Chapter 18 Humigop ako sa hawak kong fruit shake pag katapos ay inilagay ko sa aking mata ang cat eye shade. “Crys, ano nga pala nangyari sa inyo ni jared kahapon?” panimulang tanong sa akin ni patricia. “Ah iyon ba? Nag karoon kasi ng problema, naputol iyong supply ng hangin na hindi sadya.” sagot ko dito. “Kaya nag mouth to mouth din kayong hindi sadya?” Natatawang biro nito sa akin kaya naman tinignan ko ito ng masama. “Hoy! FYI lang hindi kami nag halikan, siya ang biglang lumapit sa akin at hinalikan ako.” Sabi ko naman dito na inikutan ito ng mata at saka dumampot ulit ng isa pang pizza para kainin. “Okay sige sabi mo eh!” Sabi naman nito, nang maubos na ang aming kinakain ay nag pasya kami ni patricia na mag ikot sa buong resort at mag selfie. Unang pinuntahan namin ay ang lik

