CHAPTER 2

1128 Words
Kinagabihan ay muntik ko pang makalimutang ichat si Sean, oh talagang ayaw ko lang siyang imessage at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Napaisip muna ako saglit, kung pumayag kaya ako na sumama sa kanya para mag lunch? Oo tama, tapos sasabihin ko sa kanya na wala talaga siyang pag-asa sa akin at hindi na ito dapat pang umasa na magkakaroon ng kung ano sa pagitan naming dalawa at imposibleng mangyari ang bagay na’yun. Lumundag ako sa kabilang panig ng kama ko at kinuha ko ang nakacharge na cellphone ko para imessage si Sean. Sakto naman at nakaonline din ito. Pinagmasdan ko muna saglit ang profile pic nito na nakasuot na naman ng jologs na polo shirt at makapal na eyeglasses, napailing na lang ako bago magsimulang magtype ng imemenshe ko sa kanya. Helloooo….kumusta ka na? Nainis ako sa naitype ko at mukhang pabebe pa ang datingan. Binura ko agad. Magandang gabi Sean! Oo sige na, payag na ako na kumain tayo bukas ng lunch. Nairap na naman ako sa hangin at mukhang napipilitan lang ako sa message ko sa kanya, baka makahalata ito agad na may balak akong sabihin sa kanya tungkol sa pagiging hopeful nito na may mangyayayaring maganda sa pagitan naming dalawa. Puntahan mo na lang ako sa library bukas before eleven in the morning para sabay na tayong maglunch. Iyon na ang naisend kong message sa kanya na agad namang nitong naseen. Nakita kong nagtytype ito ng reply agad kaya hinintay ko muna nang message niya at hindi nga ako nagkamali at nag-aapear agad ang reply nito ilang segundo pa lang ang nakakalipas.   Salamat Shanelle sa pagpayag mong sumama sa akin na maglunch. Reply niya sa akin. Maging sa chat ay napakabait nitong kausap, kung hindi lang talaga…hay napabuntonghininga na lang ako pagkatapos. Hindi ko na siya nireplyan pa para hindi humaba ang usapan at ako’y inaantok na rin. Ang kailangan ko namang paghandaan ay ang pang-aalaska ng mga kaibigan ko kapag nalaman ng mga ito na makikipag lunch ako kay Sean. Ang iisipin ng mga yun ay tiyak na puro na naman kalokohan. Mga walang puso ang mga ito at talagang harapan pang pinapahiya ng mga ito si Sean kahit anong oras man gusto ng mga ito. ****    Napalingon ako sa paligid para tingan si Sean kung dumating na ito. Kasalukuyan akong nasa library at kunwaring nagbabasa ng mga libro. Sa ibabaw ng table na gamit ko ay nakapatong ang isang cap na kulay itim. Balak ko kasing magsuot ng kahit man lang pananggalang sa init habang kasama ko si Sean o mas tamang sabihin na pananggalang ko para hindi ako makita ng maraming tao na kasama ko si Sean at tiyak na pag tsitsismisan lang ako ng mga ito. Hindi naman sa kinakahiya ko si Sean kaya lang ay sadyang maraming mga matang mapanuri ang kailangan kong pagtaguan kong ayaw kong maheadline sa buong camnpus. Nagbukas ako ng sss account ko para tingnan kung may chat ito sa akin pero ang nakita kong huling message niya sa akin ay ang yung nag goodnight pa ito sa akin kahit na hindi ko na siya nireplyan ng magpasalamat ito dahil sa pagsama ko sa kanya sa pagkain ng tanghalian ngayon araw. Aba, at mukhang dedeadmahin pa ata ako ng unggoy na yun ah. Baka akalain pa niya na ako ang atat na atat na makasama siya sa pagkain. Napasibangot ako bigla ng maisip ko ang bagay na’yun. At hindi nga nagtagal ay dumating na si Sean. Pumasok ito sa loob mismo ng library at ang pinagtaka ko ay may kasama itong isang babae na estudyante rin sa university na pinag-aaralan namin. Nangunot ang noo ko bigla. Nakita ko pa na itinuro ni Sean ang kinaroroonan ko sa babaeng kasama nito. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mapanuring mga mata ng babaeng iyon. Katulad ni Sean ay nerd din ang hitsura nito, nakasuot ng eyeglasses at makapal ang kingky nitong buhok. Bagay nga silang dalawa. Inis kong sabi sa sarili ng mapagtanto ko ang mga pormahan ng mga ito ay parehong-pareho. Nakita kong tumango ang babae ng may sabihin si Sean at pagkatapos ay nagtuloy na ito sa loob mismo ng library para siguro magbasa ng mga libro. Lumapit naman agad si Sean sa akin habang hindi matangal-tangal ang ngiti sa mga labi nito. In fairness ah, medyo maayos ang pormahan niya ngayon. Nakasuot ito ngayon ng polo shirt at maong pants na hindi sobrang laki sa katawan nito. Nagkunwari akong hindi ko siya hinihintay at nagfocus ako sa pagbabasa ng librong nasa harap ko. Ilang segundo pa nga ang lumipas ay nasa harapan ko na siya. “Hello.” Bati agad nito sa akin, hindi ko siya nginitian imbis ay inirapan ko siya para ipakita dito pagkairita ko dahil tinubuan na ata ako ng ugat sa kinauupuan ko kakahintay sa kanya samantalang may kasama lang pala itong babae na kasing weird nito pumorma. “Sorry medyo na late ako ng dating sinamahan----” “Okay lang, kadarating ko lang din naman, so ano? Tutuloy pa ba tayo o papaano?” Inis ko pa ring tanong sa kanya. Nakita ko na biglang parang natakot si Sean sa tono ng boses ko kaya bahagya akong nagbunyi at nakaganti ako sa kanya kahit papaano dahil sa tagal ng paghihintay ko sa kanya. “O-oo, pasensiya ka na talaga Shanelle at pinaghitay kita.” Hinging paumanhin na naman nito sa akin na lalong nagpairita sa akin. Parang ang dating kasi ay ako pa ang naghahabol sa kanya ngayon at gustong-guto ko na makipagkita at kumain ng tanghalin kasama siya. Dahhh! “Ang sabi ko okay lang, di’ba?” Inirapan ko siya ulit sana ko tangkang kukuhanin ang mga librong dadalhin ko ng ito na mismo ang nag simsim ng mga iyon. “Ako na ang magdadala ng mga gamit mo Shanelle.” At pinabayaan ko na siya sa gusto nitong gawin at inis pa rin ako hanggang ngayon sa kanya. Bago kami umalis sa loob ng library ay sinuot ko muna ang cap na dinala ko para maitago ko kahit papaano ang mukha ko na kasama ko ngayon si Sean, ang pinaka nerd at timid na estudyante ata na nakilala ko sa campus na ito. Mahirap na at baka mayamaya lang ay pag-usapan na ako ng mga chismoso at chismosa ng school namin. Sa isang fast food chain ako niyayang kumain ni Sean para maiba nama daw at hind puro pagkain sa canteen ang natitikman namin. Mainam naman ang bagay na iyon para at least ay hindi kami makikita ng mga kasamahan namin sa school at pag-usapan pa, tutal at pagkatapos ng paglabas namin ni Sean ngayon araw ay ito na ang magiging huling beses na hahayaan ko siyang makalapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD