Chapter 4
“Crys!!” sigaw ng isang babae, nakita ko si mommy na kumakaway sa akin sa labasan ng covered court, kumaway din ako pabalik kay mommy, naalala ko na itong week nga pala dadalhin niya ako sa mga branch ng restaurant namin, agad akong lumingon kay patricia na nakatingin sa apat na binata na paparating,
“Pat!” tawag ko sa aking kaibigan na napatingin sa akin.
“Bakit crys?” tanong niya sa akin.
“kailangan ko na nga palang umalis, nasa labas ng covered court si mommy may usapan pala kami na dadalhin niya ako sa mga branch ng restaurant namin nakalimutan kong sabihin sayo.” paliwanag ko sa aking kaibigan na napa tingin sa labas ng covered court kung nasaan si mommy, kinawayan ito ni patricia at ng makita siya ni mommy kumaway din ito pabalik.
Nag madali akong iligpit ang mga gamit ko at ang shoulder bag ko ay inilagay ko na sa aking balikat, Nag paalam na ako kay patricia at humalik sa pisnge niya ganoon din ang ginawa niya sa akin
“Ingat crys, next time nalang ulit.” saad ni patricia na may pang hihinayang sa boses niya, patakbo akong lumabas ng covered court habang ang mga mata ko ay nakatingin lang kay mommy na nag aantay sa labas at hindi ko na napansin sila chester na nasa loob narin ng court at nag kasalubong kami.
“Crys!” mahinang tawag ni chester sa akin ng maka salubong nila ako, hindi ko na ito nilingon naisip ko na si patricia nalang ang bahalang mag paliwanag sa kanila kung bakit ako nag mamadaling lumabas.
Nang makarating na ako sa kina tatayuan ni mommy ay humalik ako sa kanya at niyakap naman niya ako agad.
“Crys sumakay kana.” sabi ni mommy na naka turo sa kotse niyang ford na white, kaya naman sumakay na rin ako sa harapan at nag lagay na ng seatbealt. mag katabi na kami ngayon ni mommy sa loob habang minamaneho niya ang kotse may ibinigay siya sa aking paper bag na ang tatak ay mendrez.
“Baka gusto mo mag palit ng damit, kesa naman naka uniform kang pupunta sa restaurant natin?” saad ni mommy na patuloy parin ang pag mamaneho.
Tinignan ko ang laman ng paper bag at niladlad ang damit na off shoulder na dress, hanggang tuhod ang haba at green and white color puro flower ang design, kumunot ang noo ko ng makita ang damit kaya naman ibinalik ko ito sa loob ng paper bag at inilagay sa back seat. “Mom hindi mo naman ako kailangan bilhan ng mga ganyang damit, masasayang lang lahat iyan hindi ko masusuot iyan at ayokong suotin yan, okay na ako dito sa suot kong uniform.” reklamo ko kay mommy na may halong iritasyon sa boses ko.
“Anak hindi kita pinipilit na isuot mo ngayon iyan, ibinigay ko lang sayo yan baka kasi magustuhan mo o kaya naman pag dating ng araw baka maisipan mong suotin.” paliwanag ni mommy sa akin,
Nang makita ko na malapit na kami sa restaurant tinanggal ko na ang seatbelt ko, si mommy naman nag hahanap kung saan pwede mag park ng sasakyan, nang makapag park na kami binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba na agad, dumeretso ako sa waiting area ng restaurant namin at doon na naupo at nag antay kay mommy, hindi ako naka tiis kaya naman pumasok na ako sa loob, laking gulat ko ng biglang may humarang sa aking guard at tiningala ko ito.
“Miss, may pina reserved ba kayong table?” tanong ng guard sa akin habang naka harang parin sa pinto.
“Wala ho, kailangan po ba iyon?” tanong ko naman kaagad sa guard na naka tingin sa akin. “Yes po, sa receptionist ka na lang miss mag tanong.” saad ng guard sa akin habang naka turo ang mga kamay sa gilid ng pinto, mayroong table doon at may babaeng naka upo, naka harap ito sa computer, tumingin ako sa babaeng naka upo at nang makita niya ako ay bigla siyang tumayo.
“Yes ma’am may I help you?” tanong ng babae sa akin ng naka ngiti, mag sasalita na sana ako ng dumating si mommy sa likuran ko.
“Kasama ko siya.” Saad ni mommy sa likuran ko kaya naman napatingin ang babae sa kanya gano’n din ang guard.
“Kayo po pala ma'am pasensiya na po.” Paumanhin ng babae kay mommy gano’n din ang guard, hinawakan ako sa balikat ni mommy at iginaya sa loob ng maka pasok na kami sa loob ay ipinakilala na ako ni mommy sa mga staff niya isa isa, nakipag kamay ang mga ito sa akin ng makilala nila ako, matapos ni mommy akong ipakilala sa mga staff niya ay kumain narin kami dito sa restaurant.
“Nagustuhan mo ba ang mga pagkain anak?” tanong ni mommy sa akin habang kumakain kami. Napatingin ako sa mga pagkain na naka handa sa lamesa napakarami at masasarap mayroon sushi, ramen, t-bone steak.
“Opo, masasarap ang mga pagkain dito.” Sagot ko naman kay mommy at ngumiti lang ito sa akin hanggang sa maparami pa ako ng nakain, kaya naman nabusog ako ng sobra at halos hindi na maka hinga sa laki ng tiyan ko.
Pauwi na kami ngayon ni mommy, sa sobrang busog ko at pagod naka tulog ako sa loob ng sasakyan, mahimbing ang pag katulog ko kaya hindi ko na napansin na nasa harapan na pala kami ng bahay, tinapik ni mommy ang balikat ko para gisingin ako.
“Anak gising na nandito na tayo.” Mahinang sabi ni mommy, nagising ako sa pag tapik ni mommy sa aking balikat at nag unat muna ako ng mga kamay bago binuksan ang pinto sa gilid ko saka bumaba ng sasakyan. Pag pasok ko sa loob ng bahay dumeretso na ako paakyat sa aking silid hindi na ako nag punas ng katawan, nag palit nalang ako ng pantulog at ibinagsak ko na ang aking katawan sa kama.
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock 5:00am palang, bumangon na ako sa aking higaan hindi ko na inantay pa na gisingin ako ni mommy, bumaba na ako sa kusina para mag luto ng breakfast ko at mag almusal, binuksan ko ang kalan at pinainit ang frying pan, kumuha ako ng itlog sa ref at hotdog, ininit ko na rin ang kanin, habang nag luluto narinig kong pababa ng hagdan si mommy kaya naman lumingon ako dito.
“Crys, anak ang aga mo ata gumising ngayon?” takang tanong ni mommy habang pababa ng hagdan.
“Nag alarm po kasi ako ng 5:00am kaya ng tumunog na yong alarm ko po gumising na ako.” Sagot ko naman kay mommy habang nag luluto ng hotdog at itlog. Nang makalapit na sa akin si mommy ay siya na ang nag patuloy sa ginagawa kong pag luluto.
“Anak maligo kana ako na ang gagawa nito.” Saad ni mommy sa akin na hawak hawak na ang kawali.
“Sige po mom.” Sagot ko naman, tumalikod na ako at umakyat na sa kwarto ko para maligo, naka bihis na ako ngayon at naka uniform, tinitignan ang sarili sa salamin, nang tumunog ang phone ko agad ko naman tinignan kung sino ang tumatawag sa akin, nakita ko ang pangalan ni patricia kaya naman sinagot ko ang tawag nito.
“Pat bakit?” tanong ko sa kaibigan kong nasa kabilang linya.
“Crys good morning, nasa labas kami ng bahay ninyo kasama ko si chester.” Masayang sabi ng aking kaibigan sa kabilang linya kaya naman agad akong bumaba at lumabas ng bahay, nakita ko sila sa loob ng BMW na naka sakay lumabas ang mga ito nang makita nila ako.
“Crys good morning!” Bati ni chester sa akin, kaya naman ngumiti ako sa kanya at inaya ko sila sa loob ng bahay para maka pag breakfast at sumunod naman sila sa akin, nang makita sila ni mommy ay nag dagdag ulit ito ng itlog at hotdog nag timpla narin siya ng kape para sa aming tatlo, naupo naman kami sa harap ng lamesa habang si mommy ay nag hahain sa amin.
“Chester nag palit kaba ng kotse mo?” panimulang tanong ko kay chester habang kumakain na kami, tumingin ito sa akin at ngumiti.
“Actually BMW GTR talaga ang kotse ko, noong araw kasi na makita ninyo kami ni tricia malapit sa covered court nag palit lang kami ni JB noon, dahil nga gusto kong ma experience ang bago niyang mustang.” Paliwag ni chester sa akin at ngumiti lang ako sa kanila.
“Bakit mo naman naitanong crys?” takang tanong naman sa akin ni patricia.
“Ah wala naman, sabi kasi niya mahirap lang daw siya eh.” Sagot ko sa aking best friend, akala ko ba mahirap lang siya sabi niya tapos mustang pala kotse wow lang huh, sabi ko sa isip ko.
“Ganoon lang talaga iyon si JB mahilig mag biro, pero mabait din iyon at friendly kaso nga lang siya talaga ang pinaka pilyo sa barkada namin.” Sagot naman agad ni chester sa akin, tumingin ako sa aking apple watch kung anong oras na 6:47am palang medyo maaga pa naman at 8’oclock pa ang start ng first class namin.
Nasa klase na kami ngayon ni patricia at nakikinig sa prof. namin na nag didiscuss sa harapan.
“Ghurl punta ka nga pala mamaya sa covered court gusto kang makilala ni alex hindi kasi natuloy kahapon sayang.” Sabi ni patricia na may pang hihinayang sa boses, habang ako naman ay busy sa pag susulat.
“Uhm pat pwede bang next time nalang gusto ko kasing umuwi ng maaga para maka pag review, lalo na nagyon malapit na ang exam.” Paliwanag ko sa aking bestfriend habang patuloy ang aking pag susulat sa notebook. “Okay ghurl ikaw ang bahala sabihan ko nalang sila chester pag nag kita kami mamaya sa covered court.” Saad ng aking bestfriend.
Dumaan ang matuling araw Friday na ngayon, bihira narin kami mag kita ng bestfriend ko dahil busy siya sa pag praktis sa cheerleading at lalo na ngayong parang nag kaka mabutihan na sila ni chester, ayoko naman na maka istorbo sa kanila kapag mag kasama sila, kaya ako na ang umiiwas sa bestfriend ko, isinubsob ko nalang ang aking sarili sa pag aaral, nag rereview, pasok sa klase, at uwi ng maaga ang ilang araw na ginagawa ko.
Sabado na nga ngayon at maaga akong inihatid ni mommy kila grandma, para makapag bonding nanaman, nakaupo ako ngayon sa terrace at nag lalaro ng candy crush nang tinapik ako ng pinsan kong si jaycee sa kamay. “Crys gusto mo bang sumama sa amin mamaya?” tanong ng aking pinsan na si jaycee habang hinihila ang isang upuan para maupo sa aking tabi.
“Saan naman pupunta?” tanong ko naman sa pinsan ko na patuloy parin ako sa pag lalaro. “Manonood ng car show at motor show sa park.” Excited na sabi ng aking pinsan, Tango lang ang sagot ko sa aking pinsan.
Nasa park na kami ngayon at nanonood ng car show at motor show, kasama ko ang mga pinsan kong si lynneth, trixie mae, at jaycee masayang masaya ako habang nanood ng mga nag gagandahang motor, may mga nag eexhibition pa sa motor kaya lalo naman akong humanga sa mga ito. Tinawag ko si trixie na nanonood sa car show lumingon ito sa akin at ngumiti kaya naman lumapit ako sa kanya at inaya siyang bumili ng makakain namin.
“Trixie, mas masasarap ata ang mga pagkain doon.” Turo ko sa aking pinsan doon sa may cart na naka display na BBQ at mga dessert. Lumapit kami doon at bumili ng BBQ at dessert para sa aming apat. Habang hindi pa naluluto ang binili naming BBQ hinanap muna namin ang dalawang mag kapatid na si jaycee at lynneth. “Crys!” sigaw ng aking pinsan na si jaycee kaya napalingon kami ni trixie sa kanya, mag kasama sila ng kapatid niyang si lynneth papalapit sa amin.
“Kuya jaycee, lynneth bumili kami ni trixie ng makakain natin.” Masayang sabi ko sa kanila. “Tara sige kain tayo.” Sagot naman agad ng aking pinsan na kasama ang kapatid na si lynneth. Nag umpisa na kaming mag lakad at mag hanap ng mauupuan sa park. Ako na ang nag presenta na kunin ang mga pinamiling BBQ at dessert, si lynneth naman ang bumili ng mga drinks namin.
Nakaupo na kami ngayon at nag uusap usap habang nilalantakan ang biniling BBQ. Nag aasaran kaming apat at nag uusap tungkol sa mga crush namin. Hanggang sa mapunta sa akin ang usapan.
“Ikaw crys, may crush ka na ba?” tanong ng aking pinsan na si trixie.
“Wala eh, Bakit?” sagot ko naman dito habang umiinom siya ng milk tea. Bigla naman natawa ang pinsan kong si jaycee at si lynneth.
“Paano mag kakaroon ng crush iyan eh, nakita mo ba pormahan ni crys parang mananapak ng lalaki.” Sagot ni jaycee sa pinsan kong si trixie na tawang tawa sa sinabi.
“Si crys ata ang lalaki eh.” Natatawang sabi naman ni lynneth.
“Hindi kaya noh.” Sagot ko naman sa kanila. “Saka wala akong balak na mag boyfriend, hindi ko pa trip.” Dagdag ko pa sa kanilang lahat.
Madaling araw na natapos ang car show at motor show, hinatid narin nila ako pauwi gamit ang white van na hi-ace ni jaycee. Bumaba na ako sa van at nag paalam na sa kanila. Dahan dahan kong binuksan ang gate para hindi magising sa ingay si mommy. Umakyat ako kaagad sa aking kwarto, naghilamos at nagpalit na ng pantulog at nahiga na sa malambot na kama.
Tanghali na ako ng magising, naka higa parin ako sa higaan, narinig kong nag vibrate ang phone ko kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag message sakin at walang iba kundi ang best friend kong makulit.
“Crys pwede ka ba sumama sa amin ni chester manonood tayo ng sine ksama si alex." Message ng aking kaibigan sa phone ko, Nagtipa ako sa phone ko.
“Ghurl hindi ako pwede eh nasa resto kami ni mommy next time na lang ghurl.” Pag dadahilan ko sa aking bestfriend. Ayoko talaga sumama sa kanila at ayoko pang mag ka boyfriend. Kaya naman todo iwas ako sa bestfriend ko at sa barkada ni chester, hindi na nag reply sa phone ko ang aking bestfriend, bumalikwas ako ng higa ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. Nakita ko si mommy.
“Crys, anak gusto mo bang sumama sa akin sa restaurant natin?” Tanong ni mommy sa akin na nasa pinto lang ito at naka tayo.
“Hindi na po mom.” Sagot ko kay mommy na naka higa parin sa higaan.
“Okay sige anak aalis na ako.” Saad ni mommy lumapit ito sa akin at humalik sa aking noo bago umalis. Pag kaalis ni mommy saka lang ako bumangon at nag mamadaling maligo, nang maka bihis na ako ay agad din na umalis ako sa bahay, naisipan kong mag punta sa mall at mamili ng gusto ko, napadaan ako sa department store ng may makita akong magandang hoodie jacket, nilapitan ko ito at sinuri ang tela kung maganda ba, nang biglang may lalaking tumabi sa aking gilid at mahinang tinawag ang aking pangalan.
“Crys! Ikaw ba yan?” tanong ng binata sa tabi ko na naka tingin sa aking mukha, nilingon ko ito at tinignan sa mukha, sinuri ko ito ng mabuti, pero bago pa siya maka pag salita ulit ay tinalikuran ko na siya at nag mamadaling umalis. Kahit ilang beses ko pang narinig ang pangalan ko na tinatawag niya. Umuwi na ako kaagad ng bahay dala ang mga pinamili ko, naupo ako sa sofa habang iiniisip ang lalaking tumawag sa akin sa mall iniisip ko kung sino siya at bakit niya ako kilala.
Nasa canteen ako ngayon at kumakain mag isa, nang may tumawag sa tabi ko at umupo.
“Ghurl kamusta ka na?” tanong ni patricia sa akin na naka ngiti.
“Ilang araw na tayong hindi nag kakasabay mag lunch break ah.” Dagdag pa nito na may halong pag tatampo, at ako naman ay patuloy sa pagkain, isinubo ko muna ang huling sandwich na hawak ko sa aking bibig bago mag salita. “Pasensiya na pat busy lang talaga ako.” Pag papaumanhin ko sa aking kaibigan.
“Okay lang iyon ghurl ako din naman eh busy sa pag praktis.” Saad niya sa akin na naka ngiti nang matapos na ako kumain sinabayan ako ni patricia mag lakad, ako ay patungo sa sunod kong subject siya naman ay patungo sa covered court hanggang sa nag paalam na kami sa isat isa.
Nang maka pasok na ako sa class room ay naupo na ako sa aking upuan, kasunod ko ang aking prof na nag mamadaling pumasok ng class room.
“Class mag si upo na ang lahat.” Saad ng aming profesor sa harapan.
“Kailangan ko ng isang babae na papalit sa grupo ni patricia,” dagdag pa ng aming profesor, kaya naman nag taas ng kamay ang isang studyante sa likuran ko.
“Prof. bakit po? May problema po ba sa grupo ni patricia?” tanong ng isang studyante sa profesor namin.
“Uhm yes, ankle dislocation, severe injury in which there is an abnormal seperation between 1 or more of the bones of her ankle joint. she might have severe pain right away, swelling and a deformed look to the ankle. she likely won’t be able to put weight on her foot.” Paliwanag ng profesor sa aming lahat.
“Kamusta naman po si patricia prof.” tanong ko naman sa aming profesor na nakatayo sa harapan.
“Okay naman siya, magaling siyang mag balance ng katawan kapag nasa taas na siya para mag perform, kaya no worries about her.” Saad ng profesor sa akin.
Natapos na ang aming last subject nag lalakad na ako palabas ng campus, nakita ko sila patricia sa labas ng covered court nakatambay ito kasama sila chester, kumaway ang mga ito sa akin kaya naman kumaway narin ako sa kanila. Lumapit ako sa kinatatayuan nilang lahat, unang lumapit sa akin si patricia at yumakap sa akin.
“Ghurl na miss kita.” Sabi ni patricia habang naka yakap sa akin.
“Ako din pat na miss din kita.” Sagot ko naman sa aking kaibigan, tumingin ako kay chester si miller lang ang kasama nito.
“Sayang hindi mo naabutan si alex.” Saad naman ni chester sa akin na naka ngiti.
“Okay lang yo’n marami pa namang darating na araw.” Sagot ko naman kay chester at ngumiti dito.
Naka sandal kami ngayon sa kotse ni chester at nag uusap usap naitanong ko kay patricia ang tungkol sa cheerleading kung naka hanap na ba sila ng bagong ipapalit nila.
“Hindi pa kami nakaka hanap ng bagong member sa group, pero napag usapan na kanina nila prof na kukuha ulit sa loob ng klase, pero this time daw ang pipiliin nila ay medyo skinny iyong tama lang ang pangangatawan.” paliwanag ng aking kaibigan.
“Bakit ikaw crys ayaw mo bang sumali sa kanila?” tanong ni miller sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa.
“Ah hindi eh ayoko sa mga ganyan, hindi ako komportable.” Sagot ko naman kay miller.