CHAPTER 1

1162 Words
SHANELLE “Uy Shanelle, tingnan mo oh…” Narinig kong turo ni Jessa sa likod ko na naging dahilan ng pagtahimik ko saglit. Kitang-kita ko ang isang lalakeng may hawak na mga libro. Nakasuot ito ng makapal na salamin sa mata, ang damit naman nitong polo ay halos malukot na sa kakahila nito na parang hindi kumportable sa hitsura nito. Ang isa nitong kamay ay nakawak sa gilid ng bag na gamit nito. “Talaga naman oo! Sa sobrang ganda mo ay pati ang mga weird na katulad ni Sean ay lokong-loko sayo.” Biro pa ni Abby sa akin na ginantihan ko lang ng isang irap. Wala namang problema sa hitsura ni Sean at disente naman ito kung tingnan, huwag lang itong ngingiti at makikita agad ang mga sungki nitong ngipin. Para din itong apo ni Einstein sa kapal ng suot nitong eyeglasses. Matalino naman ito, at palagi itong kasama sa dean’s lister. Ang mga pormahan naman nito ay hindi magpapahuli sa mga uso pa ata noong mga taong 90’s. Napiling na lang ako. Hindi nga nagtagal ay nasa harapan ko na siya at pigil na mangiti ng maluwang pero kita naman sa mukha nito na masaya ito ng mga oras na iyon habang nasa tabi niya ako. “Para sayo Shanelle…” Sunod nitong iniabot ang isang bar ng tobleron na chocolate na mukhang kay tagal na atang nasa bag nito at medyo lukot na ang kahon nito. Alangan kong iniabot ang chocolate na binibigay niya sa akin. Ayoko naman siyang mapahiya lalo na at nagbubulungan ang dalawa kong malditang kaibigan. Masaya nitong pinagmasadan ang pagkuha ko ng chocolate sa kamay nito at pagkatapos ay inilapag ko ito sa mesang gawa sa semento na gamit namin. “S-salamat Sean.” Tangi ko na lang nasabi sa kanya at mas lalo pang nagtawanan si Abby at Jessa na kinainis ko. Palagi na lang pinagtritripan ng mga ito si Sean kahit na wala namang itong ginagawa sa mga ito. Inakmaan ko na lang na babatukan ko ang mga ito kaya medyo natahimik ang dalawa. “You’re welcome Shanelle.” Nahihiya pang sabi ni Sean sa akin at napangiwi na lang ako sa inakto nito. “May kailangan ka ba Sean?” Pigil din ang tawa ko ng mga sandaling iyon dahil sa mga ginagawa ng dalawa kong kaibigan sa gilid namin. “Y-yayain sana kitang kumain ng lunch bukas.” Diretso nitong sagot sa akin na mas lalong kinatawa nila Abby. “Woahhhh, Shanelle! Lunch daw oh, sumama ka na ng malibre ka ng lunch, saying din ang papakain niya sayo, laman tiyan din yun.” Pang-aalaska pa ni Abby, nasiko ko tuloy siya sa sobrang talas ng dila niya at wala man lang kapreno-preno ang mga pinag-sasabi. “Abby, lumubay nga kayong dalawa.” Saway ko sa kanilang dalawa at ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi ng mga ito. Hindi ko naman alam kung ano ang puwede kong isagot kay Sean na hindi ito ma o-offend. Ayokong mag-isip ito ng higit pa sa pagkakaibigan ang kaya kong ibigay sa kanya. Mahirap na at baka umasa pa ito ng todo na magugustuhan ko siya na malabo namang mangyari. “Ah, ganito na lang Sean, icha-chat na lang kita later ha kung wala akong lakad bukas ng tanghali. Di’ba friends naman tayo sa f*******:?” naisip kong sabihin sa kanya. Agad niya akong inadd sa sss account ko ng makipagkilala siya sa akin sa canteen noong unang beses na magkita kami dito sa campus. Simula ng araw na iyon ay hindi na niya ako tinantanan ng kakasunod. Para nang stalker ang datingan nito at halos lahat ng post ko sa sss ay nakalike ito. Palagi din itong nagchachat at alam ang mga lakad ko, pag tinanong ko kung paano niya nalaman na nasa mall ako ay sasabihin lang nito na may nagsabi na kaibigan ko raw na nasa mall ako ng oras na’yun. Nakakatakot na rin kung minsan ang mga ginagawa nito, hindi ko naman siya direktang masabihan na tumigil na at baka kung ano ang gawin niya sa sarili ay kargo de kunsensiya ko pa. Napatango na lang ito at biglang lumungkot ang mukha dahil sa sinabi ko. Alam ko na kahit na nerd at timid ito ay naiintindihan pa rin ni Sean ang mga sinasabi at reaksyon ng mga luka-luka kong kaibigan. “S-ige Shanelle…hihintayin ko na lang ang chat mo.” Mahinahon niyang sagot sa akin. Hindi pa rin tumitigil ng kakatawa sila Abby kahit na ilang beses ko silang sinasaway. Hindi nagtagal ay may mga motor na huminto sa harap ng bench nakiuupan naming. Sila Mark ito at ang mga kabarkada nito. Mangliligaw ko si Mark pero wala naman akong balak na sagutin ito. Bukod kasi sa mayabang ay babaero rin ito. “Hey Shanelle…how’s my baby?” Akma niya akong hahawakan ng mabilis kong iniwas ang mukha ko para hindi niya ako tuluyang matsansingan. “Puwede ba Mark.” May pang-uuyam kong sabi sa kanya. “Ang init naman agad ng ulo mo Shanelle, kahit kailan kita makita mainit ang dugo mo sa akin.” Hirit pa ntio. Inirapan ko lang siya at doon ko napansin na hindi pa rin pala umaalis si Sean sa kinatatayuan nito. Kinabahan naman ako bigla at baka pagdiskitahan pa ito ni Mark kasama ang mga barkada nito. At hindi nga ako nagkamali ng biglang magsalita si Mark. “Oh, akalain mo yun…may genius pala tayong kasama dito. Kung hindi ako nagkakamali ay anak ito ni Einstein di’ba?” Sunod kong narinig ang pagtawa ng mga barkada ni Mark isama pa sila Abby na hindi na ata naubos ang tawa kanina pa. “Lubayan nyo si Sean at wala siyang ibang ginagawa sa inyo, puwede ba.” Naiirita kong sabi sa kanila. “Ayahhh, narinig mo yung pareng Mark? Pinagtatanggol ata ni baby Shanelle mo si Sean Einstien?” Nakakalokong sabad naman ng isang kabarkada ni Mark. Inirapan ko lang sila pagkatapos at hinarap ko si Sean sandali. “Sean sige na, umalis ka na bago ka pa buwisitin ng mga tukmol na’to.” Utos ko sa kanya. Bago ito sumagot ay tiningnan muna saglit ni Sean ang mga kasama naming mga lalake ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung titig ba ng pagbabanta o papaano ang ibinigay nitong tingin lalo na kay Mark. At ng hindi pa sumagot si Sean ay akma ni Mark na susuntukin ito kunwari, hinampas ko na lang sa braso ng bag si Mark para pigilin ito sa pang bubully kay Sean. Nang tuluyan ng umalis si Sean dahil na rin sa pang bubully ng mga kaasama ni Mark ay niyaya naman silang magkakaibigan na magmiryenda ng mga mayayabang na mga magbabarkada na iyon. Treat daw ni Mark kaya mabilis pa sa alas kuwatro na sumama sila Abby at Jessa kaya no choice din ako kung hindi ang sumama sa mga ito. Umangkas kami sa mga motor ng kasama ni Mark papunta sa canteen para magmiryenda.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD