Chapter 33 …Nang mailagay ko na sa sahig ang pointed shoes ko ay nagtungo na ako sa bathroom para maligo nasa pinto palang ako ng bathroom papasok nang may kumatok na sa pinto ng kwarto ko, kaagad ko naman itong pinag buksan at nakita ko si manang sa aking harapan na nakangiti. “Hija may dumating na package para sayo nasa ibaba.” Sabi nito nang pagbuksan ko ng pinto. “Sige po manang susunod nalang po ako sa ibaba, maliligo lang po ako.” Sagot ko naman dito na tumango lang sa akin at pagkatapos ay tumalikod na ito paalis. Nang matapos na akong makaligo ay nag suot lang ako ng t-shirt at pajama at nag lakad na pababa ng hagdan, nakita ko naman kaagad ang malaking box na puti at pahaba. May nakataling lace na itinupi para maging ribbon nakapatong itong box sa may sofa at agad ko naman ito

