Chapter 19 Umupo ito sa aking likuran katabi si miller samantalang si patricia naman at chester ay nakaupo ang mga ito sa aking unahan, nag simula na ang driver paandarin ang motorboat at habang pinapaandar ito ay tahimik lang akong nag mamasid sa paligid. Pinag masdan ko nalang ang mga magagandang tanawin at mga matataas na bato bato at magagandang mga kabundukan sa mga kabilang isla at kapag tumingin ka naman sa ilalim ng tubig ay makikita mo ang naggagandahang mga korals mga halamang iba’t ibang kulay na naka kaakit sa mga mata ng tao na kahit sino mang turista ay mapapalangoy sa ilalim ng dagat makita lang ang nag gagandahang ibat ibang klase ng isda sa ilalim ng dagat. Pag hinto ng motorboat sa isang isla ay pinababa na kami isa-isa pag katapos ay muli kaming pinasakay sa isang bang

