Chapter 34 ..Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay hindi ko parin ito kinikibo sa lahat ng mga tanong niya sa akin, at kahit saang sulok ako ng bahay mag punta ay lagi itong nakabuntot sa akin. Ilang araw na ang lumipas na namamalagi lang sa loob ng bahay si jared at ilang araw narin akong bantay sarado sa kanya at hindi makalabas ng bahay at patuloy parin ako sa pag-iwas sa kanya, naka upo ako sa sofa at nanunood ng T.V ng mapansin ko itong pabalik balik sa aking harapan at panay ang tingin kaya naman napag desisyonan kong umakyat sa kwarto at ilock ang pinto. Umupo ako sa higaan at isinandal ko ang aking likod sa headboard at pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa gilid ng lamesa para tawagan ang aking kaibigan. “Pat, pwede ba tayong magkita ngayon sa labas o k

