Chapter 38 ..Nag tungo ako sa labas ng shop at nag antay doon, nang matapos na itong mag bayad ay nilapitan agad ako nito at marahan itong humawak sa aking kamay at pagkatapos ay hinila nito sa tabing dagat, nakita ko naman na may bangka doon na nag aantay sa amin. “Jared, sasakay ba tayo diyan?” tanong ko dito habang hila hila ang aking kamay, lumingon naman ito sa akin at ngumiti. “Yup, pupunta tayo sa kabilang isla.” Sagot naman nito sa akin at pagkatapos ay inalalayan na ako nito paakyat sa bangka. “Ano gagawin natin doon?” takang tanong ko naman dito. “Mamamasyal tayo.” Sagot nito sa akin at naupo na kami sa upuan, pinaadar naman ng lalaki ang makina ng bangka. “Bakit doon pa?” tanong ko naman dito, tumingin ito sa aking mukha at ang kamay nito ay ipinatong sa aking mga hita. “

