"Nanay Berta!" "Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta. Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi si

