!!” tawag naman ni chester kay patricia na ikinagulat ko, duh? May nick name na silang tawagan pero hindi pa sila, nakita kong masayang masaya si patricia habang papalapit ang apat na binata sa amin, papasok na sa loob ng covered court ang apat na binata, ng may marinig akong malakas na boses at tinatawag ang pangalan ko, kaya naman tumingin ako sa may labasan ng covered court para malaman kung sino ang tumatawag sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD