Chapter 6

3399 Words
Chapter 6 Napahawak nalang ako sa aking noo at iniisip na kung ano na ang mangyayari mamaya sa praktis, hindi ko ata makakaya na mag pahagis hagis sa itaas baka himatayin nalang ako bigla pero ano nga ba ang magagawa ko? kundi wala, ayoko pa naman maging singko sa exam ko mas gusto ko pang maging uno palagi, bulong ko nalang sa isip ko. “Crys tara na!” pag tawag sa akin ni patricia. “Huh, saan?” takang tanong ko naman sa kanya. “Sa canteen, ano ka ba?” sagot naman niya sa akin. Papunta na kami ngayon sa canteen at pag pasok namin ay nakita namin si chester at miller na naka upo at kumakain ang mga ito ng snack lang at water, tinabihan naman ni patricia si chester at ako naman ay tumabi kay miller. “Chest.” Tawag ng aking kaibigan kay chester. “Tricia kayo pala!” Sagot naman ni chester. “Chest alam mo ba na kasali na sa aming grupo si-“ hindi na natapos ang sasabihin ni patricia ng padabog akong tumayo para omorder ng kakainin namin, umiinit talaga ulo ko kapag naririnig ko ang cheerleading praktis. “Pat bibili lang ako ng kakainin natin.” Sabi ko sa aking kaibigan at umalis na ako ng nakasimangot. Pag balik ko sa lamesa dala dala ang pagkain ay narinig kong nag-uusap sila about out of town after ng exam, umupo na ako sa tabi ni miller habang inaabot naman kay patricia ang inorder kong pagkain para sa kanya. “Thank you!” sabi ni patricia pag katapos kong iabot ang pagkain niya. “Crys, sa tingin mo maganda ba mag punta sa buguio after ng exam?” tanong ni patricia sakin. “Maganda naman, kaso nga lang masyadong crowded na doon kapag summer daming tourist.” paliwanag ko sa kanila. “Eh, saan kaya maganda? mag suggest ka naman.” Saad ni miller na naka tingin sa akin, kaya naman nag iisip kaagad ako ng magandang lugar. “Sa katiclan maganda gusto niyo ba?” tanong ko naman sa kanila. “Maganda ba doon? eh diba puro dagat at ilog ang nando’n?” si patricia naman iyon. “Oo nga naman saka mamasyal lang naman tayo diba?” sagot naman ni chester sa amin. “Mamamasyal narin naman tayo bakit hindi nalang natin lubos lubusin ang pamamasyal? mag swimming tayo! kaya nga out of town diba?” sagot ko naman sa kanila na naka taas ang kilay. “Tama para naman sulit.” Sagot naman ni miller. “Wala na bang ibang suggestion place para sa out of town?” tanong ni patricia. “kung mag suggest ako ulit ng place magugustuhan niyo na ba? Lalo na iyong wala dito ngayon katulad ni JB at alex? paano kung hindi nila magustuhan iyong lugar?” tanong ko sa kanilang tatlo. “kahit naman mag decide na tayo ngayon kung saan tayo pupunta after ng exam hindi naman mag rereklamo ang dalawang iyon! sasama nalang ang mga iyon para mag chill i'm sure.” Paliwanag naman ni chester. “Okay, mag bohol nalang tayo guys. deal?” huling suggest ko sa kanilang tatlo kaya naman nakipag deal na sila, natapos na ang usapan namin at humiwalay na sila chester para pumasok sa next subject nila. ako naman ay patungo narin sa next subject ko nang tawagin ako ni patricia. “Crys! saan ka pupunta?” tanong ni patricia sa akin. “Sa next subject ko, bakit ba?” sagot ko naman sa aking kaibigan. “Praktis na natin sa cheerleading, hindi mo na kailangan pumasok sa next subject mo dahil exempted kana at naka usap na ng P.E prof natin ang next subject mo!” Paliwanag ni patricia sa akin na agad naman akong lumapit sa kanya at sabay na kaming nag lakad patungo sa covered court. Nang makarating na kami sa covered court ay kompleto na ang lahat, kaming dalawa nalang ni patricia ang kulang. “Guys andito na kami ni crys!” Sabi ni patricia. kaya naman napa lingon ang lahat sa amin habang papalapit kami sa pwesto nila. “Ano start na ba tayo o maya nalang ng konti?” dagdag pa ni patricia. “Tara start na tayo! para matapos na.” sagot ko kaagad sa kanila kaya naman napatingin sa akin si patricia at ngumiti, lumapit na ako sa speaker nila at hinanap ang sound background nila nang makita ko na ang usb sinalpak ko na ito sa speaker at nilakasan. tumunog ang mambo italiano slowmo remix napa kunot noo nalang ako at tinawag ang aking bestfriend. “Pat! Ito ba ang sound background ninyo para sa cheerleading competition?” tanong ko sa aking kaibigan na humarap sa akin habang nakaturo ang aking kamay sa speaker. “Yup, maganda ba crys?” tanong naman ni patricia sa akin, kaya naman napa face palm nalang ako. “Pat naman paano kayo mananalo niyan kung ganyan ang sound background ninyo? walang kabuhay buhay alam mo ba iyon? tapos slowmo pa!” reklamo ko sa aking kaibigan. “Ghurl kasama ka narin dito, hindi lang kami saka remix naman yan eh!” Sagot naman niya sakin. “Oo remix nga pero slowmo naman, duh? Paano tayo mananalo sa cheerleading competition dito sa buong campus kung ganyan ang mga tunog ng sound background natin.” Inis na sabi ko kay patricia. “Eh di palitan natin iyong sound background, ano ba maganda?” Naka ngiting tanong ni patricia sa akin, kaya nag isip kaagad ako ng magandang sound background iyong malakas, maganda, iyong intro palang mag hihiyawan na lahat ng tao. “Scooby doo papa new viral remix.” Mabilisang sabi ko kay patricia, kinuha ko ang usb nila na sinalpak ko kanina sa speaker, alam kong wala silang copy no’n kaya nag download agad ako sa phone ko mabilis lang ang pag download sinave ko ito agad sa usb na hawak ko. “Buti nalang talaga ikaw ang naisipan kong ipresenta kay prof, ang bilis mo mag isip ng idea eh!” Sabi naman ni patricia, “Ano sabi mo?” Sagot ko sa kanya ng naka kunot noo ng marinig kong may sinasabi sa akin. “Ahh wala sabi ko mag start na tayo!” Sabi naman niya at nag simula na kaming mag praktis pinalitan ko narin ang ibang step nila na slowmo to energetic, si patricia ang unang nag turo sa akin ng mga basic dance, mamaya na raw ang mahihirap na step lalo na ang pag taas sa akin ng mga lalaki sa itaas. “Pat, pagod na ako pwede ba mag water break muna tayo?” hingal na tanong ko kay patricia, habang nag pupunas ako ng pawis sa aking mukha hanggang leeg. “Guys water break muna tayo.” Sigaw na sabi ni patricia sa lahat. “Ano na ang sunod na step ang ituturo mo sakin pat?” tanong ko sa aking kaibigan habang umiinom ng mineral water. “Ghurl bubuhatin na tayong dalawa ng mga boys pataas, dalawa ang bubuhat sa akin pataas gano’n din sayo the rest alalay lang sa likod natin yung iba incase na mahulog tayo, and then gagayahin mo lang ang step ko kapag nasa taas na tayo, di naman mahirap eh.” Paliwanag ni patricia sa akin. “Wala na bang madali? Pwede bang mag cheer na lang ako sa ibaba kesa buhatin pa ako sa taas at doon mag cheer?” tanong ko kay patricia na ikinatawa niya naman ng malakas. “Ghurl kailangan kasi dalawang babae ang nag checheer sa itaas, ang kulit mo!” Sabi naman ni patricia. “Okay fine! bahala na, wag lang nila akong ihuhulog kung ayaw nilang tamaan sila sa akin.” Sagot ko naman sa kaibigan ko na tawang tawa sa sinabi ko, nag simula na kami sa next step na mahihirap at sinimulan narin ng mga boys na buhatin ako pataas, sa unang buhat nila para itaas ako nag sisigaw ako na wag nila akong bibitawan dahil baka malaglag ako at sa pangalawang step naman inihahagis nila ako sa taas, hilong hilo ako at hingal na hingal sa kaba at takot na baka mahulog ako. Ginaya ko lahat ng ginagawa ni patricia no’ng parehas na kaming nasa itaas, hanggang sa makuha ko na lahat ng step at makabisado. Natapos namin ang mag hapon na praktis at nag paalam narin ang iba naming mga school mate, nakaupo na kami ngayon ni patricia at nag papahinga sa covered court. “Crys hindi kaba mag papalit ng damit? Basang basa ka ng pawis eh!” Sabi ni patricia, saka ko lang naalala na wala pala akong dalang extrang damit dahil na late ako kaninang umaga. “Oh my gosh, wala pala akong pamalit, ghurl uwi na ako nanlalagkit narin kasi ang katawan ko, saka sumakit ang ulo ko ng sobra.” Sabi ko naman sa katabi kong si patricia. “Antayin nalang natin si chester ghurl para maihatid kana namin.” Sabi naman niya na patayo na para mag tungo sa CR at mag palit ng damit. “Wag na, ang baho ko na eh, kayo nalang panira pa ako sa date ninyo palagi eh,” sabi ko naman sa aking kaibigan na tumango lang sa akin, nag simula na akong mag paalam sa kanya paalis ng court. “bye see you tomorrow!” Dagdag ko pa ng makalayo na ako. Pag pasok ko sa aming bahay nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa habang busy sa harapan ng laptop. “Mommy!” pag tawag ko sakanya. “Ang aga mo atang nakauwi ngayon!” Sabi ko naman sa kanya habang busy parin sa laptop, kaya naman humalik na ako kaagad sa pisnge niya. “Wala naman kasi gaanong customer kaya umuwi na ako agad, Anak amoy araw ka!” Sabi ni mommy na natatawa. “Alam ko na po iyon! nag praktis po kasi kami ng cheerleading, sige akyat na po ako sa taas para maka paglinis na ng katawan ko at makapag palit narin ng damit.” Sagot ko kay mommy at tumalikod na ako paalis. “Okay sige anak, mag luluto narin ako ngayon para makakain kana ng maaga, alam kong napagod ka sa praktis n'yo.” saad ni mommy habang nag lalakad na ako paakyat. “Mom may sasabihin pala ako sayo.” Sabi ko kay mommy na kaharap sa lamesa habang kumakain na kami. “Ano iyon anak? sabihin mo na!” Tanong naman ni mommy. “Ah, mommy kasi meron kaming out of town nila patricia, kasama yo’ng boyfriend niyang si chester at ang mga kaibigan ng boyfriend niya, gusto ko sanang sumama sa kanila kung okay lang?” tanong ko kay mommy. “Uhm okay, mukhang mabait naman iyong chester, na met ko na siya dito noong sinundo ka nila! ang tanong? okay naman ba ang mga friend ng chester na yan anak?” tanong ni mommy. “Yes mom! okay naman po sila na met ko na sila.” Sagot ko kaagad sa kanya. “Okay no problem anak, kung na met mo na sila at okay naman then go ahead, kelan n’yo ba balak mag out of town?” tanong ni mommy. “After po ng exam mommy at sa bohol ang napili naming puntahan!” Tuwang tuwa na sabi ko kay mommy, alam ko naman na papayag kaagad siya lalo na alam niyang kasama ko si patricia. alam niya kasing mag bestfriend kami simula no’ng bata palang kami. “Okay sige, remind me after your exam, and I’ll give you a pocket money.” Nakangiting sabi ni mommy sa akin kaya naman ngumiti narin ako pabalik sa kanya. Masayang masaya akong umakyat sa aking kwarto, Umupo ako sa aking higaan sa sulok at kinuha ko kaagad ang aking phone sa may table at nag tipa ng message para kay patricia. “Pat okay na ang out of town natin after ng exam, pinayagan na ako ni mommy. C”,)…” mensahe ko sa aking kaibigan, hindi nag tagal tumunog kagad ang phone ko kaya naman binasa ko ito kaagad. “Okay ghurl, tawagan ko na si chester para maka usap niya na ang mga kaibigan niya.” sagot naman ni patricia, na agad naman ako nag tipa ng mensahe at sinang ayunan ito. Isang buong linggo ang lumipas, ngayon ay nakaupo kami sa covered court at katatapos lang namin ngayon mag praktis ng cheerleading ni patricia, mabilis kong natutunan ang mga sayaw at hindi narin ako takot na ihagis pataas nagawa namin lahat ng maayos at walang mali, wala rin napahamak kahit isa. “Crys tara na mag palit na tayo ng damit basang basa na tayo ng pawis saka parating na si chester.” Pag aaya ni patricia sa akin. “Sige, tara na sa comfort room nanlalagkit narin kasi ako eh.” Sagot ko naman sa aking kaibigan at nag lakad na kami patungo sa CR, nag hihilamos palang ako sa loob ng kubeta habang si patricia naman ay nag memake-up na, napatingin ako sakanya at gulat na gulat dito, dahil hindi naman siya nag memake-up dati. “Ghurl kailan kapa natutong mag make-up? Tanong ko kay patricia. “Alam mo crys hindi make-up tawag dito, nag lagay lang ako ng kaunting foundation at lipstick noh, para naman mag kakulay ang buhay ko kapag nag kikita kami ni chester.” Paliwag sa akin ni patricia. “mag boyfriend ka na kasi ng mag ka kulay naman iyang buhay mo noh!” dagdag pa niya na natatawa sa akin. “Hindi ko kailangan ng jowa.” Sagot ko naman sa kanya na naka irap, palabas na kami ng CR ng may marinig kaming ingay ng mga kotse. napatingin ako sa labas ng covered court at nalaman ko na sila miller at chester pala iyong dumating. “Tricia!!” pag tawag ni chester sa aking kaibigan, kaya naman kumaway ang aking kaibigan sa kanila at lumapit ang mga ito sa amin. “Crys, long time no see ahh.” Pag bati ni miller sa akin na naka ngiti kaya naman ngumiti narin ako sa kanya. “kamusta ka na?” tanong ni miller sa akin. “Okay lang ako, kayo kamusta na, ilang linggo din tayong hindi nag kita ahh!” Sagot ko naman sa kanila. “Busy kasi kami sa mga girlfriend namin eh!” Sagot naman ni chester na naka tingin kay patricia. “Yup!” Si miller naman iyon. “So, ibig sabihin may girlfriend pala si miller? Hindi halata ahh, at never ko ata nakita.” Natatawang sabi ko sa kanila. “Yah, hindi lang halata, kasi ayoko ipahalata!” Saad ni miller samin na natatawa. “at saka pinag iisipan ko pa kung isasama ko ba siya sa out of town natin o hindi, napaka ingay kasi no'n eh.” Natatawang sabi ni miller kaya humalakhak kami ng tawa. “Tara upo muna tayo doon!” pag aaya ko sa kanila dahil masakit na ang paa ko kakatayo lalo na kanina sa pag praktis. “Ah! by the way nga pala crys sasama si alex sa out of town natin, baka doon narin kayo mag met medyo busy pa kasi siya alam mo na, inaasikaso niya iyong mga papers niya going to state!” Paliwanag naman ni chester sa akin. “So, tuloy pala talaga ang alis niya at doon na mag aaral?” sagot ko sa kanila na may pang hihinayang. “Eh bakit pa siya manliligaw sa akin kung aalis lang din naman siya.” Dagdag ko pa na nakairap sa kanilia. “Ghurl wala ata kaming sinabing manliligaw si alex sayo eh, ang sabi lang namin gusto ka niyang makilala, bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa diyan?” pang aasar ni patricia sa akin kaya naman nag tawanan sila miller at chester, agad naman akong napalunok. nahuli ata ako doon ah? halata ba na gusto ko rin siyang makilala?! “Duh, nag kamali lang ako ng sinabi.” Pag tatanggi ko. “Well, parang ganoon narin iyon balak narin ata manligaw ni alex saka wag kang mag alala crys i'm sure gagawa ng paraan iyon at hindi ka niya iiwanan.” Sabi naman ni chester sa akin. “Tama kaya wag ka na umiyak crys!” Pang aasar din ni miller. “huli na nga eh mag dedeny pa.” dagdag pa niya na lalong ikinatawa ng dalawa. “The heck! bakit naman ako iiyak?! as if naman noh!” sagot ko sa kanila na naka irap, kaya naman tawang tawa talaga sila sa itsura ko. “Bukas na nga pala ang laban ng cheerleading kailangan ko ng umuwi para makapag relax na ako ng maaga!” Pag iiba ko ng usapan dahil baka matusta na ako sa sobrang pula ng mukha ko at para maka iwas narin sa mga pang aasar nila, nag simula na akong mag ligpit ng mga gamit. “Ayy oo nga pala nakalimutan ko! sige hatid kana namin ni chester.” Saad ni patricia. “Wag na kaya ko naman eh, masira pa date ninyo ng dahil sa akin kita nalang tayo bukas!” Sabi ko naman kay patricia at agad na akong tumalikod paalis sa kanila. Naka higa na ako ngayon sa aking kama at nag hihintay nalang na makatulog habang ang isip ko naman ay nasa cheerleading para sa laban namin bukas, excited na ako. “Crys! Anak.” Pag tawag ni mommy sa akin, kaya naman minulat ko ang aking mga mata, at nakita ko siya sa pinto ng kwarto ko. “Nasa labas si patricia at chester inaantay ka nila, bumangon kana anak.” Saad ni mommy kaya bumangon na ako kaagad at bumaba para makita sila patricia, kasunod ko naman si mommy na nag mamadali para mag luto ng breakfast. nakita ko si patricia at chester sa sofa na nakaupo at nanunood ng T.V “Pat, bakit ang aga ninyo?” Tanong ko sakanila. “Crys sabay na tayo pumasok ngayon para madaanan din natin ang mga pinagawa nating cheerleading uniform sa shop! 7oclock daw kasi sila nag bubukas.” Paliwanag sa akin ni patricia. “Uhm okay sige ligo lang ako saglit.” Sabi ko naman at nag madali na akong umakyat sa taas at naligo na. Pag dating namin sa covered court ang dami ng mga studyante, nag sisigawan ang mga ito sa mga nag sasayawan ng cheerleading, pang pito kami sa listahan na lalaban, nakita ko na marami rami din ang magagaling kinakabahan kaming lahat kaya naman nong tinawag na ang number seven nag group hug muna kaming lahat bago pumunta sa gitna ng covered court para mag perform. “Galingan nating lahat guys! kailangan sabay sabay tayong lahat sa mga step natin!” Pag papalakas ko ng loob sa aming grupo na agad naman nilang tinanguan, kaya ng tumunog na ang aming sound background scooby doo papa ayun na ginalingan ko na. ginamit ko na ang girl power ko to the max! kahit mag kandahilo hilo na ako atleast binigay ko ang the best ko. nag hiyawan na ang lahat ng studyante sa loob ng covered court at sobrang ingay na. Nang matapos na sumayaw ang lahat ng kalahok, tinawag naman ang mga nakapasok sa magic five narinig kong tinawag ang pangalan ni patricia at pangalan ko. “Group of patricia and crysler please come forward!” Tawag sa amin ng professor kaya naman lumapit kami sa harapan, nakapasok na kami sa magic five at ngayon naman tatawagin na ang 3rd place, kaya nag palak pakan kaming lahat sumunod ay 2nd place at ang sumunod ay 1st. “Okay! the 1st place goes to crysler and patricia group!!” Sigaw ng professor sa microphone, tuwang tuwa kami ni patricia habang sina sabitan kami ng sash at binibigyan ng trophy nang may biglang dumating na binata at may dala dalang one bouquet of red roses lalong nag hiyawan ang lahat ng makita nila ang binata na papalapit sa amin ni patricia, lumuhod ang binata sa harapan ko habang inaabot ang one bouquet of roses sa akin. natulala ako at napatingin sa binata. “Can you be my girlfriend?” tanong ng binata sa akin habang naka ngiti ito, kaya naman lalong nag hiyawan lahat ng studyante sa loob ng covered court at ako naman hindi maka paniwala ngayon ko lang nakita ang binata kaya natulala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD