Chapter 5
“Saka hindi ako magaling mag balance ng katawan lalo na kapag nasa taas ako baka mahilo lang ako.” Dagdag ko pa.
“Ah ganoon ba, pero kapag sinubukan mo naman at masanay kana, hindi kana mahihilo, katulad ni tricia, sabi niya sa akin takot din daw siya dati sa mga cheerleading, pero nung nasanay na siya na wala na ang takot niya.” Paliwanag naman sa akin ni chester na katabi si patricia.
“Tama, bakit hindi nalang kaya ikaw ang kunin namin crys sa grupo namin, tutal maganda naman ang pangangatawan mo.” Saad ni patricia na naka tingin sa buong katawan ko kaya naman sinimangutan ko ito.
“Pat, hindi lang ako ang studyante sa loob ng klase natin kaya wag mo na ipilit ang gusto mo. wag ako, iba nalang.” Sagot ko naman sa aking kaibigan.
“Pero crys! kung ikaw ang kukunin namin sa grupo namin hindi maiilang na hawakan ka ng mga boys, at lalong lalo na hindi ka nila ihuhulog, takot lang nilang masapak mo ang mga mukha nila ano!” Paliwanag pa ng husto sa akin ng kaibigan ko.
“Gusto mo ba turuan ka namin ngayon sumayaw at buhatin pataas? Nandito naman kami ni miller eh willing kaming mag turo sayo kung gusto mo, para ma itry mo din.” Saad naman ni chester sa akin.
“Hindi na! ayoko talaga, hindi na mag babago ang desisyon ko kaya wag nyo nang ipilit pa ang gusto ninyo, sorry talaga pat, talagang takot ako sa mga ganyang bagay lalo na malapit sa disgrasya.” Paliwanag ko naman sa kanilang tatlo kaya naman hindi na sila nag pumilit pa na isali ako sa grupo ni patricia.
Hinatid ako ni patricia at chester sa bahay, inimbitahan ko silang dito nalang mag hapunan dahil wala naman akong kasama dito sa bahay si mommy kasi minsan gabi na umuuwi at minsan naman hindi na siya kumakain dito. Pumasok na kami sa loob at pina upo ko muna sila sa sofa, iniabot ko ang remote kay patricia para sila na ang mamili ng channel na gusto nilang palabas. Nag simula na akong tumingin sa freezer kung ano ang mga naka stock, nakita ko ang manok kaya inilabas ko ito at pina lambot para iadobo, nag labas narin ako ng fresh tuna para mag steamed fish, habang pinapa lambot ko ang manok umakyat muna ako sa kwarto at nag madaling mag bihis ng pam bahay at bumaba agad patungo sa aking kaibigan.
“Pat anong gusto ninyong drinks?” tanong ko sa aking kaibigan pag kababa ko.
“kahit ano nalang crys! ikaw na ang bahala, pag need mo ng help tawagin mo lang ako.” Sagot naman ng aking kaibigan, kaya tumango nalang ako at tumalikod na sa kanila.
Nang matapos na ang lahat ng niluto ko sinimulan ko nang eready ang mga plato, nakita naman ng aking kaibigan ang ginagawa ko kaya naman tinulungan na niya ako sa pag hahanda ng mga pagkain. Tinawag ni patricia si chester para kumain na. nauna na akong maupo habang si patricia naman ay inaantay si chester na maka lapit sa amin.
Sabay sabay na kaming kumakain ngayon sa lamesa.
“Crys saan nga pala ang mommy mo?” tanong ni chester sa akin kaya huminto muna ako sa pagsubo ng kanin.
“Nasa korean restaurant pa namin, minsan gabi na umuuwi iyon at doon narin kumakain. kailangan niya kasing emanage ang tatlong restaurant namin para daw sa future ko.” Sagot ko naman kay chester na tango lang ang isinagot sa akin.
“Alam mo bang napaka bait no’n ni tita berry, napaka lambing at mapag pasensya palagi sa lahat ng bagay.” saad naman ni patricia.
“Oo nga eh malambing at mabait nga, naalala mo ba no’ng sinundo natin si crys ng napaka aga, diba nga nag luto pa ulit siya ng hotdog at itlog para makakain din tayo tapos pinag timpla pa tayo ng kape.” Tuwang tuwa na sabi ni chester, kaya naman natawa kaming dalawa ni patricia.
“Ganon lang talaga si mommy masyadong mabait at malambing sa lahat ng tao kaya nga inabuso siya ng dati naming katulong eh.” Saad ko sa kanilang dalawa na patuloy sa pag subo ng kanin.
Marami pa kaming pinag kwentuhan tungkol sa mga buhay namin hanggang sa maka isip na si patricia na mag out of town kami after ng exam kasama ang mga barkada ni chester.
“Pat hindi na siguro maganda kung puro lalaki ang kasama natin baka kung ano pa ang isipin sa atin ng ibang tao niyan.” Paliwanag ko naman sa aking kaibigan.
“Crys mapag kaka tiwalaan ang mga kaibigan ni chester maniwala ka sa akin.” Pag pupumilit ng aking kaibigan.
“Tama si tricia crys, kilala ko ang mga kaibigan ko hindi sila gagawa ng kahit na anong ikaka pahamak nila, saka mababait sila.” Paliwanag pa ni chester sa akin.
“Ano crys? Payag ka na ba na mag out of town tayo after ng exam? Im sure na mag eenjoy ka.” Excited na tanong ng aking bestfriend.
“Pag iisipan ko pa! saka kailangan ko pang mag paalam kay mommy nang hindi siya mag aalala sa akin.” Paliwanag ko naman sa kanila na tumango lang sa akin.
“Sige crys, tapos saka natin pag usapan kung saang lugar ang magandang puntahan.” Tuwang tuwa na sabi ni patricia, Kaya naman pumayag na ako kaagad. alam ko naman na papayagan ako ni mommy kapag naka usap ko na siya, gusto ko rin mag punta sa iba’t ibang lugar, yong mga lugar na hindi ko pa napupuntahan.
Pag katapos namin kumain ay nag aya akong manuod ng movie sa USB ko ng love story.
“Pat gusto niyo ba ni chester ng snack at drinks habang nanonood ng movie?” tanong ko sa aking kaibigan.
“Magandang idea yan crys, sige. anong drinks ba pwede natin inumin?” tanong naman sa akin ni patricia na may halong pilyo ang ngiti.
“Ghurl hanggang softdrinks lang tayo, kape, at juice.” Saad ko naman sa kanya na naka irap Kaya naman tumawa lang si chester sa kanya.
“Tama si crys, tricia hanggang sa softdrinks lang muna tayo, wag masyado pa sobra, baka malasing tayo sa softdrinks na iibigay ni crys.” Natatawang sabi ni chester kay tricia kaya natawa narin kami. tumayo na ako at nag tungo sa kusina para kumuha ng tatlong coke lemon sa ref at mga snack. pabalik na ako sa sofa ng makita ko si chester na may kausap sa phone.
“Makakapunta ka ba dito sa rockwell ngayon alex?” tanong ni chester sa kausap niya sa phone.
“Ibibigay ko sayo ang address ni crys kung makaka habol ka dito manonood kasi kami ng movie, love story.” Dagdag pa ni chester sa kausap niya sa kabilang linya, iniabot ko kay patricia ang isang coke lemon in can ganon din kay chester nag abot din ako ng isa at naupo sa tabi ng aking kaibigan na si patricia habang pina kikinggan si chester at ang kausap niya sa kabilang linya.
“Ah ganon ba? hindi ka pwede Sige next time nalang.” Sabi ni chester sa kausap niya sa kabilang linya at nag paalam na ito.
“Crys kausap ko nga pala si alex inimbitahan namin ni tricia, kaso hindi daw siya pwede eh.” Sabi naman ni chester.
“Bakit naman hindi siya pwede ngayon?” tanong naman ni patricia kay chester.
“May dinner meeting daw ang family niya ngayon at kasama siya.” Paliwanag naman ni chester sa aming dalawa ni patricia.
“Bakit ba gustong gusto ninyong mag kakilala kami ni alex? Ano bang meron sa amin?” takang tanong ko naman sa kanila.
“Crys matagal ka na kasing gustong makilala ni alex eh, hindi lang talaga kayo mag tagpo.” Paliwanag ni chester sa akin.
“Matagal? Paano naman niya ako nakilala eh hindi naman ako famous dito sa campus.” Sagot ko naman kay chester.
“Madalas ka daw kasi niyang makita sa library na natutulog.” Kwento pa ni chester sa akin na huma halakhak sa pag tawa ganoon din si patricia, kaya naman napa takip nalang ako sa aking bunganga at gulat na gulat sa sinabi ni chester.
“Hindi na ako pupunta ng library kahit kailan.” Naka simangot kong sinabi sa kanilang dalawa kaya naman tawang tawa silang dalawa sa akin.
“Baka naman ghurl tumutulo pa ang laway mo kapag natutulog doon sa library.” Pag bibiro pa ni patricia sa akin na lalo ko lang kina inis habang sila naman naka hawak na sa mga tiyan nila sa sobrang sakit kakatawa.
“Naalala mo ba no’ng unang araw na nag pakilala ako sa inyo ni tricia, yo’n yong araw na dapat mag papakilala sayo si alex, kaso nag karoon ng emergency sa kanila kaya hindi na siya nakarating.” Paliwanag ni chester sa amin.
“Ah ganon ba? Okay lang iyon marami pang araw na darating.” Sagot ko naman sa kanilang dalawa.
Natapos na namin ang love story movie, hating gabi narin at nag simula na kaming iligpit ang mga kalat na kinainan naming mga snack at ang mga coke in can, tinulungan ako ni patricia at chester na mag ligpit, pag katapos nila akong tulungan mag ligpit ng mga kalat nag paalam narin ang mga ito para umuwi na.
Kinabukasan nag mamadali akong pumasok sa P.E class namin dahil meron daw sasabihin ang profesor naming importante, kaya naman pag pasok ko ay naupo na agad ako at hindi ko na namalayan kasunod ko lang pala si patricia sa likod ko at kasunod naman din ni patricia ang profesor namin, nag madali narin ang aking kaibigan na maupo sa aking tabi at ngumiti ito sa akin.
“Okay class mag groupings ulit kayo pero this time girls lang ang pwede mag groupings, hindi na kasali ang mga boys at ang grupo ni miss patricia.” Paliwanag kaagad ng aming profesor, Hinanap ng aking mga mata ang naka grupo ko sa likuran at nang makita ko ang ilang babae ay nag lakad na ako palapit sa kanila, as if naman na mananalo itong grupong ito kaya nga gustong gusto ko sa kanila eh.
Pag katapos namin mag groupings ay pina sayaw na kami ng profesor namin by groups para makita niya raw kung sino ang magagaling sa mga babae sumayaw, pangatlong grupo na ang sumasayaw pero mukhang wala paring napipiling babae para ipalit sa grupo ni patricia. natapos na lahat ng mga babae sumayaw sa harapan ng profesor namin at kami na ang last groups na sasayaw kaya naman pumunta na kami sa harapan at nag start na ng short dance. Nang matapos na kami sumayaw at saka naman pumunta ang profesor namin sa harapan para mag discuss.
“Okay girls very good naman ang lahat sumayaw.” Saad nang profesor sa aming lahat.
“Please come forward iha.” Tawag ng aming profesor sa isang studyante kaya lumapit naman ito. “sumunod ka sa amin ni patricia sa covered court after ng lunch break niyo okay?” Dagdag ba sabi ng aming profesor at tango lang ang sinagot ng studyante sa kanya, kaya naman nag simula ng magligpit ng gamit ang profesor namin at nag lakad paalis. Naka hinga ako ng malalim dahil akala ko ako na ang kukunin nila.
Nag lalakad na kami ngayon ni patricia papuntang canteen para mag lunch break, pag pasok namin ng canteen ay nag hanap muna kami ng bakanteng mauupuan bago bumili ng makakain, si patricia na ang pumili ng kakainin namin ako naman ay nakaupo lang at inaantay ang aking kaibigan makabili ng pagkain.
“Crys naka pag paalam ka na ba sa mommy mo para sa out of town natin after ng exam?” tanong ng aking kaibigan habang kumakain.
“Hindi pa eh, saka gabing gabi na siguro naka uwi si mommy kagabi pagkatapos natin manood ng movie natulog na ako.” Paliwanag ko naman sa kanya.
“Ah ganoon ba! sige next time nalang medyo matagal pa naman exam natin eh.” Sagot naman ni patricia sa akin, nag lalakad na kami ngayon palabas ng canteen si patricia ay patungo sa covered court para mag praktis ng cheerleading ako naman ay papunta sa susunod na subject ko.
Naka upo na ako ngayon at nakikinig sa science profesor namin na nag didiscuss sa harapan, nang may lumapit na isang studyante sa science profesor namin kaya naman na hinto ito sa pag tuturo, may iniabot itong studyante sa science prof namin na sobre at agad namang kinuha at binuksan ng profesor kung ano ang naka sulat dito, nang matapos na basahin ay tumingin ito sa akin at tinawag ako.
“Miss crysler zamora please stand up, come here!” Pag tawag ng aking profesor sa aking pangalan, kaya naman lumapit ako sa kanilang dalawa sa harapan na ipinag tataka ko.
“Bakit po prof?” takang tanong ko sa aking profesor na hindi ako mapalagay.
“Miss crysler pinapatawag ka sa Faculty office may importante atang sasabihin sayo ang P.E prof ninyo!” Saad ng aking science profesor. “Dalhin muna ang mga gamit mo miss crysler.” Dagdag pa ng profesor namin.
Habang nag lalakad ako patungo sa faculty office ay nag iisip na ako kung bakit kailangan pa akong ipatawag ng P.E prof namin, samatalang naka kuha na sila ng ipapalit sa isang estudyante na napilayan, papasok na ako sa faculty office at naka hawak na ako sa pihitan ng pinto, nang marinig ko ang boses ng bestfriend kong si patricia.
“Prof sigurado ako na hindi kayo mapapahiya kapag si cry-“ na putol ang sinasabi ng aking kaibigan ng marinig niya ang pag bukas ko ng pinto, sabay silang tumingin sa akin.
“Crysler ikaw pala, come here!” Saad ng P.E prof namin kaya lumapit na ako kaagad sa kanila.
“Bakit po prof. may problema po ba?” takang tanong ko sa aming profesor.
“Ikaw ang kukunin namin para ipalit doon sa isang studyanteng na pilayan.” Saad ng profesor sa akin.
“Pero prof diba n-naka kuha na kanina ng bagong ipapalit sa n-napilayan.” Pautal utal kong sabi sa profesor namin.
“Yes miss crysler, pero hindi nag tagal inatake siya ng asthma, kaya naman isinugot namin kaagad sa clinic para mabigyan siya ng first aid or medical treatment.” Paliwanag ng profesor sa akin.
“Pero prof hindi po ako magaling sumayaw at lalong lalo na hindi rin ako marunong kumending.” Pag dadahilan ko pa sa aming prof.
“Wala na kaming choice miss crysler ikaw-“ hindi na natapos ang sasabihin ng profesor namin ng pinutol ko kaagad iyon.
“Pero prof hindi lang ako ang studyante mo sa loob ng class room marami pa, iba nalang prof wag na ako!” Pag dadahilan ko pa sa aming profesor halos mag lupasay na ako sa inis.
“Mamili ka miss crysler, 5.0 sa exam or 1.0 ang result ng exam mo sa P.E?” tanong ng prof sa akin kaya naman hindi na ako nag pumilit pa ng idadahilan ko, yumuko nalang ako na para bang nalugi sa negosyo ang itsura at tumango nalang ako sa profesor namin. “Okay, tomorrow get ready for your first practice.” Saad ng profesor sa akin, hinawakan naman ni patricia ang aking kamay at nag simula na kaming mag lakad palabas ng faculty office.
Pauwi na kami ngayon ni patricia, hindi ko na namalayan na nasa labas na kami ng campus at nag aantay ng masasakyan. kaya naman kinuha ko na ang phone ko para mag hanap ng uber or grab na masasakyan nang biglang mag salita si patricia sa aking tabi.
“Ghurl wag ka na mag grab parating na si chester, ihahatid ka nalang namin sa inyo itago mo na yang phone mo.” Saad ni patricia sa akin.
“Salamat pat.” Walang buhay kong sinabi sa aking kaibigan, napa isip tuloy ako na baka siya ang nag pumilit sa profesor namin na ako nalang ang ipalit sa napilayan nilang kasama, pahamak talaga itong kaibigan ko.
“Ano ka ba okay lang iyon, pauwi na rin naman ako at si chester.” Sagot naman ni patricia sa akin.
“Kayo na ba pat?” tanong ko naman sa aking kaibigan.
“Uhm yup, kahapon lang!” naka ngiting sagot naman niya sa akin tumango lang ako dito, maya maya pa ay may huminto ng kotse sa harapan namin at nakita ko si chester sa loob nito, lumabas si chester sa kotse niya at pinag buksan si patricia ng pinto sa harapan, at ako naman ay sa likod, masayang nag uusap si chester at patricia sa harapan ko habang nag da drive naman si chester lumingon ito sa akin at nag tanong.
“Crys baka na gugutom ka gusto n’yo ba ni patricia ng makakain?” tanong ni chester sa akin kaya napalingon narin si patricia sa akin at nag aantay ng isasagot ko. “pwede tayo mag drive tru.” Dagdag pa ni chester, umiling lang ako kay patricia kaya naman nakuha niya agad ang sagot ko.
Pagka hatid nila sakin sa bahay ay nag paalam din ang mga ito para makauwi narin, umakyat kaagad ako sa aking silid at pabagsak na nahiga doon, pagod na ang aking katawan pagod pa ang aking isip kakaisip sa lintek na cheerleading na yan.
Nagising ako sa sobrang dilim ng aking kwarto, naalala ko nga pala naka tulog ako pag uwi ko, bumangon ako at binuksan ang ilaw sa aking silid, kinuha ko ang aking towel na naka hanger malapit sa bintana. Una kong hinubad ang aking sapatos at pumasok na sa banyo para maligo, pagkatapos kong maligo nag bihis na ako ng pambahay at bumaba na sa kusina para mag luto ng aking kakainin, binuksan ko muna ang mga ilaw sa loob ng bahay dahil sobrang dilim at alam kong wala pa si mommy.
Kumakain na ako ngayon ng niluto kong chicken kare, pero ang isip ko ay nasa cheerleading namin, iniisip ko kung papasok ba ako bukas o aabsent nalang, try ko kaya mag panggap na may sakit kaso nga lang baka hanapan ako ng medical certificate eh, kung ano ano na ang mga pumapasok sa isip kong mga dahilan para wag lang makasali sa cheerleading pero lahat ng naisip ko ay failed, stress na stress na akong bumalik sa aking kwarto at humiga doon, talagang wala na akong choice kundi ang sumali sa cheerleading.
Umaga na at naririnig ko nanaman ang alarm clock ko, iniabot ko ito sa gilid ng higaan at pinatay ko ito at ipinikit ko ulit ang aking mga mata, tamad na tamad talaga ako ngayong gumising.
“Crys!!” sigaw ni mommy sa harapan ng aking pinto na nakabukas, napa balikwas ako at napatingin kay mommy. “Crys 7:30 am na ng umaga, wala ka bang-“ hindi na natapos ni mommy ang sasabihin niya ng makita akong nag madaling mag bihis ng uniform at nag suklay ng buhok, hindi na ako naligo o nag hilamos man lang, kahit ang nilutong breakfast ni mommy ay hindi ko nagalaw, si mommy na ang nag hatid sa akin papasok ng campus dahil alam niyang late na late na ako.
Patakbo akong pumasok sa campus namin para maka habol sa first subject, nang makarating na ako malapit sa pinto ng classroom dahan dahan na akong nag lakad papasok.
“You're 45 minutes late miss zamora.” Pag tawag ng profesor sa aking pangalan.
“Sorry po prof im late.” Hingal kong sabi sa profesor.
“Okay have a sit miss zamora.” Saad ng aming prof
“Thank you po.” Sagot ko naman sa kanya at naupo na sa tabi ng aking kaibigan.
“Ghurl bakit ka naman na late ng ganon ka haba tapos 45 minutes pa.” bulong kaagad sa akin ni patricia nang nakaupo na ako.
“Wala naman ghurl tinamad lang ako gumising.” Sagot ko naman sa katabi kong si patricia.
“Excited ka na ba para sa praktis mamaya?” tanong ni patricia sa akin.
“Hindi ako excited para sa praktis ng cheerleading mamaya, pero bahala na kung anong kalalabasan ng sayaw.” Sagot ko sa aking kaibigan na sinimangutan ko.
“Kaya mo yan ghurl.” Naka ngiting sabi niya sa akin habang tinatapik tapik nito ang likod ko, kaya naman napahawak nalang ako sa aking noo.