Chapter 39 “Ayoko kasing nagugutom ka saka konti lang iyan.” Sabi nito sa akin at ipinagpatuloy na nito ang pagmamaneho ng sasakyan. Nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin sa maynila ay agad na tumayo si jared sa kanyang upuan at hinila nito ang aking isang kamay pababa ng eroplano, sinalubong naman kami ng isang lalaking naka yuniporming itim. “Sir jared, ito na po ang susi.” Sabi ng isang lalaki habang inaabot ang susi ng sasakyan, kinuha naman ni jared ang susi at inilagay ito sa bulsa. “Thank you.” Sagot naman ni jared sa kanya, pagkatapos ay nakita ko naman ang isang lalaki na papalapit sa amin daladala nito ang aming mga maleta at bag at inilagay ito sa backseat ng sasakyan. Nang matapos nang ilagay ng lalaki sa backseat ang aming mga gamit ay humarap ito sa amin. “Sir,

